Posted in To this broken heart...

Itataas ang Puting Bandera

Suko na ako sa lahat ng argumento mong tila kaya nang kumitil ng buhay ng tao

Wala na akong panlaban pa sa mga dahilan mong wala namang kapupuntahan at walang katuturan

Paulit ulit at paulit ulit na lang tayong liliko sa usapang babalik din naman sa simula

Sa umpisa kung saan ang dating matatamis at mabubulaklak mong salita ngayon ay tila mga balang tumatama na:

Tumatama sa nabibingi ko nang tenga na halos dumugo na kakapakinig sa’yo

Tumatama sa puso kong kasing rupok lang naman ng maliit na bato

Suko na ako, ayoko na

Pagod na pagod na ako

Pagod na akong pakinggan ka at ang mga rason mong kinulang sa lohiko

Hindi mo nga alam gumamit ng retorika, bato ka lang ng bato ng argumento

Mga argumento mong inihahain lang sa mesa kahit wala namang sustansya

Mga argumentong lutong karinderyang wala lasa, niluluto para lang kumita

At habang binibigkas mo ang mga salitang magiging sanhi siguro ng pamamaalam ko, napapaisip ako

Napapaisip kung asan na nga ba ang taong minahal ko at minahal ako na parang walang makakahigit sa mundo

Nasan na ang maamong mukha na araw-araw kong nakikita sa tuwing babatiin ako ng umaga?

Wala na, wala ka na

At tila ba naging panaginip ang masasayang araw na kasama ka

Na habang nakamulat ang dalawang mata, dun pa ako nabangungot ng malungkot at nakakatakot na katotohanang malapit ng matapos ang lahat

Ang lahat na inakala kong may masayang pagtatapos

Ngunit ayoko na

Dahil ang mundo kasama ka ay naging mabigat lang na pasanin sa huli

Na sa tuwing nagpapansinan tayo, lagi nalang nating napapansin ang kapintasan nating dalawa

Walang bahid ng pagmamahal sa mga mata natin

Suko na ako

Dahil tila ba kapag pilit kong tinitimbang ang pagmamahal ko at galit, mas bumibigat ang mapait na galit

Lalo lang sumisikip ang dibdib

At habang pinipilit ko tumakbo palayo sa nakakasakal na sitwasyon, lalo lang humihirap kumawala

Sa iyo ko napagtanto na minsan nakakapagod pala talagang magmahal

Na harang tumatakbo ka kasabay sa agos ng buhay kasama sya, bigla ka na lang titigil at hihingalin

At bago ko pa iyon maramdaman sa kalagitnaan ng daang pareho nating tinatahak, nauna ka nang mapagod

Nauna ka nang makalimot

Kinalimutan mo ang mga mabubulaklak mong pangako na ngayon ay lanta na, gutay gutay at walang buhay

Kinalimutan mo ang mga pangarap na parang kastilyong buhangin

Sabay nating binuo pero isang alon lang ang sumira

Kaya ngayon, bago pa ako tangayin ng parehong dagat na sumira sa binuo natin

Bago pa ako lamunin ng galit na sinlalim ng dagat, titigil na rin ako sa pagtakb

Bago pa ako mabihag ng mga pangako mong hinding hindi na lalago, pipiliin ko nang putulin ang sangang komumokonekta sa iyo sa akin

