Posted in Uncategorized


Tropa. A bold term to say. 

Hindi ko alam pero minsan nagdududa ako kung totoo ba yan.

“Are we really friends?” I ask myself. I am not sure anymore.

We have our problems. I know. Can’t they share it? So that I’d know if I could help them? Ignoring our differences, including thebgender, can they let me know if there is something wrong?

I don’t get them.

Posted in A blog


I remember dreaming to graduate with honors in Elementary. Then, I actually succeeded making it happen. After that I entered High School and I dreamed a simple dream: To graduate. I don’t know. It is just that my perception about life changed suddenly. Life became harder and more challenging. I needed to cope up with its tests. Afraid of losing the fight, I aimed smaller dreams instead of wanting for bigger ones. I was too afraid to fall without even reaching the level that was higher than my past dreams.

After four long years, I was able to hit that mark. I reached my dream. Yeah. I graduated in High school. I needed to leave the friends that I included as my family. I needed to leave the things that I was used to do and have. I know I was bound to start all over again. That’s the time that I started getting scared again. When I enrolled in a different University- a much bigger Institution than my former beloved University- random thoughts started popping out of my mind. What-ifs and what-nows kept on disturbing my inner thoughts. I was afraid that I couldn’t adjust easily.

I am aware of the fact that College is much more different than High school. More vacants but more work. I might have a failing grade and no too-good instructor will pity me and pass me. I am afraid that I couldn’t have the same good friends that I had back in high school days. I am afraid that I couldn’t trust anyone there.Amidst of my fears and doubts, I stepped inside that University and accepted that bold challenge.

I was used to live alone when I was still in high school. My mom trained us(my sister and I) to do chores alone. She’ll send us money and we’ll budget it for a whole week. No. It’s not a torture, or some kind of punishment that we need to suffer. It is way for us to learn how to become independent at such a young age.

At the age of 12, I learned to wash clothes, cook my own meals and prepare my things before going to school. In a positive way, it helped me learn a truth in life: Few years from now, kids will need solitude.

Well, where was I?… Ah! Yes. College. I faced College, repeating that mantra, “I can do this… with God. I can.” The first day of school came. I have to forget about Summer vacation and focus in my studies.

I was used to live alone. I was used to sleep, cook, eat, and study by myself. But then, this time was much different than what I was used to. I had to adjust. I accept the reality that I’d meet different people with different personalities and status in life. So, I really did meet them.

I met my roommates. It felt like I was in a variety show and that I need to become my 4D self( Alien-like and jolly self). I am a happy person but I can’t change the fact that like any other people, I have a fair share of imperfections and problems in life. I am a person after all.

They were such wonderful people. And I really thanked God for blessing me with these kind of people who make someone be her own unique and awesome self. Back in high school, I was an introvert. I was being bullied when I was first year, and maybe, it was the main reason why I had a hard time to make myself comfortable with other people. I was an introvert and I only had limited but great friends. But now, I met many…inside and outside that four-cornered room in a apartment-like Dormitory.Five unnies (older sisters) and four fellow dongsaengs (younger siblings). We were like a family. I learned to be my jolly and crazy self. I forgot about the fears and doubts. I was enjoying every moment of it. I learned to have a big dream… and I learned to include them in my prayers- that all of us will reach every small and big dreams that we long to have in God’s will.

I felt love and joy during the 2 week stay inside that room. I enjoyed it and I want to enjoy it more. I am sorry. I really suck at expressing my emotions properly. But, I am happy.

Classes scared me, too. But then, our Great God blessed me with people who could help me face every boring and enjoyable class that I attend to. I met awesome young ladies that I already counted as friends. They were good people who are, like me, have imperfections and problems in life. I believe that struggles are part of living, though. I am thankful that there are struggles which turn into blessings. I hope ours are one of them.

I admit, I hesitated when I picked my course. But then, I learned to accept and love it. Because of it, I started to gain self-confidence. I allowed myself to be a part of the amazing people who can express their thoughts through writing and speaking. I believe that I am bound to be here and make a difference. I believe that I am fated to meet them. I know that God is in control and He is making every page of this awesomely written story of mine to be remarkable.

With that, I dedicate to Him my dreams which are probably His dreams for me as well.

To God be all the glory!

Posted in Happy? Or just an ending?

Happy Ending? Joke Ka Ba? (Ellina’s Note)


May 5, 2015

“Pangs?… Pangs!”

Naalala ko na naman yung araw na yun. Pati yung pangalang sinisigaw ko.

“Anong nangyari?… Bakit puro dugo Pangs? Okay ka lang?”

    Nakatayo ako sa entrance ng hospital, palabas na sana ako nun, galing check-up… then I saw him- nakahiga sa stretcher na tinutulak ng mga nurse.

    I followed him.

“Pangs!…” He recognized me. I held his hand tightly. Hold on, please.

“Hah! May niligtas akong bata, Pangs! Muntik na syang masagasaan! Buti na lang…” Nagsalita sya pero mahina lang. He struggled to talk. Nandun ako, pero wala akong nagawa para tulungan sya. Walang akong kwenta!!! “…andun ako. Sh*t, ang sakit.” Mahina nyang kinwento sakin yung nangyari… at nakangiti pa sya sa lagay na yun ah. Tinutulak pa rin yung stretcher papuntang OR nun. Yung binti nya… dumudugo. Sobrang daming dugo.Natatakot ako.

“Pangs…” basa na ang mukha ko. “…tanga ka ba?!?… Ba’t ka naman nag-ala superhero?! Hindi ka si superman oy! Tingnan mo tuloy nasasaktan ka na! Tanga ka ba talaga?!?… Ang tanga tanga mo talaga! Nakakainis ka!” Sinigaw ko sa kanya ang pagkainis ko habang umiiyak. Nakikita kong may dugo sya sa ulo… sa braso… sa bibig… Nakakatakot!

“Shhh.Alam ko.” He tried to reach my face. Lalo akong naiyak. Natatakot ako… ng sobra-sobra. Alam kong takot ako sa dugo. Ayoko talaga dun. Pero hindi ko ininda yung takot na yun that time. Ewan. Bigla na lang na parang okay na lang sya sa kamay ko. Hindi ko binitawan yung kamay nya.Marami akong iniisip na bagay at possibilities nun, kaya siguro nawala bigla yung takot ko sa dugo. Dun ako mas natakot… sa pupwedeng mangyari. Ganun pala talaga. Kapag frustrated ka na, hindi mo na napapansin yung mga bagay na kinatatakutan mo. Kasi sa iisang bagay ka na lang natatakot. Yung takot na mawala sa’yo yung importanteng bagay at ang possibility na hindi nay un babalik uli. Dun nanggagaling lahat ng lungkot, luha, at takot.

“Atleast okay lang yung bata, di ba?… Yeah, I’m stupid. I know. I love you, Pangs.” Sinabi nyang mahal nya ako. Pero gusto kong mabuhay sya… na lumaban sya. Di ba ganun yun? Pag mahal mo, lalaban ka. kakayanin nyo. Pero bakit sa’min, huli na? Huli na ba? Hindi ko tanggap. Hindi pa rin talaga.

“If you love me… live then.” His expression saddened.

“Hey, don’t cry my deadly love. Papangit ang Pangs ko.”… And it’s been a while since he uttered that deadly love.

“Pangs!!!” Binola pa ako ng loko. I tried to smile at his joke.

“See?… yeppuda.” He uttered an unfamiliar word in a low but clear voice.

“What the hell? Ha? What does that mean?”


“Loko ka. Don’t leave me, okay?”

“I’m sorry.”

“Don’t say that now. Live first. Please… Pwede?” I pleaded. I pleaded that he’ll continue living… that he’ll survive. Kaya nga lang minsan, kahit lumuhod ka pa, hindi ka pagbibigyan ng tadhana.

“…But still, sorry pangs.”

May tumulong luha sa gilid ng mata nya.

“You moron! Wag mo akong unahan! Wag kang makipagkarera sa’kin! Inaagawan mo naman ako ng eksena eh.” He smiled… pero nawala rin.

“Hey, di ko rin ‘to ginusto. I’m sorry. You’ll be fine…”

“Miss… hindi na po kayo pwedeng pumasok.”

Nung moment na yun nakarating na pala kami sa OR nun. Feeling ko nag-slow mo ang oras, o di kaya tumigil na lang bigla. Ang bigat. Ang bigat sa pakiramdam. Yung malalim ang paghinga ko, na di ko malaman kung bakit. Yung parang may nakabara sa lalamunan ko, at gusto ko iyong ilabas. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit. Ang naririnig ko lang eh yung malakas na kabog ng dibdib ko at sya. Kung totoong natitigil ang oras, sana pupwede ko rin itong i-undo. Sana pupwede kong ibalik yun sa isang scene na gustong-gusto ko at dun itigil ang oras. Sana. Pero gaya nga ng sabi ko nun, you cannot undo the past. Maaari lang nating balikan yun… maalala. But whenever I remember this, it stabs my heart big time!

“Pangs, mahal rin kita… mahal na mahal.” I’m not certain if he heard me, but I saw him smiled, his last smile, before they closed the door.

“Mahal kita… sobra. Kaya lumaban ka ha? Pakakasalan pa kita, di ba?”

    I wanted to tell him that. Pero, maririnig nya pa kaya?


    That day, hindi ko na namalayan ang iba pang nangyari… hindi ko na matandaan kung ilang oras akong naghintay sa labas ng operating room. Iyak lang kasi ako ng iyak nun habang nagdarasal sa taas- umaasa na kung nakikinig Sya ay pagbigyan Nya na ako that time. Hindi ko na rin matandaan kung anong oras lumabas yung doctor para sabihing wala na sya… Wala na si Pangs.


    Ang sakit ko? Walang-wala yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Kahit siguro lumipas ang mga taon, mahihirapan akong maka-move on. Hindi naman nya yun kasalanan eh. Yun ang mas mahirap. Sana nga kasalanan na lang nya. Para pwede akong magalit sa kanya. Pwede ko syang murahin, kainisan, at sigawan. Pero hindi eh. Bigla syang kinuha, at hindi kami handa. Kaya mahirap.


    I lost my strength to stand up. Napaupo ako sa sahig. I hugged my knees, I didn’t mind the blood in my hands. Wala rin akong pakeelam kung mukha man akong tanga sa itsura ko. Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi naman nila siguro ako masisisi dib ba?

    I lost someone important who will never come back.

    Ang sakit. Ang sakit-sakit talaga. (yeppuda=Korean term for beautiful)






Happy ending? Are you really a joke?

Meleng’s note now…

Awesome Reader,

Hi! So, ito na yun. I finished it! Let’s party!!! Yey! Magpapa-lechon talaga ako! Harhar.

Anyway, I hope that Kyle and Ellie’s story carved a special place in your heart. Sana naka-relate ka sa mga nangyari sa kanila. I do hope that this story made you smile, laugh, angry and cry. Kasi it means na binasa mo at naintindihan mo. Kung ano man ang mga nangyari, pwedeng-pwede yung mangyari sa iba. Pwede nga lang mag-iba ang takbo ng story nila. Naka-depende na yun sa kung pano nila i-handle yung situation. You see? I made things in there to be real as much as possible. Oh geez! I so love this story!

Habang sinusulat ko sya, I am thinking of many love stories that I’ve watched, heard and witnessed- including the tragic and painful ones. My inspiration is pure reality- the things people really experienced. There’s no such thing as fate… only faith. Sabi nila. Maybe.

I dedicate this story to the people who are

scared of losing someone;

of  life-long commitment;

of uncertainty in love;

of horrible pain;

of temporary happiness;

of life itself.

I once read that the true experience of freedom is having the most important thing in the world without owning it. It makes sense to me now. It hurts, somehow, to lose something we truly cherished, because we’re owning it eventhough we don’t own it. Di ko alam kung ba’t ko ‘to sinasabi. Err. Na-tripan ko lang. Kekeke.

Sana na-realize mo na eventhough people tell that there’s no forever, nor a happy ending, meron pa ring awesome story na pwedeng-pwede mong makamit in your own way. Kahit hindi man happy ang end nila, ang mahalaga naman eh naramdaman nila kung gaano kasarap sa pakiramdam ang maging masaya habang minamahal ng mahal nila. I believe na that way, somehow they had a piece  of  forever and a slice of happy ending. It doesn’t mean kase na nasasaktan o nasaktan ka na ng sobra eh titigil kana na magmahal. You still felt how to become happy, so you don’t have the right to say that you’re done.

I am not bitter. I  just wanna point that reality exists. It doesn’t mean na mahal na mahal nyo na ang isa’t-isa eh enough na yun, and it doesn’t mean na nabigo ka sa first try mo, susuko ka na. Hindi dapat ganun ang set up ng buhay. [Ako na madrama magsulat. Ako na talaga. Hahaha]

Some scenes happened in real life, and I was a witness. I hope that you understood the lessons that I want to plant in your mind.

I did not just aim to picture two people whose inlove. I also wanted to tell you that forgiving is a must. That way we can free ourselves from being pained by our awful past. Naks! Napapa-english pa tuloy ako. Humugot din kasi ako. Dumudugo na ata ilong ko.

Sa story na ito, napamalas ang love ng isang guy sa isang babae na minahal nya sa pangalawang pagkakataon. You also saw how he regret hurting her and how he did his best to deserve a second chance. And also how the girl gave up hiding inside her shell and made new friends while improving her attitude towards people. Infinite chances ika-nga. Time lang ang kulang.

Luh! Bokya ang lovelife ko yah know, pero may knowledge naman ako pagdating dyan. (Dakilang single *kaway-kaway* ^_^) Aye is, by the way, inspired by my cousin. Remember the acronym of Aye’s name? Ganun din sa couz ko, nickname ko rin kase.. Hehe. And kung pipili man ako ng character na counterpart ko, si Gail yun. Si Ellina kasi, pinagsama-samang tao sya. I mean yung personality nya eh galing sa iba’t-ibang tao. Magulo sya. So, I can say na she is unique in a way. But I am not HER.

Iniisip ko pa (abah! May isip?) kung itutuloy ko yung sequel nito. ‘Pag siguro sinipag-sipag, sige ipu-push natin ‘yan. OKAI! Ano say nyo? Will I?

          THANKS FOR READING!!! Kamsahaeyo chingudeul!!! Hwaiting! 🙂

            “Keep on believing that out of all the billions of damn humans who are currently breathing on this fallen world there is someone who will love you awesomely.”



Loving you dearly,


(Epic na Author)

Posted in EPILOGUE

Happy Ending? Joke Ka Ba? (EPILOGUE)


Miracles do happen.

And it happened to me.

“Pangs, miracle did happen to me. Asan ka na?… Parang magic yun na nangyari na lang sa’kin.”

I am wearing the gown that Aye picked for me. Sabi nya bagay daw sa’kin ‘to. Gusto rin daw nyang maging mas maganda ako ngayong araw.

“Ellina anak, ‘di ka pa ba bababa?” Pumasok si mommy sa room ko at naglakad papunta sa likuran ko. I watched her through my mirror… I just stared at her. Nginitian nya ako. She’s happy. I know she is.

Navy blue ang motif ng kasal. Si Aye lahat ang pumili ng dresses at suits. Sabi nya tulungan ko naman daw sya. Eh wala naman akong alam when it comes to fashion, kaya sabi ko na kaya na nya yun. Wala din kasi ako sa mood. But I told her na maganda yung Navy blue na color.

“Handa ka na ba?” She asked. I just nodded. Handa na nga ba talaga ako?

“You look beautiful, Ellina.” She said while fixing my hair. I smiled. “Thanks mom.”

“Oo nga pala… andyan na yung sasakyan. Papunta na rin sa simbahan sila Aye. You need to hurry.”

“I am almost done. Nakabihis na po ba si Gail?” She held my hands. “Oo. Ikaw na lang ang hinihintay.” Ngumiti sya. “Bababa na rin po ako. Just wait for me downstairs.”

“Okay.” Narinig kong naglakad na sya palabas ng kwarto ko.

I stared at my reflection in the mirror one more time- wondering if I’m happy or not. Masaya naman ako di ‘ba?… Yes, I am. Mahalagang araw ‘to para sa kanya, kaya dapat ganun din sa’kin. Isa sya sa pinakapinahahalagahan kong tao.

