Posted in To this broken heart...

Itataas ang Puting Bandera

Suko na ako sa lahat ng argumento mong tila kaya nang kumitil ng buhay ng tao

Wala na akong panlaban pa sa mga dahilan mong wala namang kapupuntahan at walang katuturan

Paulit ulit at paulit ulit na lang tayong liliko sa usapang babalik din naman sa simula

Sa umpisa kung saan ang dating matatamis at mabubulaklak mong salita ngayon ay tila mga balang tumatama na:

Tumatama sa nabibingi ko nang tenga na halos dumugo na kakapakinig sa’yo

Tumatama sa puso kong kasing rupok lang naman ng maliit na bato

Suko na ako, ayoko na

Pagod na pagod na ako

Pagod na akong pakinggan ka at ang mga rason mong kinulang sa lohiko

Hindi mo nga alam gumamit ng retorika, bato ka lang ng bato ng argumento

Mga argumento mong inihahain lang sa mesa kahit wala namang sustansya

Mga argumentong lutong karinderyang wala lasa, niluluto para lang kumita

At habang binibigkas mo ang mga salitang magiging sanhi siguro ng pamamaalam ko, napapaisip ako

Napapaisip kung asan na nga ba ang taong minahal ko at minahal ako na parang walang makakahigit sa mundo

Nasan na ang maamong mukha na araw-araw kong nakikita sa tuwing babatiin ako ng umaga?

Wala na, wala ka na

At tila ba naging panaginip ang masasayang araw na kasama ka

Na habang nakamulat ang dalawang mata, dun pa ako nabangungot ng malungkot at nakakatakot na katotohanang malapit ng matapos ang lahat

Ang lahat na inakala kong may masayang pagtatapos

Ngunit ayoko na

Dahil ang mundo kasama ka ay naging mabigat lang na pasanin sa huli

Na sa tuwing nagpapansinan tayo, lagi nalang nating napapansin ang kapintasan nating dalawa

Walang bahid ng pagmamahal sa mga mata natin

Suko na ako

Dahil tila ba kapag pilit kong tinitimbang ang pagmamahal ko at galit, mas bumibigat ang mapait na galit

Lalo lang sumisikip ang dibdib

At habang pinipilit ko tumakbo palayo sa nakakasakal na sitwasyon, lalo lang humihirap kumawala

Sa iyo ko napagtanto na minsan nakakapagod pala talagang magmahal

Na harang tumatakbo ka kasabay sa agos ng buhay kasama sya, bigla ka na lang titigil at hihingalin

At bago ko pa iyon maramdaman sa kalagitnaan ng daang pareho nating tinatahak, nauna ka nang mapagod

Nauna ka nang makalimot

Kinalimutan mo ang mga mabubulaklak mong pangako na ngayon ay lanta na, gutay gutay at walang buhay

Kinalimutan mo ang mga pangarap na parang kastilyong buhangin

Sabay nating binuo pero isang alon lang ang sumira

Kaya ngayon, bago pa ako tangayin ng parehong dagat na sumira sa binuo natin

Bago pa ako lamunin ng galit na sinlalim ng dagat, titigil na rin ako sa pagtakb

Bago pa ako mabihag ng mga pangako mong hinding hindi na lalago, pipiliin ko nang putulin ang sangang komumokonekta sa iyo sa akin

Aalisin ko na sa utak ko ang pagbabakasakaling baka

Baka maging maayos pa tayo

Itataas ko ang puting bandera

Simbolo ng paglaya ko mula sa hawla nating dalawa

Simbulo ng pagsuko sa mga argumento mong pilit mong ipinapanalo

Itataas ang puting bandera na nagsasabing hayaan mo na akong mag-isa

Advertisements

Author:

A Christian. A Filipino. Cupcake mania. A simple person. Writer. Blogger. K-fangirl. "Psalm 63:3"

4 thoughts on “Itataas ang Puting Bandera

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s