Aalisin ko na sa utak ko ang pagbabakasakaling baka

Baka maging maayos pa tayo

Itataas ko ang puting bandera

Simbolo ng paglaya ko mula sa hawla nating dalawa

Simbulo ng pagsuko sa mga argumento mong pilit mong ipinapanalo

Itataas ang puting bandera na nagsasabing hayaan mo na akong mag-isa

Advertisements
Posted in Uncategorized

Bente Ka Na, Kaya May Bente Ako

Oo, ang tanda mo na nga
Matanda ka at mataba pa
Tanda ko pa noong maliliit tayo
Sabi ko maliit yung posibilidad na maging malapit tayo
Tayo yung aso’t pusa eh
Ikaw yung tumatahol, ako yung kumakalmot
Pero bigla ata natin iyong nilimot
O baka naman pagod na tayo sa yamot
Pero teka, hindi naman ito tungkol dun eh
Tungkol ito sa kaarawan  mo
Yung kaarawan mong puno ng nagkalat na paputok at stick ng barbeque
Ha! Bagong taon nga, bagong buhay na rin kapatid
Bagong taon sa iba, pagbabago rin ng taon mo
Pero kelan rin kaya madadagdagan ang tangkad mo?
Kasabay sa numero ng edad mo?
Bagong taon na, tumalon ka ba?
20 ka na ngayong 2017
Kaso mukha ka pa ring seventeen
Pero alam mo namang mahal kita diba?
Kahit sa text ko lang nasasabi
Kahit kapag tulog lang habang nahilik
Matanda ka na, mataba pa
Kaya sana maisipan mo ring awayin yung mga pagkain
Kasi puro ka kain
Tula pa ba ito?
Mahilig ka kasi sa mga uso
Naku, hindi ko na alam kung konektado
Hindi kasi ako magaling dito
Oo, asan na ako? Ah! Uso.
Uso dito, uso dyan, hanggang humaba na yung nguso
Pero dalang-dala mo naman ate
Dala mo lahat ng kolorete
Sa katawan mo na mura nga pero maganda
Mabait na anak, pandak nga lang
Mapagbigay, kahit yung wallet wala ng laman
Magaling ka rin at maganda
O ayan, nakangiti ka na ba?
Yung bente ko mamaya ha?
Wag mong kalilimutan kapag binati kita.

“Mahal kita. Peksman. Walang titibag.”

HAPPY BIRTHDAY MALDZ! I LOVE YOU FROM THE MOON AND BACK. ♥♥♥

nagmamahal,
Shaye

Posted in Uncategorized

Bagong Kwento

Ikaw iyong napaginipan ko nung isang gabi. Yung lalaking humawak sa kamay ko habang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit napangiti rin ako. Basta pakiramdam ko malapit ka sa akin, kasing-lapit ng palad mo sa palad ko. Kita ko ang mga mata mo habang nakapikit ang akin. Kita ko ang mga ngiti mo habang yung labi ko naglalaway na ata. Pagtapos nun, dumating na ang umaga. Dumating ang malamig na umaga, kasabay ng mainit na sinag ng araw at pagmulat ko, pagbukas ng inaantok ko pang mga mata, wala ka na. Hindi ko na maaninag ang iyong mukha. Hindi ko na maramdaman iyong koneksyon natin habang ako ay nakapikit. Tila ba binawi ng paggising ko ang katotohanang hindi totoo ang mga nakita ko. Tila ba sinampal ako sa riyalidad na sa panaginip ka lang magiging totoo. At oo, sa panaginip nga lang tayo nagkatagpo.
Pero sana, ngayong pinatuloy ko ang bagong taon kasabay ng paggising ng bagong umaga, sana makita kita. Sana tumuloy ka rin para magkaroon tayo ng tulay at magkatagpo sa gitna ng lahat ng ito– sa gitna ng gulo, sa gitna ng riyalidad at ilusyon ko.

Sana magkita tayo habang nakamulat ang pareho nating mga mata, nakangiti ang mga labi at magkahawak ang mga kamay.

Walang pag-aalinlangan kung ang lahat ba ng ito ay sadyang panaginip lang. Walang pangamba na baka bukas, paggising ko wala ka na– naman.

Sana ito na yung bagong kwento na magbubukas ng mas magandang pinto, magsusulat ng mas magandang libro at maglilipat ng bagong pahina. Sana ito na iyong pagkakataon natin para sa riyalidad na magtagpo at hindi na lang sa panaginip.
Ngayong bagong taon, sana dumating ka na. Sana buksan mo na ang pinto ng puso kong walang susi. Sana ikaw na iyon.