Akala ko di na ako makakaabot sa point na ‘to. I thought I wouldn’t be able to wear this lovely gown… but life is really unpredictable. See? I’m still alive- still kicking. Haha. I smiled bitterly. Okay naman ‘tong ayos ko, di ba? Jeez. I’m not really sure if this gown suits me well. Feeling ko, ang panget-panget ko. Tss.Wala akong confidence sa katawan!


You know, I begun putting life as waste of time-a waste of living and breathing; and waking up each day just so we could fulfill our tasks. Naisip ko, bakit ko pa kelangang mabuhay? Eh naghihirap lang naman ako? I didn’t saw it as a worthy thing. I just wanted it to end, because I had thought that I wasn’t worthy to have a worthless thing. But then he became a part of that unworthy life… and with him I came to realize how valuable life is- that I shouldn’t take it for granted, and I should enjoy every moment, because I’ll never know if life would be gone later or tomorrow. Kung alam nya lang kung gaano ako kasaya na parte sya ng mundo ko. Gaano? Hindi ko masabi. It is too vast!

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya sa naging takbo ng buhay ko. Alam mo yung hindi mo naman inaasahang posibleng mangyari pero nangyari na lang? Eto yun eh. Ang alam ko lang, okay na ako. Oo. Okay na talaga ako. Eto na nga ako, di ba?… Papunta na ako sa simbahan… kaya dapat nakangiti ako. Naghihintay silang lahat dun. Baka nga inunahan na rin ako ni Aye dun eh. Ganun nga lang siguro talaga. Even if you offer an overflowing love, it wouldn’t still be enough.

I’ve hated life for being mean to me… for I was not able to enjoy my father’s love or my childhood rather. Yet, I didn’t expect that there is more to come. I was able to feel gladness with someone so special. He made me realize life’s presence and essence. He changed my point of view about it. He made my life worthy of loving… I am worthy of breathing. I gained reasons to live longer. Those reasons offered me happiness… pero ito rin ang dahilan kung bakit ang sakit sa pakiramdam.

 He gave me happiness… Yes. Yet in return, he took that happiness with him, and left me sadness instead.

I was able to encounter the miracle that he was talking about. Yet it’s arrival was too late. This bullsh*t that we’re playing was really damn hard!

The ending of our story wasn’t happy at all. Naisip ko, nag-eexist ba talaga ‘yun?… Ugh! It ended up being a really bad joke. It sucks!

I know I was never really happy. Kahit na pilitin ko, ang hirap pa rin. All these years, niloloko ko lang ang sarili ko. I am not okay. Tae. Kahit na naka-gown pa ako ngayon at late na sa kasal ni Aye, di ko pa rin magawang ngumiti ng hindi pilit. Alam ko. Nagiging unfair ako sa kanya. I need to be happy for her right? As a friend, dapat maging excited ako for her. Yet, I can’t stop myself from becoming bitter of the damn fact that I won’t be able to be like her. I won’t be able to see myself walking in the aisle while my Pangs is waiting infront of the altar. I can never become A HAPPY BRIDE.

Kung kelan kasi tama yung hope na pinanghawakan ni Pangs, dun naman sya nawala. Ba’t ganun? Ang unfair naman. Okay na ako eh. Magaling na ako. I’m ready to start a new life again. Pero imbes na masaya ako, nasasaktan ako. I’m hurt when I think that I’m alive while he’s not. Ang laking sampal naman ‘to ng kapalaran sa’kin! I know that it wasn’t my fault why he died. Pero masakit pa rin eh. Nagsakit.

I read that last note that he wrote again… Nakita ko ‘to dun sa snack house na pinupuntahan namin… di ko pa rin mapigil ang maiyak.

Miracles do happen.

We waited for it to come. Kasi yun na lang ang pinanghahawakan namin. It was our only hope.

Yet… no miracle came. Walang nangyaring milagro… or magic. It didn’t happen to her. Nakakainis! Bakit ganun? I held unto that hope. Pero takte! Wala eh. Naghintay lang ako sa wala. I hate her fate.

Mawawala na sya sa’kin at wala manlang akong magawa para pigilan

yun. Tangna naman kamatayan! Ang hirap mong kalabanin!

Sh*te! Hindi ko kayang makita syang iwanan ako. It feels like I want to die, too. …


“It happened Kyle. Balik ka na, please? I’m fine now Pangs.”

Lumabas na ako sa kwarto ko at lumabas na rin ng bahay. F**K! That note never failed to make me cry!

That same tragic day, I decided to fight for us. Gusto ko sanang ipaalam sa kanya yan. Pero di sya nakaabot eh.

It’s been a year already, magmula nung gumaling ako. Mortal hell, as I called it. Four years na rin pala since mawala sya… at masakit pa rin.

“Pangs, architect na ako. I have a decent job and a house now. I continued life for you Pangs.”

Nakikipaglaro nga ang tadhana, noh? It wanted me to do what I told him there. I should continue living even if he’s gone.

“So Pangs, I hope your life won’t stop when I’m no longer beside you.”


I’ll post Ellina’s Letter. 🙂

Posted in The nearing end...

Happy Ending? Joke Ka Ba? 2 (Chappie 11-15)

CHAPPIE 11: I was able to know her past


“Sabihin mo ‘tol, bakit hindi ka pa magpakita kay Ellina? Hinahanap ka nya noh. Two days ka na ring hindi nagpapakita sa kanya. May Labuan ba kayong dalawa?” Pangunguit ni GD sa akin. Nasa Guyznet kami. Ano pa nga ba? Edi DOTA. Hindi na yan bago. “Wala naman kaming Labuan. May kelangan lang akong harapin muna, bago ko sya kausapin. Samahan nyo muna sya. She needs you.” Saad ko. “Alam mo, wala akong idea sa problema mo, bro. Pero tingin ko, mabigat yang rason mo. Pero sana nga lang, wag mong sarilinin kapag hindi mo na kaya pa.” Tinapik nya ako sa balikat. “Wag kang mag-alala, tol. Babalik rin ako after some time.” Tumango na lang si GD at umalis na ng Guyznet. “Sigurado ka bang hindi mo sasabihin kay Ellina, tol?” Tanong ni Clyde sa akin. “Hindi ko alam tol. Hanggang ngayon… hindi ko pa alam kung ipapaalam ko ba.” Si Clyde lang ang nakakaalam kasi sya yung kasama kong naglasing nun. Sa kanya ko sinabi lahat ng nalaman ko. Alam ko kasing kapag kay GD ko sinabi, tiyak na makakaabot kay Ellina yun. “Basta tol, wag mo pa ring kalilimutang pahalagahan yang sarili mo. Mahalaga yun.” Tumango ako. “Sige tol, uwi na kami. Pagabi na oh, umuwi ka na rin.” Paalam nya. “Maglalaro pa ako tol eh. Tyaka, yung thesis ko, kelangan ko i-edit.” Saad ko. “Sige. Alis na kami.” Tumango na lang ako. Lumabas na sila sa Shop. Ako na lang at ang natutulog na si Kuya Gummy ang nandito.

Hindi ko naman talaga gagawin yung thesis ko eh. Naka-save yun sa laptop ko. Maglalaro lang ako para hindi ko masyadong isipin ang lahat ng nangyayari. Nakakasira kasi ng ulo eh. Pero…  apektado pa rin ako eh.

“Alam mo bang masunuring bata si Ellina? Napaka-strikto ko sa kanya noon, pero ni minsan, hindi nya ako sinagot. Sumusunod lang sya sa mg autos ko. Magaling rin syang bata. Pero ako itong mali. I wanted her to becoe perfect, kaya siguro feeling nya, hindi ko sya pinapahalagahan. Natakot kasi ako eh. Sakitin sya nung bata sya. Bagong panganak pa lang nya, naging komplikado na ang buhay nya. Our family doctor said na dahil sa complications nay un, pwede matulad sya sa ibang bata na kakaiba. Baka mahirapan syang mag-cope up.” Sumandal sya sa sandalan ng upuan nya. Nasa bahay nya kami. Habang ako nakatayo lang at nakikinig sa hindi ko inaasahang paliwanag nya. “I tried to keep her away from that possibility. Pero nasobrahan ko. At nakalimutan ko na possibility lang yun, at hindi hundred percent sure. Our family was… how should put it…?” He paused. “A normal one. May conflict, pero meron din namang masasayang moments. Kaso sa tingin ko, hindi yun naramdam ni Ellina. Malayo ang loob nya sa Mommy nya dahil hindi sila laging nagkikita. Lalo pang lumayo yun noong pinanganak si Gail. Kahit na mas nabaling ang atensyon ng Mommy nya sa kapatid nya, wala akong narinig na reklamo kay Ellina o nakitang inggit sa mga mata nya. When they left, it was the biggest mistake that I had ever done in my entire life. Kung sana pinigilan ko na lang sila noon. If only I assured Ellina that I really loved them.” Saad nya. “Bakit sila umalis?” Hanggang ngayon hindi ko pa rin makita ang dahilan ko para ibalik ang respeto ko sa kanya. “It was a total misunderstanding. Inakala ko na niloloko ako ng asawa ko… kaya nagloko rin ako. Yun ang palagi naming pinag-aawayan noon. We don’t have any problem with finances, because we’re both working. Pero yun, ang malaking rason kaya nasira ang family namin. Pinapili nya ako…” Alam kong mali sya. Alam na alam ko ring naramdaman ko na ang pakiramdam na makagawa ng maling desisyon. “So, pinili nyo ang babae nyo, Tito?” Tanong ko. “Oo. Akala ko mahal ko na yung babae. Akala ko mabibigay nya yung hindi kayang ibigay ng asawa ko. But my assumptions was all wrong. Hindi ako naging masaya nung umalis sila. Hinawalayan ko rin agad yung babae. Ang laki kong tanga, Kyle.” Ang pinaka-ikinagulat ko ay ang pag-iyak nya sa harapan ko. Umiiyak sya sa sobrang pag-sisisi. “Sinubukan ko buuin ulit ang pamilya namin. Pero nung araw na nakita ko si Ellina at Gail na masayang-masaya, nasaktan ako. Hindi ko pa sila nakitang tumawa ng ganoon… lalong-lalo na kay Ellina. Hiyang-hiya ako na hindi ko na maatim na humarap pa sa kanila.” He’s covering his face with his hands. “Kaya pinabayaan mo lang sila?” Tanong ko. “I didn’t. I tried to give them financial support pero ayaw ng asawa ko. Hindi nya daw kailangan.” Bumalik na ngayon ang composure nya. “Pero ngayon… gusto nya akong makita. Kaya ako umuwi Kyle. She contacted me. Nagmakaawa pa sya sa’akin kahit na gusto ko naman talaga syang makita. She was crying over the phone… kaya hindi ko ma-imagine na tungkol it okay Ellina. Hindi ko matanggap na sya yung kelangang pahirapan.” Naiinis na saad nya. “You can convince her.” Saad ko. “Paano? Galit sa akin ang anak ko, Kyle. Alam mo yan.” Saad nya. “Kahit galit sya sa’yo… mahal ka pa rin nya. Gusto ka pa rin nya makita. Ipagkakait mo bay un sa kanya, Tito? Fix your family.” Malaking tulong it okay Pangs. “I cannot.” Sagot nya. “Bakit? Mahal mo pa si Tita, diba?” Tanong ko. “You’re right. Mahal na mahal ko pa sya. Pero, hindi nya na ako mahal, Kyle. I saw it in her eyes. Gusto nya lang na tumulong ako sa pagpapagaling ni Ellina. Yun lang.” Kitang-kita ko na totoo ang sinasabi nya. As a person, I pity him. Gusto nya ng second chance, but that second chance was not given to him. Nalulungkot ako sa sinapit nya. He’s rich. Tama. Pero hindi nya makuha-kuha yung bagay na gusto nyang makuha ulit.

Nabawasan yung galit ko Kay Tito Dan noong kinausap ko sya. Naliwanagan ako. Tao lang rin sya. Sana, kung iba lang ang takbo ng buhay at pag-iisip ng tao… masaya pa sana yung normal na pamilya kinwento nya. Tumayo na ako at pinatay yung computer. Iniwan ko na lang sa lamesa ni Kuya Gummy yung bayad ko at tsaka ako lumabas ng Guyznet. Alam ko na ang gagawin ko.


Thanked God nagparamdam na sa akin si Kyle! I wasn darn worried about him. The moment na nag-hi ang loko sa akin eh binatukan ko. Kainis eh! Minamadali nya ata yung buhay ko eh!

The thing is, wala syang sinasabing rason kung bakit nawala sya ng ilang araw. Gusto ko sanang kulitin kasi alam ko may tinatago sya pero saka na. Sulitin ko muna ang pagiging sweet nya. Hindi na kami gaanong nagka-klase kasi nga graduating na kami. Yung thesis na lang naming yung pinoproblema naming. Haist! Buhay estudyante nga naman! Pero kaya ‘to. Last year na namin eh, kaya susulitin na.

Ngayong nagparamdam na si Kyle, balik bangayan na kami. But at the end od the day, magbabati rin. Aso’t pusa daw kami sabi nila Aye at GD. “Look who’s talking?” Sad ko sa kanilang dalawa. Ayun, tameme sila.

Ang nakakapag-taka eh ang inaasta ngayon ni Kyle. Napaka-suspicious eh.

CHAPPIE 12: Ako na si Sweet Boyfriend


“Akala ko hindi mo trip ang manood ng sine?” Tanong nya sa kanya. “Wala lang. Naisipan ko lang.” Sagot ko. “So naisipan mo lang na maging trip mo ang ilibre kaming lahat?” Tanong ni Aye na medyo malakas yung boses. “Shhhh!” Saway ng mga tao. “Ayaw nyo yun? Double date?” Tanong ko. “Yung totoo bro, nanalo ka sa loto noh?” Saad ni GD. “Hindi ah. Hindi nga ako tumataya run, paano ako mananalo?” Sagot ko. “Ah. Okay.” Tangenge talaga ‘tong si Pangs. “Ano talaga Kyle? Anong nakain mo?” Tanong ni Pangs. Umiling-iling na lang ako. Mamaya ko na lang sabihin. Nage-enjoy pa ako sa reaksyon nilang tatlo eh. Buti napapayag ko sila Tita at Gail. Kumasa tuloy ang plano. “Manood na lang kayo.” Saad ko at tinuloy ko na ang panonood habang ngiting-ngiti.

“Ano Kyle? Magsasalita ka na ba?” Saad ni Aye habang tinuturo sa’kin yung hawak-hawak nyang isang piece na fries. “Bakit? Ano bang ginawa ko?” Painosenteng tanong ko. “Nilibre mo kami.” Sagot ni Pangs. “Tapos?” Damhin ko muna ang pag-arte baka sakaling may madiscover akong talent. “My gas Kyle! Movie ticket at pagkain, ikaw nagbayad… nagnakaw ka noh?” Tanong ni Aye. “Luh! Sama naman nito. Grabe ka naman makabintang! Hindi ah. Masama bang maging mabait paminsan-minsan?” Umiling sya. “Hindi naman pala eh. Kain na. Minsan lang lang ako manlibre eh.” Nasa Snack house kami na kinainan naming noon ni Pangs. Nasa pang six na table kami, pero tanaw ko yung sinulat naming sa pader. Katabi ko si GD at magkatabi naman sila Pangs at Aye. Biglang may lumapit na waiter at may dala-dala syang pagkain. May kasama rin syang isa pang-waiter. “Ito na po yung order nyo.” Saad nya na akmang ilalapag na yung pagkain. “Naku! Wrong table ata Kuya kasi eto lang yung in-order namin.” Saad ni Aye habang tinuturo yung mga pagkain sa table. Sila kasi ni Pangs ang um-order kanina. “Dito po talaga mam.”  Binaba na nya yung dala-dala nya, pati ng kasama nya. Spaghetti yun at fried chicken, yung pangmaramihan. Nagtataka silang hinayaan yung waiter sa trip nya. Pero nagulat sila sa inilapag ng kasama nung waiter… isang cake na pabilog. Black Forest yung flavor. Binasa nila yung sinulat sa cake. “HAPPY BIRTHDAY ELLINA!…?” Gulat na saad nung dalawa. Si Pangs naman, stunned. Ngayon nya lang naalala. Binatukan nya ako. “Hayop ka!” Naiinis na sabi nya. Nagulat naman yung dalawa sa inasta ni Ellie. “Pangs, bakit?” Naguguluhan ako. Diba dapat mangiyak-ngiyak sya kasi sinorpresa ko sya? Bakit ako ata ang nasorpresa sa reaksyon nya. Ang sakit nun ah! “Wag mo naman akong ginaganto! Kinikilig ako eh.” Ngiting-ngiti nyang sabi. Tumawa naman yung dalawa. “Happy birthday Pangs!” Kina-shake hands ko sya. “Gagi ka! Ano ako, lola mo?” Saad nya. “Biro lang. ‘To naman, masyadong highblood. O, eto na po…” I kissed her forehead. Ngumiti sya. “Wow, oppa? May kumakagat ata sa paa ko.” Epal ni Aye. “Pati ako Noona. Bakit may langgam ata dito?” Epal rin ni GD. “Tumahimik nga kayo! Mas grabe kaya kayo.” Sabay naming sinabi ni Pangs. Tumawa naman yung dalawa. “Happy birthday, Ellina. Sensya wala kaming gift ngayon.” Bati ni GD. “Okay lang. Ililista ko na lang sa pautang ko.” Tumawa sya. Natawa rin kaming tatlo. “Saengil chukha-hae Ellina!” Sabat ni Aye. Napatingin kaming tatlo sa kanya. Nagtataka naman sya. After 5 seconds siguro, na-gets nya rin. “Ah! Sorry. I mean, happy birthday! Nasanay lang. Mian.” Para syang bata. Natawa na lang kami. Sinimulan na naming nilantakan yung mga pagkain.