Sana… minamahal kong hinaharap.


In celebration of New Year! 2017 hooray! GOD BLESS US ALL EVERYONE! ♥♥♥

Posted in To the people who love...

Your Holy Birthday

We’ve been celebrating Christmas for years. We all have the feeling of excitement as we welcome that moment. Every person seem to enjoy the idea of having fun during that specific day in December. We love the Christmas spirit.
Children sing songs infront of our homes as they create music using improvised cymbals and tambourine. They anticipate midnight because of the variety of mouth-watering food on top of the table. But then somewhere between those smiles and hugs that we see during that day, somewhere between the gifts and money that we give and receive, we seemed to forget the essence why Christmas happens. Do we still remember why?

Sure. It is utterly fun when our relatives and friends gather in order to celebrate together. But do we still remember why Christmas even started?
We’re having fun, exchanging gifts and hugs with our loved ones, but on the process, we forgot Jesus.

Jesus, the Son of God, is the reason Christmas happened and is still happening. Jesus Christ, who died on the cross to give us all salvation, was born in order for us to live an eternal life.
We should thank Him for loving us. We should celebrate Christmas, reminding ourselves that Jesus Christ died and lived again. We should be thankful that because of Jesus Christmas, we all have a reason to give and receive love. We all have a opportunity to be with the people that we treasure even just for a limited time. It is Lord Jesus who binds everyone. He binds us with love, because He is the beloved Son of God.
As long as the Love of God is felt in this world, Christmas will always be meaningful and lovely.

We are forever blessed. ♥

MERRY CHRISTMAS EVERYONE!

Posted in To this broken heart...

On KPOP and KDRAMA

Right. You’re treating that hobby as a way to escape from your misery, right? You are always sad that’s why when you saw that door and walked in, you were fascinated by the colors or hues that you’ve never seen before. Sure. It’s an escape route from your reality. You are staring at the black and gray shaded life that you’ve been miserably living, then you face the other side and notice that rainbow light coming from that door. It’s as if the rainbow fills up the neutral and boring shade of your life.
All those dancers, singers and artists that make you scream in awe and amazement are the sole reason that help you forget about your own problems even just for a bit. They seem to make you feel alive more than ever. They seem to be your new source of hope to smile and live. All those dramas that you anticipate to watch make you feel like you were one of the characters as well and for a moment, you feel that it does feel good to live like that.
These make you feel like another person, a lot more different from the real one and a lot better than in reality. But heed this as an unsollicited advice, friend. It’s not a crime to open that door and sneak in, but don’t stay there for too long as if it became your life already. Don’t forget that reality is different from fiction. Don’t live your life inside a story that was and will only be an escape route from reality. Don’t make it your reality because there’s a fat chance that the door will be locked and you won’t find any key to open it anymore. Thus, you might not be able to come out. And as the imagination fills up your reality, it devours your soul as well. Never let that happen.

Focus! Remember your reality.

Posted in To the end of life...

Farewell to a Musician

It is really sad to know that you’re already gone. The memory of our last conversation still lingers in my mind. It was the time when my other grandpa died and you were the one who played the piano for him. That was only three months ago. Now, you are the one who’s lying in that wooden box painted with white and gold, surrounded with white flowers– cold and breathless.
Yes. There will be no big and chubby old man who’ll visit us whenever he wanted. There will be no old guy who’ll play the piano for the dead and living as awesome as you. There will be no one as good as you.
I wish we could have had a different reason to talk to each other. I wish it is anything but about someone who died. I could wish for more.

I could wish endlessly but I know I’d still be hopeless because wishes sometimes remain as mere wishes.

They can never be brought to reality. They can never be brought to life… just like you.
Now, as I end this message, I am wishing you a good night and a good rest… forever. I love you, Lolo.