By 5:00 PM, umalis na kami dun. Pero hindi namin nakalimutang magsulat ulit dun. Pati nga yung dalawa nakigaya rin. Grabe naman ‘tong si Aye pati Korean writing ginagamit nya dun. Di ko na nga mintindihan yung pinagsusulat nya dun eh. Hinayaan na lang naming. Tsaka, isip-bata eh. Sya rin pala yung pinakabata sa aming apat.

“Ihahatid na kita sa inyo, pero bumili muna tayo ng cake mo.” Saad k okay Pangs. “Cake? Edi ba bumili ka na kanina?” Nagtatakang tanong nya. “Iba yun. Ise-celebrate pa natin ang birthday mo sa bahay nyo. Tsaka nagluto ang Mommy mo ng pagkain.” Paliwanag ko. “Pangs…” Tawag nya sa’kin nung akmng papaandarin ko na yung motor. “Ba’t mo ‘to ginagawa?” Tanong nya. “Bakit nga ba?…” Pabalik na tanong ko sa kanya. Pinaandar ko na yung motor ko. “KASI MAHAL KO SI ELLINA JANE TUAZON!” Sigaw ko sa hangin na nakakasalubong namin. Alam kong sa moment na ‘to, napangiti ko nanaman sya.


May pagka-ewan talaga si Pangs. Inaamin ko yan. Kahit na mahal ko yun, hindi ko maipagkakaila na iba ang tama nya minsan. Iniintindi ko na nga lang rin eh. Ayokong isipin nyang hindi ko sya tanggap. Tanggap ko sya. Yan ang totoo, pero hindi ko na ipagkakait sa inyo ang katotohanan na… special child sya.

Ay! Sensya na. Nadala lang. Hindi kasi ako maka-get over noong Friday eh (Monday na ngayon). Sinurprise ba naman ako. Kinasabwat pa yung nanay, lola at kapatid ko. Loko talaga yun! Kaya pala parang wala na yung nakasabit na calendar sa kwarto. At two ng hinihiram ni Gail yung phone dahil sira daw yung kanya. Mga arte nung batang yun! Dahil lang pala sa birthday ko. Pero grabe noh? Sobrang saya ko nung araw nay un. Nakasama ko sila Aye, tapos kumain kaming sama-sama nila Mommy kasama si Pangs. I am so happy! Sa sobrang saya ko nun, parang pwede ko ng rason yun na para ikamatay. Gusto ko… gusto kong lumaban.


Malapit na ang Pasko… ibig sabihin, malapit na ang end ng year na kasunod ng new year tapos Valentine’s day, and Graduation! Malapit na malapit na yun. Aabot sya… aabot kami! Kelangan naming umabot.

Argh! Ang hirap kasing ikasa ‘tong thesis naming eh! Nag-aaway na nga kami ni Pangs eh. Sya kasi yung partner ko. Ito ang mahirap kapag girlfriend mo ang kasama mo sa projects. Magbabangayan talaga kayo. Hay naku! Hindi tuloy ako kinakausap. Badtrip naman oh.

“Oh, tol, ba’t ka nandito? Diba busy ka sa thesis nyo?” Tanong ni GD. “Badtrip eh. Nag-away kami ni Pangs.” Saad ko. “Hulaan ko, dahil sa thesis nyo?” Tanong ni GD. “Naku GD, nadali mo nga tol!” Epal naman ni Clyde. Inakbayan nya ako. “Nakakainis eh. Hindi kami magkasundo sa mga nilalagay naming dun.” Frustrated na kwento ko. “Ayoko na!” Saad ko. “Bakit ayaw mo na?” Tanong ni GD. “Kasi pagod na ako.” Sagot. “Ilang taon ka ng nag-aaral sa college ulit tol?” Tanong nya nanaman. “Mag-aapat na.” Bigla syang tumayo. “Daling-dali mo tol! O, apat na taon, isusuko mo kasi sa tingin mo pagod ka na? Rest lang muna yan tol, hindi rest in peace.” Saad nya. Napaisip ako dun. Habang nag-iisip, nasa pinto pala ng Guyznet si Aye at hingal na hingal. “Kyle!!! Si Ellina!” Bigla akong natinag sa sinabi nya. Nagmadali akong sumunod kay Aye.


“Hay Aye! Ewan ko sa lalaking yun! Ayaw makinig sa’kin. Sinabi na ngang palitan yun eh. Ilang ulit na kaming sinita na mali yung nakalagay, ayaw nyang making.” Sumbong ko kay Aye. “Argh! Nakaka-BV talaga.” Saad ko. “Teka Ellina. Paikot-ikot ka lang eh. Kanina mo pa yan inuulit. Tatanonging ko kung anong nangyari tapos yan isasagot mo. Tatanongin ko kung ano nangyari pagkatapos pero ganyan pa rina ng sagot mo. Yung totoo, naka-katol ka ba?” Basag nya sa’kin. “Eh! Aye naman. Nakaka-frustrate! January yung defense naming pero nasa editing palang kami tapos andaming pang aasikasuhin kasi graduating nga… tapos…” Tumigil ako. “Tapos hindi mo na alam?” Tanong nya. “Oo.” Huminahon na ako. “Alam mo Ellina, kelangan nyong ayusin yan. Hindi bilang mag-jowa kundi bilang partners. Hindi kayo uusad kung maghihilahan at maghihilahan lang kayo kasi hindi kayo magkasundo.” In fairness ha, may point nga sya. “Ako ang magso-sorry?” Tanong ko. “Ikaw ag bahala kung—“ Biglang may kumirot sa tiyan ko. Eto nanaman. Eepal nanaman ‘tong sakit ko. Ang ganda na ng heart to heart talk naming eh. “Ellina? Okay ka lang? Masakit nanaman ba?” Tumango ako. “Oh gosh! Wait… tulong! Someone help us!” Inaakay ako ni Aye papuntang clinic siguro. Hindi ko alam. Hindi na ako sigurado. Bigla na lang nagblock out ang nakikita ko… tapos wala na akong naririnig na ingay.

CHAPPIE 13: Am I dead?


Sobrang pinag-alala ako ni Pangs. Halos mamatay ako sa kaba. Tinakbo na sya sa ospital nun kaya dun na kami dumiretso nila Aye. Tinawagan ko na rin ang mommy nya. Pati na rin si Tito Dan. Ramdam ko pa rin yung kaba. I am holding her hand. She’s still sleeping. Sabi ng doctor, sinabihan na nya si Pangs na kelangan na nyang i-consider yung therapy. Ba’t ba kasi Pangs? Nakakainis ka naman eh!

            Biglang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko yun. Nakatingin sya sa natutulog na Ellina. “Dalaga na sya. She became a lovely young lady.” Saad nya. “Tito.” Bati ko. “Hindi rin ako magtatagal. Baka makita nya pa ako. Naasikaso ko na yung hospital bill. Alagaan mo sya Kyle. Thank you for loving my daughter.” He held her hair, as if caressing her. Tapos naglakad na sya palabas ng kwarto.

Hindi ko sya iiwanan. Nadagdagan yung rason ko para ipaglaban sya. I silently cried while I held her hand. Don’t die, please.


Ilang araw din ako sa ospital. Lima ata… Hindi. Walo? Hindi ako sigurado. Pero ang alam ko medyo matagal. Palagi akong binibisita nila Aye. Si Kyle naman eh binabantayan ako kapag gabi. Tapos papasok sya sa umaga. Sya na daw muna bahal sa thesis namin habang nagpapahinga ako. Hindi pa ba sya napapagod? Bakit hindi sya magreklamo gaya ng nakagawian kapag inaasar ko sya? Bakit hindi nya sabihin kung time out muna. Natatakot ako na baka masyado nya akong mahalin to the point na makalimutan nya ng mahalin yung sarili nya. Hindi ko hahayaang mangyari yun.

Two days na lang Christmas na. Marami na ang may panregalo. Marami na rin ang excited kumain ng handa sa Pasko. Isa ako sa kanila. Pero paano kapag inatake nanaman ako ng nakakainis kong sakit? Paano na lang ang Pasko ko? Ang Pasko namin? It is a way to celebrate His birthday, right? Kaya pwede bang gawing exception ang araw na yun?

Nasa playground ako ngayon. Matagal na rin akong hindi pumupunta dito. Simula nung makilala naming sila Aye, sa lagoon na kami tumatambay. Tiningala ko yung langit. Ang ganda. Ramdam na ramdam mo talaga ang buhay. Pero hanggang kelan ko ba mararamdaman yan? Nanghihina na ang katawan ko. Alam ko yan. Hinang-hina na ako.

“Ellina…” Biglang may tumawag sa pangalan ko. Parang narinig ko na yun noon. Nilingon ko yung taong nagsalita. I was stunned. He smiled. Tinitigan ko lang sya. Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Pinanood ko syang umupo sa katabi ko swing. “Mag-isa ka ata. Bakit hindi mo kasama ang mga kaibigan mo?” Tanong nya. “M-may g-ginagawa sila.” I answered stuttering. This can’t be! Patay na sya diba? Am I already dead? Patay na sya sa puso ko. “I see. Ang laki mo na, Ellina. Dalagang-dalaga na. You became a really tough lady, anak.” Anak. The stupid word that melted my heart. Biglang sunod-sunod na tumulo yung luha ko. Talo ako. Tiningnan ko sya. Tumayo ako at niyakap sya. Itong moment na ‘to. Akala ko, hindi na mangyayari. Akala ko last hug ko na yun noon. Hindi pala. He hugged me back. “I miss you. I miss you a lot, daddy.” I cried. Diba galit ako sa kanya? Diba hindi ko sya tatratuhin bilang ama? What’s happening to me now?… Tama nga yung nabasa ko, iba ang mga sinasabi natin sa ginagawa natin. I miss him!

“Tahan na, Ellina. I’m sorry anak.” Umiling ako. “It’s okay daddy. I forgave you already.” I broke the hug. “Salamat dahil bumalik ka. Thank you daddy. This is on of my dying wish.” I uttered. “You can’t die just like that. Wag mo yang sinasabi.” Saad nya. “But I am, daddy. I have a gastric cancer.” I said honestly. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko nagawang itago sa kanya ang kalagayan ko. “Alam ko anak.” Nagulat ako sa sinabi nya. “Alam mo?” Tanong ko. Tumango sya. “How? Ngayon lang tayo nagkita.” He gave me a meaningful look. “Si Mommy.” Saad ko. “And Kyle.” Dagdag nya. “And Kyle? Kilala mo sya?” Gulat kong tanong. “Mahabang kwento, pero to sum it up, sinuntok nya lang naman ako.” Saad nya. “Oh gosh, why?” Hindi ako makapaniwala! Nagawa yun ni Kyle. “Galit na galit sya nung nalaman nyang ako ang daddy mo.”

He told me the whole thing. I almost forgot. Ngayon ko lang nakausap ang daddy ko ng ganito. Andami na ngang nagbago.

CHAPPIE 13: Kapag Bagong Taon



Hindi kami magkasama nung Christmas ni Pangs. Umuwi kasi kami sa Ilocos, habang dito sa Manila naman sila ng family nya. Pero tinawagan ko pa rin sya para batiin. Nung nakauwi na ako, nakuha ko yung Christmas gift ko. Binigay ko rin ang kanya. Nagbigay din sila GD ng regalo. Pero hindi ko talaga tanggap yung regalo ni GD. Parang hindi nya pinag-isipan eh. Pencil case kasi. Hindi naman ako choosy pero kasi pambata eh. Okay. Choosy na ako. Tutal Architecture daw ang kinuha ko, kelangan ko daw ng lagayan ng lapis. Gagi talaga yun kung minsan.

Nasa bahay ako nila Pangs ngayon. Maya-maya, new year na. Nandito rin si Tito Dan. Ayaw nya sana pero pinilit sya nila Pangs at Gail. Mahal nya pa si Tita eh kaya medyo awkward. Sila Mama naman eh naiwan sa Ilocos.

Tumutulong nga ngayon akong mag-ihaw ng karne eh. Pero kinakain din naming yung iba. Ibang klase noh? “Oy! Kayong tatlo! Hindi na ata makakaabot ng bagong taon yang niluluto nyo ah.” Sita ni Lola. “Aabot yan Lola! Tiwala lang.” Saad ni Gail. Kaloko talaga ni Gail. Hindi na lang nagsalita si Lola. Aksidenteng natapunan ako ng sauce ng barbecue. “Alla! Kuya Kyle karumi na ng damit ko. Magpalit ka na. Kapag daw marumi ka kapag New year, marumi ka rind aw buong taon.” Biro ni Gail. May tama talaga ‘tong batang ‘to. “Kung ano-ano naiimbento mo Gail.” Saad ni Pangs. Nag-peace sign naman si Gail. “Pangs, magpalit ka na ng damit. Naamoy na kita oh.” Saad nya. “Sinita mo si Gail tapos ikaw din pala mangaasar sakin.” Reklamo ko. “Biro lang naman. Tara na.” Sumunod ako sa kanya. Nakita kami ni Mommy. “San kayo pupunta?” Tanong nya. “Sa CR po. Narumihan yung damit ni Kyle, Mommy… Go na..” Saad nya sa’kin. Papunta n asana ako nang magsalita si Tita. “Nasa loob ang daddy mo.” Saad nya. “Sa room ko na lang. Yung unang door dun. May pamalit ka naman diba?” Tumango ako. “Sige. Hintayin na lang kita sa labas.” Lumabas na sya ng bahay. Naglakad na ako paakyat sa kwarto nya.

Hinawakan ko yung door knob at binuksan iyon. This my second time to enter this room. Unang beses nung itinakbo naming sya sa ospital.

Ngayon ko lang na tignan ng husto yung buong kwarto. No doubt na kwarto nga ng babae. I touched the bell above me. It made a tingling sound but slowly fading. Ang ewan talaga ng babaeng yun. Bakit may bell sya sa tapat ng kama nya? Nagpalit na ako ng damit. Humiga ako sa kama nya. Ang lambot naman. Ang sarap sigurong matulog.

I got up from bed and observed the room-punung-puno ng posters at drawings…mostly are anime, but some sketches are me. SHE DREW ME. Magaling talaga syang mag-sketch. Ginagaya nya yung itsura ng mga Anime characters na pinapanood nya. Pero ito ang hindi ko in-expect. Isa ako sa mga ginuhit nya. May apat o lima akong nakita.

Naalala ko naman yung bagay na ginawa ko sa kanya. Nakakainis ako! Kung nag-isip lang sana ako ng tama noon. I bowed my head and put my hands on my face- trying so hard to hide my tears from my own self. Hindi ko alam kung bakit napaka-emotional ko ngayong araw. Hindi ko rin ma-imagine na nakaabot pa kami sa point na ‘to eh.  Patapos na ang taon at kami pa rin.

That crazy girl! I missed her so much. Pero eto ako ngayon oh, kasama sya.  I want to put back the time where I could still stay by her side for so long. Kasi pakiramdam ko, parang bilang na lang yun. Kelangan kong sulitin ang bawat sandal dahil hindi ako sigurado sa mga pwedeng mangyari. Nangyari na ang nangyari eh… I hurt her feelings when I liked someone even though we’re still together. She slapped me hard- well, I deserved that. Alam kong deserve na deserve ko yun. Humingi naman ako ng tawad eh, and she forgave me.

I am full of regrets. Lahat naman tayo ganun eh. Marami tayong pinagsisisihan. Ang dami kong sinayang na panahon! Kaso hindi ko na maibabalik yung mga panahong nasayang ko. Sabi ko sa kanya, mahalaga ang buhay. Kaso ako ata ang nakalimot nun noong niloko ko sya. If I had not left that day, will I still stay by her side?… Kung siguro, nanatili ako sa ospital at hindi ako nakita ni Mama, siguro pinili kong bitawan sya. Siguro tuluyan ko syang iniwan.  Pero hindi eh. I wish I could just choose to forget her. But I can’t! That crazy, hot-headed girl, sheesh! I love her. Mahal na mahal ko sya na siguro nakakatakot na talaga dahil parang limot ko ng mahalin ang sarili ko. Sabi nya sa’kin, natatakot syang makalimutan ko ang sarili ko. Ganun na ba talaga ako ka-attached sa kanya?

I just wanted her to apologize for causing this PAIN. But she already apologized, right? Ano pa bang gusto ko? Lumuhod sya? Hindi. Hindi ko yun ipagagawa sa kanya. She said “sorry” is for those who deserves it. So, do I deserve hers? Yes. I do deserve it.


       “Pangs. Antagal mo naman.” Bungad sa’kin ni Ellie. “Ah. Sorry. Nalula lang ak sa kwarto mo.” Saad ko. Actually nagulat ako sa biglaang pagsulpot nya. Hindi ko lang pinahalata. “OA naman nito. Sorry magulo.” Saad nya. “Hindi. Okay lang. Maganda nga eh. Obsessed na obsessed ka pa nga sa’kin oh.” Biro ko. “Allah! Nakita mo?” Tanong nya. Tumango ako. “Ang galing nga eh. Salamat.” Saad ko. “Talaga?” Tanong nya. “Oo. Baba na tayo.” Aya ko sa kanya.



Ilang minute na lang, bagong taon na. Nasa labas kami ng bahay. Galing din dito kanina si Aye para magdala ng pagkain. Ngayon lang naman naging kompleto ang family ko, at dagdag dun si Kyle. Nandito si Mommy, si Gail, si Lola… at si Daddy. Nung una, ayaw nya. Pero pinilit naming. Kaya no choice sya. Sana kaya pa nilang i-fix yung relationship nila. Mahal ng pa daw si Mommy. I just don’t know if Mommy feels the same way.

Actually, kinausap din ako ni Daddy tungkol sa sakit ko. Gusto nyang dalhin ako sa America at dun magpagamot. But I refused. Sabi nya pa kung ayaw ko, dito na lang daw. Tumanggi pa rin ako. Hindi ko na kayang maki-pagdiskusyon sa kanya kaya nag-walk out ako.

It was good to feel that he cares, pero may mga bagay talagang hindi nya maiintindihan. Ang maganda dun, simula nung bumalik sya, hindi nya pa ako pinapagalitan gaya ng dati. Maybe he changed? Hindi ako sigurado. Pero masaya ako.

“Malalim ata iniisip mo ah?” Nakatingala sya sa langit habang nakapamulsa. “Medyo.” Sagot ko. “Malungkot ka ba?” Tanong nya. “Mukha ba akong malungkot?” Tanong ko naman. “Hindi naman. Tahimik ka kasi.” Sagot nya. “Don’t worry. Mamaya mag-iingay ako.” Natawa kaming dalawa. “Anong New Year’s resolution mo Pangs?” Tanong nya sa’kin. Tumabi sya sa’kin. Nakatingin kami sa langit. Maningning ang mga bituin at wala pang fireworks. “Gusto kong makaabot sa graduation.” Saad ko. “Aabot yan.” Kumbinsi nya sa’kin. “Ikaw?” Tanong ko. “Gusto kong matupad yang sinabi mo.” Sagot nya. “Wala ng iba? Bakit puro ako?” Tanong ko. “Kasi kapag umabot ka, ikakasal tayo. At kapag kinasal tayo, ang saya-saya ko.” Parang bata eh, Kyle. Binatukan ko nga. “Umayos ka nga, Kyle.” Sita ko. “Totoo. No joke yun. Naalala mo yung sinabi ko secret sa Paoay church?” Tanong nya. “Oo. Bakit yun?” Saad ko. “Yun yun. After college, ikakasal ako sa babaeng gusto ko.” Turo nya sa’kin. “Talaga?” Tanong ko. Tumango sya. “Pakakasalan mo ba ako?” Tanong ko. “Nagpo-propose ka ba?” Gulat na tanong nya. “Oo ang sagot ko.” Dagdag nya. It hit me. Oo nga para akong nag-propose. “Alluh! Hindi ah. Tinatanong ko lang. Wala kang narinig. Joke lang yun.” Saad ko. Defensive eh, Ellina? “Narinig ko kaya. Ba’t mo binabawi. Tanggalin mo nga yang kamay mo sa tenga ko, Pangs. Umo-o na ako, eh.” Saad nya. Tinanggal ko yung kamay ko sa tenga nya. “Eh ikaw dapat magtatanonng nun eh.” Reklamo ko. “Kasalanan mo kaya.” Saad nya. “Nag-aaway ba kayo?” Tanong ni Mommy. “Hindi po Mommy.” Sagot ko. “Ganito na lang…” Tumingin ako sa kanya. “Ano?” Tanong ko. “Ikaw nagtanong ako magbibigay ng singsing.” Saad nya. “Aning lang? Hindi ka ba magpo-propose sa future?” Tanong ko. “Nagtanong ka na kasi eh. Kaya hindi na.” Pinalo ko sya. “Ang daya mo!” Reklamo ko. “Madaya ako… pero maglalakad ka ba sa maikling aisle ng simbahang nahanap ko?” Tanong nya. Oh-my-gosh! Nagpo-propose ba sya? “Bakit? Nakahanap ka na ba?” Kelangan kong patagalin para may thrill noh. “Oo.” Ngiting-ngiting sagot nya. “Weh? Saan naman?” Tanong ko. “Naalala mo yung pinuntahan nating maliit na puting simbahan malapit sa dagat nung highschool tayo?” Tanong nya. Inalala ko. “Kelan? Fieldtrip ba yun?” Tumango sya. “Ay! Hindi ako uma-attend ng fieldtrip nun eh.” Sagot ko. Nag face palm sya. “Ano ba yan!” Reklamo nya. “Pero kung ang sinasabi mo eh yung Church dun sa Currimao, napuntahan ko na yun.” Bigla syang ngumiti. “Oo yun nga. Yung St. Francis Church?” Tumango sya. “Ano gusto mo o ayaw mo?” Tanong nya. “Maganda dun eh. Marami bulaklak at malapit sa dagat.” Pampatagal sa sagot ko. “So…?” Nabibitin ata sya. Biglang umingay ang kalangitan. Marami ng fireworks sa taas. Ang ganda. New year na! “Happy New Year, dear Fiancé.” Tiningnan ko sya. I kissed him. Nagulat sya. “Magsimula ka ng mag-ipon, Kyle.” Saad ko sabay lapit kila Mommy para batiin. Sa sobrang gulat nya, hindi sya natinag sa kinauupuan nya. I smirked. Binalikan ko sya at binatukan. “Halika na! Kain na Pangs. Hello? Earth to Kyle? Earth to Kyle.” Pang-aasar ko. Tiningnan nya ako sabay niyakap. “I love you.” I hugged him back. “So am I.” Sagot ko

At that exact New Year’s eve, I became Alvaro family’s future in-law.

CHAPPIE 14: When Daddy Talks


Two days na rin ang lumipas noong sinagot nya ako. Pumayag syang ikasal sa’kin. Sana, March na! Yeei! Sana umabot sya. Nasa ospital nanaman sya. Sabi ng doctor palala na ng palala ang sakit nya. Pangs, ano ba?

            Sobrang saya ko nung pumayag syang magpakasal sa’kin. Sa sobrang gulat, natanga ako ng ilang Segundo. Binatukan pa ako ng loka eh. Hindi napaghandaan yung proposal ko. Wala akong singsing o Candle lit dinner. Pero ang special sa gabing yun eh yung fireworks at yung pakiramdam na masaya kayong dalawa. Hindi pa naming alam kung kelan naming sasabihin sa families and friends naming. Pero darating din tayo dyan. Sa ngayon, kelangan munang gumaling ni Ellie.

Hawak-hawak ko yung two-pages na papel na inabot sa’kin kahapon ni Aye. Hindi ko alam kung babasahin ko ba o hindi na.

“Kyle, teka lang.” Pigil sa’kin ni Aye nung paalis na ako ng Guyznet. Kasama nya si GD. “Bakit?” Tanong ko. “Pwede ka bang makausap?” Tanong nya. Tumingin ako kay GD. Tumango sya. “Sige.” Sa harap lang ng Shop kami nag-usap. Pumasok naman si GD para maglaro.

“Anong pag-uusapan natin?” Tanong ko. “Nabanggit ni Ellina na nakilala mo na daw ang Daddy nya.” Panimula nya. Tumango ako. “How was it?” Tanong nya. “I punched him.” Napanganga si Aye dun. “Seryoso?” Tanong nya. “Oo. Nagalit ako eh.” Tumango-tango sya. “Well, natanong ko lang. Pero hindi talaga yan ang taopic natin… kundi si Ellina.” Saad nya. “Bakit? May problema ba sya?” Tanong ko. “Alam mong meron syang problema Kyle… at pinoproblema rin natin yun.” Inisip ko yung sinabi nya. She’s right. “Yung sakit nya.” I mumbled. “Oo. Tama.” Narinig nya pala. “Alam natin kung anong sakit nya, pero inalam mo na ba kung anong klaseng sakit yun?” Umiling ako. “I think you have to. You see? Sinabi nya na sa atin na ayaw nyang magpa-chemo, but she badly needs it, Kyle. Maraming possibility ang pwedeng mangyari sa isang cancer patient. They can be good or bad. Kelangan may alam ka Kyle kung ano ang mga yun para mas lalo mong maintindihan ang sakit… in a way alam mo ang itutulong sa kanya.” Saad nya. May point nga sya. Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si Aye. Hyper kasi lagi yan eh. Kaibigan nga pala talaga naming sya. “Here. Take this. Wala dyan lahat pero makatutulong na rin. I hope may mai-contribute yan.” Pinat nya yung balikat ko. “Sige Kyle.” Umalis na sya.

“Kyle, hijo.” Bigla kong naalala na nasa ospital pala ako. Tinakbo namin sya kanina. Tulog pa rin sya. Nilingon ko yung tumawag sa’kin. “Kain ka muna.” Inabot sa’kin ng Mommy ni Ellie yung isang sandwich. “Salamat po.” Napaisip ako. “Tita, uuwi po muna ako. Pero babalik rin ako mamaya.” Paalam ko. “Sige Kyle.” Kinuha ko na yung bag ko at yung papel saka lumabas ng kwarto. Tama si Aye.



Pagkagising ko, puti ang paligid. Na tulog sila Mommy at Gail. Nasa ospital ako. Gabi na siguro. Umupo ako at kinuha yung bottled water sa katabi kong mesa. Ininom ko yun. Napansin kong may nakalagay sa ilong ko. Hindi na ba ako makahinga at nilagyan pa nila ako ng ganito? Tinanggal ko iyon. Naiinis ako sa sarili ko. Ang hina-hina ko na. Napansin kong umilaw yung phone ko. May text si Pangs. Binasa ko iyon. Pangs, bukas na ako pupunta diyan ha? Yung thesis pala natin. Tatapusin ko lang. Pahinga ka. I love you. Naiiyak ako. ang dami yang ginagawa para sa’kin. Habang ako… ano ba ang pwede kong gawin para sa kanya? Gusto kong mabuhay, pero kakayanin ko ba kapag natalo pa rin ako? Umiiyak nanaman ako eh.

Bumukas yung pinto. Nakita ko si Daddy. Nginitian nya ako. I gave him a slight smile. “Gising ka na pala. Apple?” He offered. Tumango ako. Gutom din kasi ako eh. Hinugasan nya muna yun saka binigay sa’kin. “Daddy, san ka galing?” Tanong ko. “May inayos lang ako sa Firm.” Sagot nya. Tumango na lang ako. “Bakit mo tinggal Ellina?” Tanong ni Daddy habang binabalik yung nakalagay sa ilong ko kanina. “Nakakahinga naman ako Daddy eh.” Pagmamatigas ko. “You still have to put this.” Sabi nya. “Ganun na ba ako kahina, Daddy?” Tanong ko. “Ellina…” He sighed. “Am I already really going to die, Daddy?” I cried. “No Ellina. I’m not gonna let that happen. That’s why…” He wiped my tears. My daddy wiping my tears, in way, soothes my pain. “You have to be a good girl and listen to the doctor when he says that you need chemo.” Saad nya. “But, daddy, natatakot po ako. Gusto mong magpagamot ako sa America, pero natatakot pa rin ako.” Saad ko. Patuloy pa rin yung pagtulo ng luha ko. “I know, Ellina. Alam kong takot ka. Pero mas malaki ba yung takot mo kesa sa tiwala mo sa sarili mo at sa mga nagmamahal sa’yo? We’re here. Consider what I told you, and I’ll help you. You don’t have to be afraid, anak.” Saad nya. I cried more. “Daddy… tama ka. Pero ayoko rin namang umalis papuntang ibang bansa at iwanan si Kyle. Look, he proposed, and I accepted it.” Medyo nagulat sya dun, pero kumalma na rin yung expression nya. “Yun naman pala eh. Takot kang iwanan sya. But what do you prefer? Leaving him now, or leaving him forever?” Tanong nya. It hit me. It totally hit me. Kyle, handa na ako.

CHAPPIE 15: Happy Endings Are Stories That Haven’t Ended Yet



Lalabas ngayon ng ospital si Pangs. Ang sabi ko sa kanya, ako ang susundo sa kanya. Ayaw nya sana, pero sabi ko ibibili ko sya ng bulaklak. Pero hindi nya daw makakain yung bulaklak. Kaya ibili ko na lang daw sya ng masarap na pagkain. So yun, pumayag syang sunduin ko sya. Nasa snack house ako ngayon, umo-order ng pagkain ni Ellie. Umupo muna ako at hinintay yun.

Miracles do happen.

We waited for it to come. Kasi yun na lang ang pinanghahawakan namin. It was our only hope. Yet… no miracle came. Walang nangyaring milagro… or magic. It didn’t happen to her. Nakakainis! Bakit ganun? I held unto that hope. Pero takte! Wala eh. Naghintay lang ako sa wala. I hate her fate. Mawawala na sya sa’kin at wala manlang akong magawa para pigilan yun. Tangna naman kamatayan! Ang hirap mong kalabanin!

Sh*te! Hindi ko kayang makita syang iwanan ako. It feels like I want to die, too. Mawawala nab a talaga sya sa’kin? Natatakot ako. Sa lahat ng nalaman ko tungkol sa sakit nya, hindi ko na alam kung may pag-asa pa. Ngayon pang ayaw nyang lumaban. Nakakainis! Nakakamatay. Pero naalala ko yung sinabi nya sa’kin sa harapan ng simbahan. Ako daw ang nagsabi sa kanyang mahalaga ang buhay. Kelangan kong pahalagahan yun diba? Ano bang nangyayari sa’kin? Pinanghihinaan na ba ako ng loob? Hindi ko sya susukuan diba? Ipaglalaban ko sya kahit kamatayan pa ang kakalabanin ko diba? KYLE! Umayos ka nga! Hindi ikaw ‘to! Kelangan ka ni Ellie.

“Sir, ito na po yung order nyo.” Nilapag nung waitress yung order ko. “Salamat.”


Lalabas na ako ng ospital ngayong araw. Dumating sila Mommy, Gail at Daddy para sunduin ako. Dumaan muna kami sa office ng doctor para kausapin sya. Pagkatapos nun, sabay-sabay na kaming lumabas ng ospital.

“Sigurado kang okay ka lang dito?” Tanong ni Mommy. “Opo. Hihintayin ko pa po si Kyle.” Sagot ko. “Sige. Mag-iingat ka ha.” Niyakap nya ako. “Sasabihin mo ba sa kanya anak?” Tanong ni Daddy. “Kelangan po Daddy eh. Ayoko ko pong maglihim sa kanya ulit.” Saad ko. “Sige.” Niyakap ako ni Mommy. Umiiyak nanaman sya. “Mommy naman. Wag ka ng umiyak.” I hugged her back. She wiped her tears. “Sige, mauuna na kami, Ate.” Paalam ni Gail. “Sige.”

Pumasok na sila sa kotse ni Daddy at umalis na. Naiwan ako sa lobby ng ospital. 15 minutes din akong naghintay dun. Kinakabahan ako kay Kyle. Naka-motor pa naman yun. Kanina ko pa tinetext eh. I dialed his number. Sinagot naman after 3 rings. “Pangs! Asan ka na? Pinag-aalala mo naman ako eh.” Saad ko. “Sorry. May nangyari kasi.” Paliwanag nya. “Ha? Anong nangyari?” Tanong ko. “May holdaper kasi kanina eh.” Sagot nya. “Ano?! Okay ka lang? May saksak ka ba? Ano patay ba yung holdaper? Nakatakas? Ano, Pangs?!” Pinag-aalala naman ako ng lokong ‘to eh. “Okay lang ako, Pangs. Kahuhuli lang sa kanya ng mga pulis. Muntik na akong masaksak pero buti na lang alam ko ang mag-self defense. Yun, tumba ang gago. Nakikipaglaban ata talaga ako kay kamatayan eh. Pero mali sya ng taong kinalaban. Weak yung holdaper.” Pagyayabang nya. “Yabang mo! Mag-iingat ka kasi. Ikaw ata papatay sa’kin eh. Dalian mo na.” Saad ko. Kaloko talaga ni Kyle kahit kelan. “Opo. Andyan na po. Malapit lang naman ako eh. Hintayin mo ko.” Saad nya. “Sige. Mag-iingat ka ha?” Kumalma na ako ngayon. “Oo. Sige. Kita na lang tayo diyan, Pangs.” Sabi nya. “Sige.” He ended the call.


Posted in Uncategorized

Happy Ending? Joke Ka Ba? 2 (Chappie 6-10)

CHAPPIE 6: Our Infinite Chances


“Ang cute talaga ni Zeph.” Saad ko. “Makulit nga lang… at matakaw pa.” Komento ni Pangs. “Eh, bata eh. Napabayaan ni Gian sa kusina.” Tumawa kami pareho. “Ang saya nilang kasama. They’re good people Pangs. Ang swerte mo sa kanila. After all these years, ganun pa rin sila sa’yo.” I told him. “Oo. Pinatawad nila ako nung umalis ako. Pero ba’t ganun? Ako daw ang maswerte dahil sa’yo sabi nila? Oo kasi eh.” I looked at him and smiled. “Pareho tayong maswerte, Alvaro.” Saad ko. “Ah! Tama ka, Tuazon.” I leaned on his shoulder. I begun strumming my guitar while I hum Silent Sanctuary’s Hiling. Nasa harap kami ng Paoay church at naka upo sa damuhan. Gabi na at kagagaling lang namin mula sa mini-outing.

Bigla kong naalala yung kwento ni Krystal. Naramdam ko yung sakit na naramdaman nila. Alam kong mas higit yung sakit na dama nila. Pero parang ramdam ko na rin.

“Hindi nagparamdam si Amber kay Kyle after ng graduation kasi may mga inaasikaso sya about sa College application nya. Actually lahat kami busy dahil dun. Maraming plano ang barkada. Sa iisang University kami mag-aaral. Magkikita pa rin kapag free time. Tatambay sa sementeryo. Mag-aaral at magtatapos ng nasa oras. Pero nagbago ang lahat dahil lang sa isang unfateful na araw. Galing kaming Doctor nun para ipatingin yung aso namin. Nasa likuran ako kasama yung dog. Habang si Amber naman sa harap kasama yung driver namin. Ang bilis ng nangyari. Paliko na kami nun nang may bigla bumusinang malaking truck. Umiwas yung driver namin pero nabunggo naman kami sa isang malaking bato. Galos lang ang natamo ko at sa driver habang naging critical naman ang kay Amber dahil mas malapit sya sa batong yun.” Lumuluha na ngayon si Krystal. “Sobrang sakit panoorin yung kakambal ko na maghirap ng ganun. Itinakbo namin sya sa ospital. I called daddy and mommy. I called Kyle… sila Sulli rin. Hindi ko alam kung paano ko ie-explain pero masyadong masakit kapag yung better girl half mo ang nawala sa’yo. Siguro ganun din talaga kasakit kay Kyle nun. Comatose si Amber ng ilang araw. Nagising sya sa 5th day nun at nandun si Kyle. Nag-usap sila. Pero hindi namin alam kung tungkol saan ba. Kung namamaalam ba sya o nangangako. Walang sinabi sa amin si Kyle. Nung sumunod na araw, bigla na lang naging unstable yung lagay nya. Nag-internal bleeding kasi sya. Saksi kaming lahat sa napaka-unfateful day na kinuha sya. Inilibing si Amber at hindi um-attend si Kyle. Hindi nya daw kaya. Inintindi namin sya. Pero ang hindi na namin natanggap eh yung bigla nyang pag-alis na hindi namin alam. Hindi sya nakapagpaalam ng maayos kay Amber o sa amin.”

“Sa tingin mo Pangs, may infinite chances ba tayo?” Tanong ko kay Kyle. Napatigil sya sa pagtugtog ng gitara. “Naniniwala ako Pangs na meron… at gamit na natin yung dalawa. May 1000000000000000000 and more-slash-ellipsis pa tayo Pangs. So, get well para magamit pa natin yung iba.” He smiled.

“Pangs,I attempted suicide.” Nagulat sya sa sinabi ko. “Yes,I did. Dun ko ginamit yung unang infinite chance ko… Nung baguhan pa lang ako nun dito, I can’t accept the fact that we left our old home…pati na rin di ko matanggap that we ended up to like this, a broken family, without even knowing the reason. Pero yung time na hawak ko na yung knife and I was really ready to end my life, bigla kong nabitawan yung kutsilyo. Nag iiyak ako dun until nakita ako ni Lola. At niyakap nya ako. Then she told me something…sabi nya hindi daw ako ang tatapos ng buhay kundi Sya. Sya ang nagbigay kaya Sya rin ang babawi. Kelangan ko raw yung intayin habang pinapangalagaan yung buhay na pinahiram nya.” Nakatingin lang sya sakin, maybe he’s waiting for me to continue my story. Sa simbahan ko binabaling yung tingin ko. “Hindi ko pa pinaniwalaan yun. Ang naisip ko lang, hindi pa yun yung right time. Maybe, something better than that…something that’s more acceptable than dying like that. Yan ung answer sa tanong mo Pangs… kung bakit ako tahimik nun. Natakot ako sa buhay na ‘to. Well, I actually hated it. Natakot ako na baka kapag masyado akong na-attached sa isang bagay o tao hindi ko matanggap kapag nawala na ito. Gaya ng nangyari kay Daddy. That’s why I didn’t strive for an honor. I didn’t try to gain friends there.  For me, my cousin was just enough.” Oo. Tama si Kyle. Marami nga kaming pagkakaiba ni Amber. Napakarami na parang opposite version na kami ng isa’t-isa. Sa tingin ko ang pagkakatulad lang namin eh yung fact na mahal namin si Kyle.

“Pangs, hindi ko alam kung ano dapat kong sabihin. Nangyari na yan eh. But the thing is, nandito ka pa rin… kasama ko. Hindi ko masasabing tama yung gagawin mo sana, dahil hindi naman talaga. Pero masaya ako dahil hindi yun natuloy. Masaya ako dahil nakilala kita. You see Pangs? People grow physically and mentally. Ganun ang nangyari sa’yo. Aren’t you happy that you have friends now?” Tanong nya. “I am.” Ngumiti ako.

“Hindi ko pepekehin yung nararamdaman ko. Nung nawala si Amber, sobrang sakit talaga. Pero natuto akong bumangon ulit, Ellie. Pero ngayon? Hindi ko alam kung bakit nangyayari nanaman sa’kin yun. Maaari nanamang kunin sa’kin yung pinakamamahal ko. Maybe this serves as a punishment. Pero bakit? Ang maganda sa lahat ng nangyari eh hindi na ako duwag katulad ng dati. Hindi ko na tatakbuhan yung sakit at problema. Hindi kita bibitawan Pangs. Hanggang sa kaya natin. Ayokong sayangin yung infinite chances natin.” He kissed my forehead.


“Pero may possibility pa rin na matalo tayo.” Tiningnan ko sya. Nasa simbahan pa rin yung atensyon nya. “Hindi ko hihilinging samahan mo ako. Kahit gustuhin ko man, hindi pwede. It’s wrong to let someone die with me. At wala rin kasing assurance na magkakasama rin tayo.” Hindi ko alam kung namamaalam na sya, pero pakiramdam ko kelangan kong sulitin yung bawat segundo. “So Pangs, I hope your life won’t stop when I’m no longer beside you. Always keep in mind how important life is. So don’t waste it. You made me realize that. Yeah, I know. Siguro iniisip mo na life is so mean to give you such fate. You lost someone you really loved already. But Kyle, it doesn’t mean that we love each other, tayo na sa huli. Maybe, it just happened so that I’ll be able to draw you to the one who is for you. Though, you’ll always be my great love, Pangs. Remember Pangs, eventhough I’m not there physically, I’ll always be a part of your life. I love you. At hindi yan past tense.”

So, she already embraced the fact that she might die, huh? Ba’t ang unfair nya? Sabi nya mahalaga ang buhay, pero bakit di sya lumaban? Ba’t ayaw nyang lumaban? Ganun dapat yun diba? Ganun nya dapat pahalagahan yun. Yung ipaglaban nya yung buhay nya? I don’t want to lose her again. I don’t want to lose her forever.

Niyakap ko sya ng mahigpit. “Mahal kita, Pangs… at sana alam mo kung paano sana ipaglaban yan.” Bulong ko sa kanya.

CHAPPIE 7: Gusto kong Ikasal



      “Kyle, okay lang ba kayo diyan? Si Ellina? Maayos lang ba sya?” Tanong ni Mama sa kabilang linya. “Opo ma. Hindi kop o hinahayaang makalimutan niyang inumin yung gamot niya. Hindi naman po sumasakit yung tiyan Ma. Ang she was so happy when she met my friends.” Masayang balita ko sa kanya. “Mabuti naman kung ganun anak. Maganda din na nakipag-kita ka na sa kanila. Basta take care ha?” Saad ni Mama. “Opo Ma.” Matipid na sagot ko. “Ah! Nga pala! Galing dito ang Tito Dylan mo. May iniwan syang pasalubong para sa’yo. Wala ka kasi eh.” Kwento ni Mama. “Hah? Eh umalis na sya ma? Kelan po sya uuwi uli?” Tanong ko. “Hindi pa nya alam eh. Pero sisiguraduhin daw niyang uuwi sya sa graduation mo.” Sagot ni Mama. “Ayos! Ingat na lang po sya.” Saad ko. “Oo. Makakarating. Sige anak. Tawag ka na lang kapag pauwi na kayong Manila. Punta na akong work eh. I love you anak.” Paalam ni Mama. “Opo Ma. Love you rin po. Bye.” Then she ended the call.

Ilang buwan na rin last time na umuwi si Tito Dylan. Hindi sya related sa’min pero malapit syang kaibigan ni Papa. Architect si Tito Dylan. College friends kasi sila ni Papa. Masasabi kong mayamang Architect si Tito Dylan. May Company sya sa Miami at dito sa Pilipinas. Si Papa ang huma-handle ng Kompanya niya dito. Hindi naman ganun kalaki yung firm nya, pero malaki na rin ang pumapasok na pera. Kaya nga idol ko si Tito eh. Pinili ko rin yung Archtecture na course kasi gusto ko ring maging katulad niya. Close kami ni Tito, pero ang hindi ko lang sigurado ay kung may love life ba sya. Ibig kong sabihin eh, kung may pamilya…asawa’t anak, ba sya. Or girlfriend man lang. Di kasi sya pala kwento pagdating dun eh. Ang sabi nya kami daw ang second family nya. Ewan ko lang kung ano dapat kong i-conclude dun. Basta hinahangaan ko syang tao.

“Pangs! Kakain na!” Tawag ni Ellina mula sa kusina. Nasa may veranda kasi ako ng bahay. Kitang-kita ko yung malaking simbahan. “Oo! Andyan na!” Pumasok na ako sa loob at sinaluhan sila sa pagkain.


“Uy! Tingin ka na dito oh!” Saad ko kay Kyle. Nasa harapan sya ng simbahan. Gusto ko syang kuhanan ng litrato. Ay mali! Video pala. Pang black mail ba. “Eeh! Andami na nating litrato dito Pangs.” Reklamo nya. “Bobits ka talaga! Kaya nga kita kinukuhanan eh kasi puro tayong dalawa yun. Oh, smile na! Kimchi~” Saad ko. “Kimchi!!!” Ulit nya. Para syang bata.

Pinapanood ko sya sa screen ng smartphone ko ng may mapansin ako sa background. Nasabi ko na bang may kinakasal sa loob at nakiki-eksena lang naman kami sa labas? Hindi pa, right? So yun! May kinakasal nga. Pero hindi yung kinakasal mismo ang nakakuha ng atensyon ko, kundi yung bridesmaid.

“Fei!” Sigaw ko. Luminga-linga naman yung babae para hanapin yung tumatawag sa kanya. Nakasuot sya ng red bridesmaid’s dress at hat na may red na ribbon. Hawak-hawak nya yun dahil mahangin. Pumayat na sya. Mas lalo syang gumanda. Nahanap nya rin ako. Ngumiti ako. “Ellina! Couz! Ikaw nga!” Tumakbo sya palapit sa’kin at niyakap. “I really miss you, Couz… been forever.” Saad niya. “O.A. to! Hindi pa naman forever noh.” Basag ko sa sinabi nya. “Nagbago ka na. Madaldal ka na.” Tinapik-tapik nya ako. “Things change… so am I.” I shrugged. “Abah! Abah! At ume-English din ah.” Komento niya. “Ganun talaga. Nga pala…” Hinila ko si Kyle mula sa likuran nya. “Si Kyle pala… body guard ko.” Pang-joke ko. “Huh?” Naguguluhang saad ni Fei. “Oy Pangs ah! Anong body guard? Ni hindi nga ako mukhang bouncer ng bar eh.” Reklamo ni Kyle. “Bakit kayo magkasama?” Tanong ni Fei. “How come?” Dagdag niya. “Kilala mo sya?” Tanong ko. Umiling-iling naman si Kyle sa sinabi ko. “For pete’s sake Ellina, of course! Classmate natin sya nung highschool ng apat na taon. How could I not recognize him!?” Hindi makaniwalang sagot ni Fei. Nyek! Choori na pu. Limut ku pu ih. Choori na, Pey! “Ay! Oo nga. Haha. Nawala sa isip ko.” Natawa ako. “So, pwede bang i-confirm mo kung tama yung iniisip ko?” Saad nya. “Tama nga.” Sagot ni Kyle. “Oh-Em-G! As in O-M-G!” Inulit nya lang. “Kayo?” Tanong nya. Tumango kaming pareho. Ano naman kayang reaksyon yan, Fei? Napaka-out of this world news ba na kami para mag-react ka ng ganyan? “Anong bago dun?” Tanong ko. “Tange! Marami!…Una, lumalandi ka na girl. I mean… may lovelife ka na ateng. Second, sa ex-classmate pa natin na si Kyle na salutatorian lang naman. At pangatlo! Hindi mo sinabing crush mo sya noon pa pala! Geez Ellina! How dare you hide it from me?” Umaarteng nasasaktang saad nya. “O.A.!” Komento ko. “Una! Oo. May lovelife na nga ako, kasi things change, so am I. Pangalawa, si Kyle nga ang boyfriend ko at di ka nagkamali dun. Pero nakilala ko sya hindi bilang Kyle na salutatorian, kundi Kyle na hindi ko natandaang classmate natin. Pangatlo, hindi ko sya crush noong highschool tayo kasi irefer to reason number two. Napaka-epic ng dahilan at way ng pagtatagpo ng mga landas namin, Fei. Kung alam mo lang.” Mahaba-haba rin yan. Napagod ako. “So you mean? Ike-kwento mo?” Tanong ni Fei ng may excitement. “Pumasok ka muna sa loob at tapusin mo yung kasal.” Utos ko. “Oo nga pala! Why don’t you join the ceremony? Si Basyang yung kinakasal noh!” Saad nya. “Weh?” Tanong ko. “Well! Yes! Sya nga.” Sagot nya.

“Sino yung Basyang, Pangs?” Bulong ni Kyle. “Ate niya.” Sagot ko. Tumango-tango na lang si Pangs. O.P. kasi eh. “Tara na.” Aya nya sa’min. Sinundan naman namin sya.

Medyo inantok din kami sa Ceremony. Ito yung isa sa mga moments na hinihiling mo na lagyan nila ng masiglang background music… yung mapapasayaw ka at hindi mapapapikit.. Masayang binati naman ako ni Basyang nung nakita niya ako. Kinamayaan rin nya si Kyle at pinakilala ang bagong asawa nya. Pinanood namin silang lumabas palabas ng simbahan.

“Ang saya nila.” Komento ni Fei. Kyle and I nodded- absorbed also by that fact. “Sundan ko lang sila. Kita tayo sa labas.” Saad nya saka naglakad papunta sa bagong kasal. “Gusto ko…” Saad ni Kyle. “Anong gusto mo?” Tanong ko. Pinagsasabi nito? “Gusto ko ring ikasal.” Saad nya. “Baliw! Kasal agad? Ang bata-bata mo pa oh.” Saad ko. “Not now, but in the future. Gusto kong ikasal dito…” Humarap sya sa altar. Ginaya ko rin sya. “…habang hawak-hawak ang kamay mo na parang ganito.” Hinawakan nga nya yung isang kamay ko. “At ganito…” Kinuha nya rin yung isa pa. Magkaharap na kami. “…habang sinasabi ng pari yung vows na sasabihin… at yung kataga nyang pwede na kitang halikan.” Tinitigan nya ako ng seryoso. “Sa ngayon… sa noo muna.” He kissed my forehead. Such a sweet way! Kinikilig ako! Hindi nya yun tinatanggal. Feeling ko nakapikit sya.

“Alam mo… ayoko!” I pushed him away. I broke the stupid forehead kiss. Antagal na noh. Mamaya matikman pa nya yung oily forehead ko. “Anong ayaw mo?” Naguguluhang tanong nya. “Ayaw mong ikasal sa’kin?” Naka-pout nyang tanong. “Ayokong ikasal dito.” Sagot ko. “Bakit naman? Ang ganda kaya dito.” Saad nya. “Oo nga pero… just look…” Hinarap ko yung mga upuan.” Magka-hawak pa rin yung kamay namin. “Oh, anong problema sa upuan?” nalilitong tanong nya. “Hindi yun… kundi yan…” Tinuro ko yung aisle gamit yung nguso ko. “Tingnan mo na lang yung haba nyan… parang aabutin ako ng isang oras sa paglalakad… idagdag mo pang islowmo dapat. Gusto ko eh mabilisan. Para naman makaabot tayo agad sa You may kiss the bride portion diba? Kasal na talaga tayo nun Pangs.” Saad ko. “Alam mo, may point ka, Pangs. May point ka talaga. Di bale, maghahanap na ako ng simbahang maikli lang ang paglalakaran.” Tumango ako. Sa aisle kami naglakad palabas ng simbahan. “Mabuti kung ganon. Magsimula ka na ring mag-ipon.” Biro ko. “Yes, sir!” He saluted. “Sana graduation na.” He  mumbled, pero rinig ko. “Bakit naman?” Curious na tanong ko. “May pinangako kasi si Mama nung birthday ko eh.” Saad nya na ngiting-ngiti. “Ano yun?” Tanong ko. “Basta.” Sagot nya. “Ano nga?” Pangungulit ko. “Saka na….” Kinulit ko sya ng kinulit hanggang makalabas kami, pero secret pa rin daw.

(Meleng’s note: Naka-relate ka ba sa secret ni Kyle? @_@)


“Ingat kayo sa byahe ah?” Saad ni Sulli sa’kin. “Oo.” Matipid ko sagot. “Oh, pa’no tol? Kita na lang tayo ulit sa susunod na pagbabalik mo.” Tumang ako. Nag-high five kami nila Johan at Gian. “Asahan mo yan tol!” Ngiting-ngiting sabi ko. “Wag mong kakalimutan yung pasalubong nila Tita, Kyle!” Banta ni Vic. “Oo na! Kainin ko pa yun eh.” Pang-aasar ko. “Wag! Makakatikim ka ng suntok sa’kin, Kyle.” Banta nya ulit. “Oo na.” Pinat ko sya sa balikat. “Last hug.” Hi-nug nya ako. “Andrama mo!” Sabat ni Krystal. “Sorry na. Ngayon ko lang ulit nakita yang pinsan kong yan eh.” Tawa nya. Oo. Cousin ko si Vic. At oo… sila ni Gian. “Ako? Walang hug?” Tanong ni Krystal. “Group hug!” Saad ni Sulli. Nag-group hug kami. “I missed this! I totally do.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Sulli. Ginulo-gulo ko yung buhok nya. “Kyle eh. Ang kulit.” She whined. Tinawanan lang namin sya. “Yan! Alam mo na feeling na nabubully.” Saad ni Krystal sabay tawa. “Kulit nyo!” Reklamo ni Sulli.

“Oy! Dumating na si Ellina!” Saad ni Johan. Nilingon naming sya at kumakaway naman ang baliw. Kasama nya si Fei. “Sorry. Kinausap pa kasi ako ni Tita eh.” Paumanhin nya. “Ano ka ba, wala pa naman yung sasakyan eh.” Sagot ni Sulli. “Mami-miss ka naming Ellina.” Sulli hug her. “Salamat sa lahat, Sulli.” She hugged her back. Naki-hug din yung rest ng girls- kasama si Fei. “Tawag kayo kapag nakarating na kayo, orayt? Wag sabihing walang load at babatukan ko kayo!” Sermon ni Fei- particularly kay Ellina. “Opo.” Sagot namin. Nagtawanan naman sila Johan. Lakas ng trip nila eh. Sakto namang dumating na yung sasakyan.

“Paano ba yan ‘tol? Balitaan mo na lang kami ah? Kaya nyo yan. Wag susuko.” Saad ni Johan, in a way na hindi maririnig ni Ellina. “Oo tol. Salamat.” Saad ko. “Ellina…” Tawag ni Vic kay Pangs. Lumingon naman sya. “Here, take this.” May inaabot syang brown envelope- yung medium size lang. “This serves as a gift.” Kinuha naman yun ni Pangs. “Salamat.” Saad nya. “Pasensya ka na kung hindi ganun karami. Pero yung the best ang nilagay ko dyan. You’re an awesome person, Ellina.” Niyakap nya si Pangs. “Thank you, Vic. Pero, ano ba ‘to?” Tanong nya sabay pabukas sa envelope. “Don’t open it yet. Pagdating mo na lang dun.” Saad ni Vic. “Okay. Thanks ulit.”

“Oy! Ikaw Krys! Skype ha? Skype!” Stressed ni Sulli. “Opo mam.” Sagot nya. “Next vacation, buo tayo ulit ah!?” Saad ni Vic. “Naman!” Sabay-sabay naming sabi. “Last group hug?” Nag-group ulit kami at kasama na sila Pangs. Pumasok na kami sa sasakyan. Nag-wave kami sa kanila.

“So, let’s go?” Tanong ni Krystal. Tumango ako. “Sige… Kuya, punta na po tayo.”

“Ano Pangs? Sinabi mo na bang nakarating na tayo?” Tanong ni Ellie. “Oo. Tinext ko na si Johan. “Okay. Kakapagod byumahe.” She sighed. “Ano? May masakit ba sa’yo?” Medyo nag-alala kong tanong. “O.A. Pangs ah. Napagod lang ako sa byahe. Wala namang masakit eh.” This time napabuntong-hininga ako. “Ang saya Pangs.” Saad nya. “Ng alin ba?” Tanong ko. “Ang saya ng maraming kaibigan. Ang saya.” Nakangiti sya. “Oo. Tama. Sobra.” Saad ko.

“Ellina!” Pasigaw na bati sa’kin ni Aye. Naka shirt at shorts lang sya with matching flip-flops. Malapit sa’min ang bahay nila, remember? “Oh! Aye! May sunog?” Basag ko sa kasiyahan nya. Nag-pout sya. “Ellina naman eh. Na-miss kaya kita tapos ganyan ka.” Pagtatampo nya. “Oh, ano na Aye? Hug?” I offered a hug. Niyakap nya ako. “Na-miss kita, friend.” Saad nya. “Ako rin.” Nakangiti kong sabi. “Oh, asan pasalubong ko?” Tanong ni Aye. “Wala. Nagpabili ka ba?” Basag ni Pangs. Nag-pout naman si Aye. “Ehem!” Eksena ko. “Uy! Kyle! Andyan ka pala!?” Gulat na sabi ni Aye. “Insulto?” Tanong ko. “Hindi ah. Di ko kasi na-feel yung presence mo.” Sarcastic na sabi nya. “Lakas ng tama nyong dalawa.” Saad ko. “Matagal na!” Sabay nilang sabi. Ang laki ng improvement ni Pangs. Andaming nabago sa kanya. She changed for the better. Biglang may bumusina sa harapan ng bahay nila Pangs. Sinilip naming yun.

“Kuya Kyle!” Sigaw ni Lian. “Andyan na!” Sagot ko.

Sya susundo sa’kin. Alam nya ng i-drive yung motor ko eh. I taught her. Si Pangs hindi pa gaano. Bike nga hindi nya pa kayang i-balance eh, motor pa kaya.

“Kyle! Wag kang bibitaw, please. Mahuhulog ako! Mahuhulog ako!” Pasigaw nya nung bibitawan ko na yung bike nya. “Trust me, hindi.” Saad ko. “Wag!” Binitawan ko pa rin. “Aah! Mamatay ako! Mamatay ako!” Sigaw nya. Natumba nga sya. Tigas kasi ng ulo eh. Ayaw akong pakinggan. “Oh, ano? Okay ka lang ba?” Tanong ko palapit sa kanya. “Inis Kyle! Trust me, trust me… natumba naman ako. I trusted you, pero nahulog ako!” She whined. “Ano okay ka lang? May gasgas ka ata ah. Alluh! Kawawa ka naman talaga.” Kausap ko sa bike. “ Mas naaawa ka pa sa bike ah. Sama mo! Itapon ko ‘tong bike mo eh.” Akmang bubuhatin nya yung bike. “Uy! Pangs! Wag! Hindi akin yan! Hiniram ko lang kay Johan yan!” Pigil ko. “Inaasar mo ko eh.” Rason nya. “Ikaw kasi eh. Ayaw mong pagbutihin. Akala ko gusto mong matutong mag-motor?” Tanong ko. “Oo! Gusto kong matuto mag-drie ng motor. Motor, Pangs! Bike naman ‘tong tinuturo mo!” Saad nya. “Paano ka matututo nun kung di mo pa kayang i-balanse yung bike? Matuto ka munang mag-bike bago motor.” Saad ko. “Oo na ho! Makikinig na ho.” Wahaha! Talo sya! Sumuko sya! “So, back to our lesson…”

“Una na ako, Pangs…Aye.” Paalam ko. “Oo.” Sagot nila. “Kita tayo bukas. Bye.” I waved. “Sige. Ingat ka.” Saad nya.


“Eh! Oppa naman! Punta na tayo! Please? Pupunta sila Ellina oh.” Pamimilit ni Aye kay GD. “Hindi nga pwede, noona. May pasok ako kinaumagahan.” Rason ni GD. “Sumama ka na lang.” Suggestion nya. “Eeh. Ang hirap kayang maging third wheel. Maglambingan pa yang dalawang yan, tapos ma-OP pa ako.” Saad ni Aye. “So, hindi na lang.” Dagdag nya. “Madali ka pa lang kausap eh. GD ruffled her hair. “Bast hang-out tayo next time ah?” Pilit ni Aye. “Oo naman Aye.” I assured her. “So, una na kami guys. May class na kami eh. Kitakits na lang.” Paalam ni GD. Tumango na lang kami ni Pangs. “Bye.” Paalam ni Aye.

“So, ano Pangs? Oras tayo pupunta?” Tanong ni Kyle. “7:30… 8:00 magsisimula diba?” Tumango si Kyle. “Sunduin mo ko ng mga 7.” Saad ko. “Sige. Tara na rin. May klase pa tayo.” Aya ni Pangs. Kinuha ko yung bag ko. Sumunod na ako sa kanyang maglakad.

Nabanggit ko na bang fan kami ng bandang Silent Sanctuary? Well, yeah. Gustong-gusto namin ni Pangs yung mga songs nila. Yan din ang isang reason kung bakit lalo kaming naging close. Songs kasi nila yung ginamit namin nung tinuturuan ko pa syang mag-gitara. Ngayon, may open concert sila, so pupunta kami. Yey! Gustong-gusto kong makita si Sarkie. Well, nakita ko na sila sa Ilocos nung nag-concert sila one time, pero gusto ko ulit silang mapanood ng live. So, eto na nga yun!


Nasa bahay na ako at tumitingin na ng susuotin. Kinalkal ko yung ginamit kong bag sa Ilocos dahil nawawala yung butterfly na clip. Nakita ko yung binigay na sobre ni Vic. Hindi ko pa pala nabubuksan. Isang lingo na rin ang nakalipas magmula ng umuwi kami galing dun. I opened it.

Nagulat ako sa nakita ko. Ang galing nya! 3 pieces lang yun, pero masasabi kong magaganda lahat ng kuha. Naiiyak ako. She captured pictures of Kyle and I. Yung unang litrato eh nung nakita  kami ni Sulli sa simbahan. Galing siguro kay Sulli ito. Nagse-selfie kami noong dalawa. Kaya siguro nakilala ni Sulli si Kyle. Yung pangalawa eh nung nasa Van kami papuntang Hannah’s. Natutulog kami nun. Nakasandal ako sa nakasarang bintana ng sasakyan, at pinapanood ako ni Kyle. Hindi nya rin siguro napansing kinuhanan sya ni Vic. Pangatlo nung nakarating na kami dun. Dala-dala ko yung bag ko. Ganun din kay Kyle. Back view lang yung nakuha sa’min, pero ang espesyal sa kuhang yun eh nakaakbay sya sa’kin. Kinikilig tuloy ako. Yung last na pic ang pinaka na-amaze ako. Ang galing nya manguha ng litrato. Naka-pang swimming kaming dalawa ni Kyle. Eto yung time na papunta na kami sa beach. He was holding my hand habang nakatingin kami sa isa’t-isa… at nakangiti pa. Ang saya namin dyan. Parang nagsilbing spotlight din yung palubog na araw. Umiiyak na talaga ako. Ang saya ko. Sobra. Napaka-priceless ng memory na yun. Napansin kong may note sa likod ng litratong yun.

            Never forget that once in a while, you become happy.


Naisip kong tawagan si Vic. I dialed her number while I wiped my tears. She answered after the second ring. “Ellina! Buti napatawag ka? Kamusta?” Masigla nyang bati sa akin. “Salamat, Vic.” Saad ko na naiiyak pa rin. “What for? Umiiyak ka ba Ellina?” Tanong nya. “Wala ‘to. Masaya lang talaga ako Vic. Nakita ko na kasi yung laman ng envelope.” Sagot ko. “Oh, I see. Do you like them?” Tanong nya. “Sobra, Vic. You’re an awesome photographer. Keep it up!” Natawa sya kasi naiiyak ako nung sinabi ko yun. “Ikaw talaga Ellina. Wag ka ng umiiyak. That’s a gift. At ako dapat ang mag-thank you noh.” Saad nya. “Huh? Ba’t naman?” Naguguluhang tanong ko. “Masasabi kong PERFECT PICTURE yung may note, Ellina. Hindi lang naman kasi nakabase sa photographer yung kalalabasan ng litrato eh. Mas naka-depende yun sa model. Sa kinuhanan. Kitang-kita yung emotions nyo… yung saya. As a photographer, masaya ako(sobra), kasi hindi biro na makakuha ng ganung litrato, as natural as that. Yan yung isang proof na worth it ang buhay, Ellina. Salamat.” Paliwanag nya. “Vic…” I sighed. “So, you’re welcome?” Joke ko. “Ikaw talaga Ellina. Nami-miss ko yang pananalita mo. Visit kayo ulit dito. Para rin makuhanan ko kayo ulit.” Tumawa sya at ako rin. “Sige ba. Sige.” Sagot ko. “So, pano Ellina? Usap tayo next time? Kakain na kasi kami eh.” Saad nya. “Oo. Usap tayo next time. Bye Vic. Ingat.” Paalam ko. “Salamat. Ikaw din, Ellina. Sige.” Ibinaba ko na yung phone ko at nagsimula ng gumayak.


CHAPPIE 8: A Midnight Forehead Kiss


“Ikaw lamang ang aking, minamahal… ikaw lamang ang tangi kong inaasam… makapiling ka… habang buhay… ikaw lamang sinta~” Sabay naming lahat sa kanta. Maraming tao. Open grounds rin kasi dito. Maingay… siksikan… pero worth it. Fan kami ng Silent Sanctuary. Natural lang na magsa-sacrifice ka para lang makita ang iniidolo mo. (Meleng’s Note: Fanboy/fangirl feels mga ‘teh at tol! Haha.) “Woo!” Sigay ni Pangs. “Go Sarkie! Galing mo talaga!” Dagdag nya. Puputok ata litid nya dahil sa kakasigaw eh. Nasa mismong harapan kami. Pero hindi kami sinwerte nung kumuha sila mula sa fans ng pupunta sa harap eh. Sayang. Huling kanta na yung tinutugtog nila. 11:00 PM na. Alam ko, gabi na. Pero minsanan lang namang magpagabi eh. Tsaka nagpaalam din kami. Ang sabi ni Tita, iuwi ko daw agad si Pangs kapag masama nanaman pakiramdam nya. Para makasigurado, dahil may pag-kamataguin sya, laging kong tinatannong kung okay lang sya. Ngiting-ngiti naman syang sumasagot. Ang saya ko! Ang saya nya kasi. “Tumingin sa’king mata… mag-tapat ng nadarama… di gusto ikaw mawala~” Nasa chorus na yung kanta. Sa exact moment nay un, napatingin ako kay Ellina. Naka-tingin din sya sa’kin. She smiled- yan yung ngiting ang sarap makita araw-araw. I smiled back.

Bigla syang napahawak sa tiyan nya. “Pangs? Sumasakit ba?” Umiling sya. Ba’t pa sya nagpe-pretend eh ang obvious na? “Okay lang. Okay lang.” Kumbinsi nya sa’kin. “Don’t fool me. Tara na.” Luminga-linga ako sa palagid at naghanap ng pwedeng daanan. Inakay ko sya at nakiusap sa mga taong padaanin kami. Hindi yun madali. Maraming tao at busy sila sa pagsabay sa kanta. Hindi maiiwasang mainis sila kasi iniistorbo ko sila sa pakikiusap. Pero anong magagawa ko? Mas mahalaga ang makaalis kami dito kesa sa inis na inaabot ko sa kanila. “Pasensya na po… makikiraan lang po. Pasensya na po…” Saad ko sa bawat taong madadaanan namin. I am repeating that as if it’s some kind of mantra. “Pangs…” She held me tightly. “Okay lang, Ellie. Okay lang.” I assured her. Nakaalis na kami sa crowd. Inaakay ko pa rin sya papuntang parking lot. Pinaupo ko sya sa motor ko. I handed her her medicines. Ininom nya yun. She hugged me. “Sorry. Sobrang sorry.” Saad nya habang umiiyak. “Pangs naman. Namimihasa ka nang umiiyak ah.” Joke ko. She chuckled. “Ang hina-hina ko na Kyle. Pansin mo yun?” Tanong nya. “Oo nga eh. Hindi mo na ako mabatukan.” Sang-ayon ko. “Pumapangit ka na rin kaya.” Joke ko. “Loko ka!”Binatukan nya ako. “Ay! Binabatukan mo pa rin pala ako.” Saad ko. “Salamat sa ginawa mo, Pangs. Mas okay na ako.” She sighed. “Wag mo nga akong pasalamatan, parang caregiver lang tuloy ako.” Saad ko. “Uy! Hindi naman ako baldado ah.” Kontra nya. “Oo naman. Baby damulag lang.” Pang-aasar ko. “Pangs naman! Hindi kaya!” Protesta nya. “Oo na. Hindi na. Pero wag mo ng ulit gagawin yun ah? Wag kang magpanggap na hindi ka nasasaktan.” Pakiusap ko. “Sorry.” Saad nya. “I love you.” I kissed her forehead.

Hindi ko ma-explain pero kahit nahalikan ko na sya sa labi, hindi ko pa rin magawang gawin yun na parang natural lang. Sa noo o sa kamay ko lang sya kalimitang hinahalikan. Sa tingin ko kasi, napaka-precious nun na kailangang pinipili yung right timing para gamitin yung karapatang yun. Ayokong namimihasa. Ikakasal pa naman kami, diba?


“Sayang hindi natin natapos yung concert.” Saad ko. Nasa tapat na kami ng bahay namin, pero wala pa akong planong pumasok at wala pa syang planong umuwi. Nakasandal kami sa motor nya. Maraming bituin. Na-share ko lang. “Okay lang. nag-enjoy pa rin naman tayo.” Sagot ni Pangs. “Sabagay. Tama ka. Ginagawa nyo rin ba ‘to sa Ilocos? Yung pumupunta sa mga concerts?” Tanong ko. “Kasama ang barkada?… Isang be—“ Hindi ko sinasadyang ma-interrupt yung sasabihin pa nya pero… “Hindi. Kayo ni Amber.” Lalo syang natigilan. “Hindi.” Napatingin ako sa kanya. Parang may naalala sya. “Hindi naman sya mahilig sa mga ganun eh. Gaya nga ng sabi ko noon, marami kayong pagkakaiba. Nagseselos ka ba, Pangs?” Deretso nyang tanong. “Hindi. Curious lang ako. Hindi ka kasi pala-kwento nun tungkol sa kanya. Alam mo na, nung magka-ibigan pa lang tayo.” Saad ko. “Mag-kaibigan pa rin naman tayo ah. Pero nadagdagan yung label natin sa isa’t-isa. Tama ba?” Well, may point nga sya. Tumango ko. “Ang totoo nyan, may closure talaga sa’min.” Panimula nya. Nakatingin sya sa malayo. “Hah? What do you mean?” Naguguluhang tanong ko. “Break na kami bago sya mawala.” Sagot nya. Naguguluhan pa rin  talaga ako. “That can’t be. Diba, kababati nyo lang bago yung aksidente?” Tanong ko. “Kinwento nila sa’yo?” Tanong nya rin. Tumango ako. “So, sa tingin ko, nabanggit na nilang na-coma si Amber pero nagising sya after a few days.” Saad nya. “Oo, nabanggit nga nila. “Nandun ako Pangs. Andun ako nung araw na magising sya. Ang naaalala ko, sobrang saya ko nung araw na yun. Nabuhayan ako ng loob. Umiyak ako sa tuwa.  Pero umiyak din ako dahil sa lungkot. Kasi that day, tinapos nya lahat ng tungkol sa amin. Matagal na daw nyang pinag-isipan yung desisyong yun. Dahil iiwanan din daw nya ako. Hindi ko pa sya maintindihan nun kasi gising naman na sya. Buhay. Naniwala ako na hindi na sya mawawala. Pero after that day, iniwan nya kaming lahat. Yun ang panahon na hindi kami handa. Nalaman ko lang kay Krystal na mag-aaral sya dapat sa ibang bansa ng Culinary. Magaling silang pareho magluto. Gusto sana ni Krystal, pero mas pinili nyang wag iwanan ang barkada. Habang sya, gusto nyang i-pursue yung dream nya. Hindi nila alam na nakipaghiwalay sya sa’kin dahil dun. Ang sakit, kasi sana lumayo na lang sya, hindi yung tuluyan syang nawala. Andami nya kasing iniwanan. Pamilya nya, ang barkada, ako… at ang mga pangarap nya. Kaya masasabi ko talagang nakakagalit noon na ganun ang naging kapalaran nya.” Nag-form into a fist yung kamay nya. Pinat ko sya sa balikat. Naiinis sya bilang kaibigan. Siguro kung kilala ko na sila noon, maiinis din ako. “Kaya ba sa ibang bansa nag-aaral si Krystal?” Tanong ko. “Oo. Katulad natin, nagbakasyon din lang sya noon. She wants to continue her sister’s dream… yung pangarap nilang dalawa.” Tell you what? Hindi ko in-expect ‘to. “Salamat.” Saad ko. “Para saan?” Tanong nya. May mga bagay kasi na pinipili nating ibaon sa limot. “Sa pagsabi sa’kin kahit na alam kong pwede namang hindi.” Tapat na sagot ko. Minsan hinahayaan na lang iyong makalimutan kahit ikaw na lang yung nakakaalam. Tumango sya. “Okay ka na ba?” Tanong ko. He pinched my nose. “Baliw! Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan.” Saad nya. I chuckled. “Oh, eto… pwede mong sunugin, pwede mo ring itago. Which is which?” Abot ko sa kanya nung isang pic na binigay ni Vic. Tinitigan nya yun. “Nababaliw ka ba? Oo ata talaga. Syempre susunugin ko ‘to.” Ngiting-ngiti nyang sabi. Binatukan ko nga. “Ikaw ata ang baliw eh! Itatago dapat sagot dun, Alvaro. Itatago dapat.” Nanggigigil na sabi ko. “Oo na. Joke lang. Joke lang, Tuazon.” Saad nya. “Itatago ko syempre.” Tinitigan nya yun, sabay hinalikan. “Mahal ko ‘to eh.” Nakangiting sabi nya. “Eew Pangs! Nilawayan mo! May germs na yan.” Arte ko. “Eww eww ka dyan. Sama nito. Tsaka binigay mo naman sa’kin kaya free akong gawin ang kahit ano dito. Masunog nga minsan.” Banta nya. Napatayo ako. “Subukan mo lang at ma—“ natigilan ako kasi bigla nyang hinalikan yung noo ko. “Magaga kaya yun ni Kyle? Eh patay na patay yun sa’kin? Itanong mo yan sa sarili mo.” Nakangisi nyang sabi. Tameme pa rin ako sa ginagawa ng lokong ‘to. “Pahinga ka na, Pangs, at mukhang inaantok ka na.” She kissed my forehead again. Nganga pa rin ako. “Sige, silence means yes na lang. Good night.” Pinaandar nya na yung motor nya at humarurot palayo. “Nakakainis ka Kyle!” Sigaw ko. Tanaw ko pa rin sya. Buti naman at nakabalik na ako sa tama kong pag-iisip. Ramdam kong nakangisi yung lokong yun. “Sino ba yan?! Magpatulog ka naman!!!” Err! Nasita pa tuloy ako ng kapitbahay. I shrugged. Kenekeleg ako eh! Melende ke Elene… Melende.

Pumasok ako sa loob ng bahay na abot hanggang langit ang ngiti. (Kung aabot ba talaga sa langit…Haha)


Sigurado akong hindi yun nakatulog ng maayos nung araw na yun, na hanggang ngayon may hangover pa rin sya. Hindi sinasagot yung tawag ko eh. Si Gail na lang tatawagan ko. I dialed her number. Sinagot nya naman agad. “Hello? Kuya Kyle?” Sagot nya. “Gail, si Ellie? Hindi nya kasi sinasagot tawag ko eh.” Saad ko. “Baka naliligo Kuya. May check up kasi sya ngayon eh. Urgent ba?” Tanong nya. “Oo nga pala.” Alala ko sa check-up nya. “Di bale na lang. Susunduin ko sana sya. Umuwi kasi yung Tito ko, eh gusto syang ma-meet. Pero, next time na lang. Pakisabi na lang na di ako makakasama sa check-up nya, Gail.” Paliwanag ko. “Oo Kuya. Sasabihin ko.” Saad nya. “Sige.” Binaba ko na yung phone ko at tinext sya. Mababasa naman siguro nya.

“Kyle, dumating na ang Tito mo.” Tawag ni Mama sa labas ng kwarto ko. “Sige Ma. Lalabas na po ako.” Sagot ko. Nagpalit muna ako ng damit at saka hinarap si Tito Dylan.

“Abah! Kyle! Anlaki mo na ah! Poging-pogi na rin.” Bungad sa’kin ni Tito na nakaupo sa couch. “Tito!” Nag-high five kami. Ganyan kami ka-close. “Inlove ata ah.” Last time na umuwi sya eh break kami ni Pangs. “Halata po ba?” Biro ko. “Sobra.” Saad nya. Tumawa kami. Doon ko lang napansin yung lalaking kasama nya. Mukhang ka-edad nya lang rin. “Oo nga pala, this is Dan. Kaibigan namin ng Papa mo. Actually, investor ako sa Firm nya. Dan, si Kyle, pamangkin ko.” Pakilala nya. “Nice meeting you, sir.” Bati ko. “The pleasure is mine. Pero Tito na lang din. Ang formal mo masyado, Kyle.” Saad nya. “Ah, sige po.” Ngumiti ako. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko kasi, napaka-respetado nyang tao. “Osha, kumain na rin tayo at dun magkwentuhan.” Singit ni Mama. “Mabuti pa nga.” Sang-ayon ni Papa.

“So, Kyle, hindi ba makakarating ang girlfriend mo?” Tanong ni Tito Dylan. “Hindi po eh. May importanteng lakad po kasi sya.” Sagot ko. “I see. Next time na lang siguro.” Ngumiti sya. “Gusto ko lang makilala ang dalaga na kinababaliwan mo.” Biro nya. “Baliw kung baliw Tito. Hindi ko sya susukuan kahit pa kamatayan ang kalabanin ko.” Malalim na sagot ko. Natigilan si Mama. Ako rin. Saka ko lang na-realize na may ibang meaning yung sinabi ko. Nakikipaglaban nga pala talaga ako kay Kamatayan. “May problema ba?” Nagtatakang tanong ni Tito sa katahimikan. “Wala po.” Sagot ko.

Natapos ang lunch na isang text lang ang natanggap ko kay Pangs. Sana okay lang sya. Mali pala! Sana maging okay na sya talaga.

“Malalim ata iniisip mo ah?” Bungad sa’kin ni Tito Dan. “Ah hindi naman po gaano.” Sagot ko. “May I?” Tanong nya kung pwede syang tumabi sa’kin. Nakaupo ako sa three-steps na hagdanan sa harap ng bahay namin. “Opo.” Tipid na sagot ko. “Nabanggit ng Papa mo, Architecture daw kinuha mo?” Tanong nya. “Opo. Gusto ko pong maging katulad ni Tito Dylan eh.” Tapat na sagot ko. “So, I supposed na idolo mo si Dylan.” Tumango ako. “I can sense na magaling kang bata. If you strive hard, I can assure you na pwede mong makuha yang pangarap mo, or even surpass it.” Saad nya. “Hindi ko alam kung bakit kita binibigyan ng unsolicited advice, pero pakiramdam ko, may mabigat kang problema. Graduating ka daw. Tungkol ba dun?” Tanong nya. “Hindi naman po. Okay naman po sa school.” Sagot ko. “I see. I am sure na kakayanin mo yan. And kung payag ka, I want to hire you in my firm, after you graduate.” Saad nya. Nagulat ako sa ino-offer nya. “Sigurado po kayo? Sa ibang bansa po?” Paniniguro ko. Wow! Kung nagkataon, napaka-laking opportunity yun! “Yes.” Bigla akong napaisip. “Pero hindi lang pansarili yung pangarap ko eh. Kasali po kasi si Pangs dun. Malaki ang parte nya dun.” Nakatingin ako sa malayo at iniisip yung pangarap na kasama sya. “You mean, your girlfriend?” Tanong nya. “Opo. Minsan ko po syang niloko at pinakawalan. Ayoko na pong pagsisihan ulit ang iwanan sya.” Saad ko. “Against all odds, dadamayan ko sya, pangarap o problema man.” Sinandal ko yung baba ko sa tuhod ko. “Then my offer have no say to that. You really love her so much then.” Tumango ako. “Well, sana maging matatag ka, Kyle. Tama ang sinabi mong hindi mo sya iiwan. Your girl is a lucky girl. Ibang-iba ka sa isang kakilala ko.” Pinat nya yung balikat ko. “Maiwan na kita dito, hijo.” Tumayo na sya. “Sige po.” Tumalikod na sya. “Tito Dan…” Saad ko. Lumingon sya. “Salamat po sa advice.” Ngumiti sya at naglakad papasok ng bahay.


“Remember, hija. Hindi biro ang sakit mo. Kelangan mong tulungan ang sarili mo at hindi na lang basta aasa sa isang milagro. It’s true that I mentioned that your body is trying to fight, pero kelangan mo ring tulungan ang sarili mo. I cannot guarantee na kakayanin ng katawan mo ng matagal. Medicines aren’t enough. You need chemotherapy. Kung may desire ka pang mabuhay, you have to reconsider it.” Naluluha akong naglakad palabas ng ospital habang inaalala isa-isa yung sinabi ng doctor. Hindi ko pa rin kaya! Paano ba? I can’t push myself into considering that option. Natatakot ako.

“Anak…” Pinatong ni Mommy ang kamay nya sa balikat ko. Lalo akong naiyak. “Mommy, paano? Natatakot pa rin ako.” I let out that pain that I am trying to keep inside of me. “Kelangan mong magtiwala, Ellina… na hindi ka basta-basta mabibigo. Andito kami… magtitiwala rin kami sa’yo. You have to lend some trust. Maniwala kang tutulungan ka Nya.” Saad nya. Umiling-iling ako. “Hindi ko na alam. Hindi na…” I mumbled while I cried. Down na down na ako. Nakakalungkot isipin.

Naalala ko yung pag-uwi ni Mommy para lang asikasuhin ako. Yung pagtakbo sa’kin ni Gail sa ospital at pag-aalala nila kapag inaatake ako ng sakit ko. Inalala ko yung times na pinag-aalala ko si Kyle, yung itsura nya nung araw na bumalik sya sa ospital… inalala ko yung litrato na hawak-hawak nya yung kamay ko… yung pagsabi nya sa harap ni Amber na masaya sya at nakilala nya ako… at yung galit na inabot nya sa mga tao para lang makaalis ako dun kahit pinahiya na sya. Kitang-kita ko kung gaano sya ka-eager na ilayo ako run. Hindi nya pinansin yung sinasabi ng iba. Hindi nila iniinda yung sakit o pagod habang inaalala ang kalagayan ko. Sila… yung malaking dahilan kung bakit desire ko ang mabuhay. Pero ang laki ng rason ko kung bakit ayaw kong lumaban. Sa sobrang laki nun, hindi ko na alam kung paano pa. Sino ba? Ano ba ang hinihintay ko?

Biglang nag-ring yung phone ni Mommy. Binasa nya yung message. “Tara na anak. You need to rest.” Tumango ako.


CHAPPIE 9: Minsan Ako Si Pacquiao



            Dito natulog si Tito Dylan at Tito Dan. Nag-inuman nga silang tatlo kagabi eh. May hangover pa ata. Wala ba silang pasok? Pwes ako, meron! Buti sila, boss na sila ng kani-kanilang trabaho… ako, papunta palang dun.

Naabutan ko si Papa sa kitchen table na umiinom ng kape. “Oh, Kyle, papasok ka na?” Tumango ako. “Sila Tito, Pa?” Tanong ko. Medyo ngumisi sya. “Ayun, malalim ang tulog sa sala. Hindi ko ginising yung dalawa kagabi, sarap ng tulog eh.” Natatawa nyang kwento. Hindi nga pala heavy drinker si Papa. “Andali pa lang malasing ni Tito Dan.” Komento ko. “Naparami ang nilagok kagabi eh. Tumba tuloy.” Saad nya. “Sige po. Papasok na po ako.” Paalam ko. “Sige.”

Nadaanan ko yung sala, at nandun pa rin sila Tito. Naalala kong kunin yung gitara ko. Ginamit kasi nila kagabi. Bubuhatin ko na sana ng may napansin akong litrato sa sahig. Pinulot ko iyon. Sigurado akong si Tito ang nag-iisang lalaki sa picture. Medyo bata pa sya sa litrato. Malapad ang ngiti nya katulad na rin ng mga kasama nya. Tiningan kong mabuti yung litrato. Imposible! Hindi pwede!

Lumabas ako ng bahay dala-dala yun. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat maramdaman. Hindi ako makapaniwalang kaya nya yung gawin. Pero ginawa nya pa rin eh. Hindi ko alam kung paano haharapin si Pangs. Ayoko. Ayoko munang pumasok.


            Hindi ko alam kung bakit pero hindi sinasagot ni Pangs ang cellphone nya. Kanina ko pa sya kino-contact. Hindi sya pumasok sa first period. Baka hindi na sya pumasok buong araw. Nag-aalala na ako sa kanya. Ano kayang nangyari dun? Hindi naman yun pala-absent unless kung may sakit o lakad sya. Wala naman syang nabanggit kagabi eh. “Ano? Wala ba syang reply?” Tanong ni Aye. “Wala eh.” Nasa lagoon kami, tumatambay. “Naka-off ba yung phone?” Tanong ni GD. “Hindi naman. Nagri-ring pero walang sumasagot.” Sagot ko. “Gago si Kyle ah. Sinilent nya kaya? Baka naman nambabae na.” Saad nya. Binatukan sya ni Aye. “Ikaw Oppa ah. Imbes na makatulong ka, naninira ka pa. Kaibigan mo yun tapos ganyan ka.” Saad nya. “Biro lang. Tense kayo masyado eh.” Depensa nya. “Hindi. Hindi nya yun gagawin. He promised. Hindi nya na yun gagawin.” Umuling-iling ako. Napaupo ako sa upuan. Sa sobrang pag-aalala ko, nawalan na ako ng lakas. “Ellina, okay ka lang? Pinag-aalala mo na rin ako.” Saad ni Aye. “Oo. Okay lang ako.” Sagot ko. Nakatingin ako sa cellphone ko at umaaasang tutunog yun at si Kyle ang tumatawag o nagtext. Napatingin si Aye sa relo nya. “Class period nyo na Oppa ah.” Saad nya. “Eh, paano kayo?” Tanong nya. “Go na…di ka rin naman nakakatulong eh.” Biro ni Aye. “Sama mo, Noona.” Ngumiti naman si Aye. “Joke lang. Pero swear, go na. Okay lang kami. Text na lang kita mamaya.” GD shrugged. “Okay. Pero balitaan mo ko kung nagpakita na si Kyle ah?” Saad nya. “Yosh!” Nag thumbs-up si Aye. “Bye.” Ki-niss ni GD yung forehead ni Aye. “Oo na. Gorrah na.” Bugaw ni Aye kay GD. Langaw lang, Aye? Naalala ko nanaman itong problema ko. Pangs, asan ka na ba? Iniinggit na ako nitong dalawa oh. Magparamdam ka na, please. Isang oras din kaming naghintay. Hindi na rin ako pumasok. Wala na ring pasok si Aye kaya sinamahan nya ako.

“Alam mo Ellina, baka gusto na muna nyang mapag-isa. Makapag-isip bah. Baka may mabigat lang syang iniisip at kelangan nya ng open space—“ Saad ni Aye. “Anong open space Noona? Parking lot?” Putol ni GD.  “I mean, SPACE! Yun. Maybe, ise-share nya rin yan after sometime. Just give him the time. Tsaka, big boy na si Kyle. Don’t worry na.” Tumango ako. “Salamat sa pagsama sa’kin dito ah.” Saad ko. “No need to fuss. Friends, right?… Osha, ka ja,  hatid ka na namin.” Alok ni Aye. Tumango ako. (Ka ja- Let’s go.)


Hindi ko alam kung masasabi ko pang matino pa ang pag-iisip ko, pero nakauwi naman ako ng maayos sa bahay. Nahihilo lang ako. Hindi naman akong palainom, pero hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin para matanggap ‘tong natuklasan ko eh. Ang sakit kasing isipin. Nasasaktan ako para sa kanya. Nagagalit ako para sa kanya. Naabutan ko silang tatlo sa harap ng bahay at masayang nag-uusap-usap. Napansin nila ang presensya ko.

“Kyle? Lasing ka ba, anak?” Nilapitan ako ni Papa. Pinatong nya yung kamay nya sa balikat ko. “Nakainom lang pa.” Sagot ko. “Ano bang nangyayari sa’yo, hijo?” Hindi ka naman umiinom ah?” Nagtatakang tanong ni Papa. “Oo nga, Kyle. May problema ka ba?” Tanong ni Tito Dylan. “Ang sakit po kasi Tito eh. Dito…” Tinuro ko yung parte na katapat ng puso ko. Lasing nga siguro talaga ako. “Mahal ko kasi si Pangs eh. Mahal na mahal.” Dagdag ko. “Nakipag-break ba sya sa’yo anak?” Tanong ni Papa. Umiling ako. “Hindi Pa. Hindi yun mangyayari. Hindi ko sya hihiwalayan… hindi ko sya iiwan gaya ng ibang tao diyan.” I shouted. Natuon ang atensyon ko kay Tito Dan. “Anong pinagsasabi mo, Kyle? Naku! Lasing ka anak. Pumasok ka na sa loob.” Saad ni Papa. “Bakit? Paano mo yun nagawa? Bakit mo yun nagawa sa kanila!?” Tanong ko. “Ano bang pinagsasabi mo Kyle?” Tanong ni Tito Dan. “Don’t play innocent cause you’re not! Nasasaktan ako para sa kanya, kasi wala ka sa tabi nya nung pinaka kelangan ka nya… ngayong kailangan ka nya. Mahal na mahal ko si Pangs… pero hindi ko magawang tanggalin yun sakit na nararamdaman nya… wala akong kapangyarihan para tulungan sya. Ang sakit isipin na wala akong kwenta. Naghihirap sila, habang ikaw nagpapayaman! Ang sama mo!” Then I punched him. “Oh my! Kyle! What have you done? Ba’t mo sinuntok ang Tito Dan mo?” Gulat na reaksyon ni Mama. “Are you out of your mind? Kyle! Ano ba?” Galit na si Papa. “He deserves it! Kulang pa yan eh kapalit ng pag-iwan nya kila Ellina.” Mama gasped. “Ano?” Naguguluhang tanong ni Papa. “Bakit mo kilala si Ellina?” Tanong ni Tito Dan. “Dang! She is my beloved girlfriend! Of course kilalang-kilala ko sya!” Medyo nawala yung composure nya dun. “Alam mo ang mas malala dun Tito?… She’s dying! Pwede syang mamatay because of some damning Gastric cancer, at wala ka para tulungan syang lumaban! Shit!”

Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko. I punched the wall. Masakit, syempre. Pero walang-wala ‘to sa natuklasan ko eh. Walang-wala. “Oh my Kyle! You’re hand is bleeding! Teka kukuha akong ng kit.” Saad ni Mama. Naramdaman ko yung total silence- a deafening silence. Napahiga ako sa kama ko. Pinatong ko yung nagdudugong kamay ko sa noo at nagsimulang tumulo ang mga luhang pinigilan ko kanina.

CHAPPIE 10: My Little Big Sister


Hindi ko na alam kung aabot pa ba ako sa graduation. Nakahiga nanaman ako sa kama ko, habang binabantayan ako ni Gail. Hindi pa rin nagpaparamdam si Kyle sa’kin. Hindi ko alam kung anon a ang nagyari dun, pero kelangan ko munang tigilan ang pag-iisip sa maraming bahay. May tiwala ako sa kanya. He promised, and I gave my trust in him. Hindi ko man alam kung bakit hindi sya nagpapakita, alam kong may mabigat syang rason. He loves me, and I believe in that.

Nilingon ko yung dextrose na nakasabit sa metal na stand. Ayaw na ayaw ko sa mga ganto. Nakakainis! Nakita ko si Gail na nakatulog sa sofa. Tumayo ako at kinumutan sya.

Honestly, I envy her. Naiinggit ako sa kanya sa maraming bagay. First of all, she can look up at things positively. Kahit parang napaka-imposible na, maniniwala pa rin syang magagawan yun ng paraan. Masayahin sya… masigla… palangiti… girly manamit. May tiwala sya sa sarili nya. An addition to that eh matangkad sya, habang ako na ate nya, medyo pandakin. I don’t hate her. I just wish na sana pwede ring maging optimistic ko. Sana pwede ring maniwala ako na may hope pang gumaling ako. kasi kahit anong gawin kong pagpilit sa sarili ko… ayaw pa rin. Kelangan ko bang inuntog ang sarili ko sa pader para magising ako? Pero baka mas lalo naman akong mamatay dun ng maaga. Argh! Nakakainis talaga!

Si Gail… andami nyang ginawang sacrifices para sa’kin. Napabuti nyang kapatid. Binubully nya ako minsan. Oo. Pero sa kabila nun, alam kong may malasakit sya sa’kin. Kasama ko syang lumaki, kaya alam ko rin yung mga bagay na nakasakit na sa kanya at mga bagay na pinagdaan nya bilang bata. Kaya masasabi kong, matatag syang bata. Este! Dalaga na pala ang kapatid ko. I sighed. Ang bilis ng panahon. Parang kelan lang nung iyakin pa sya at pilit hinahanap si Daddy at Mommy. Ngayon, ako na ang pinapatahan at inaalagaan nya.

God, if I am really going to leave them, You won’t forget to look after them, right? Sabi ni Mommy, kelangan kong magtiwala sa Iyo. And I will. Just please, kung matatalo man talaga ako, ‘wag Mo silang pabayaan. Salamat Po.

Next chapters, coming up!!! 🙂

Posted in Uncategorized

Happy Ending? Joke Ka Ba? 2 (Chappies 1-5)

CHAPPIE 1: When I was able to say it again


Nung bata ako, hindi ako gaanong naalagaan ni Mommy. Wala siya sa gabi dahil may duty siya. Kaya si daddy yung kasa-kasama ko. Strict si Daddy, pero inintindi ko yun noon kasi naisip ko na siya lang yung handang umasikaso sa’kin kahit busy siya. Minsanan lang kaming magkita ni Mommy. Salisihan yung schedule namin eh. May pasok ako sa umaga kung kelan off-duty siya. Weekends lang kami kung magkita sa harap ng hapag-kainan. At sa weekends nay un, wala siyang ginawa para bumawi. Masaya naman tuwing magkakasama kami, pero alam mo yung feeling na malayo pa rin siya sa’yo kahit ilang centimetro lang ang agwat niyo? Ganun yung pakiramdam nun. Tuwing titingin ako sa kanya, parang hindi ko siya kilala. Parang isa sya sa mga teacher ko sa school.

Oo. Tama. Bata pa lang ako, malayo na ang loob ko kay Mommy. Bata pa lang ako, nagkaroon na ako ng hinanakit sa kanya. Kay daddy ako umasa. Na siya hindi ako pababayaan. Siya, hindi ako iiwanan. Na aalagaan niya ako. mas lalong nakalimutan ako ni Mommy, nung dumating si Gail. Pero masaya na rin ako dahil alam kong nandyan naman si Daddy. But then, he left. Dapat pala hindi ka laging umasa sa iba. You don’t have to rely on them forever. Umalis yung taong pinakainaasahan kong hindi aalis. Sinisi ko yun kay Mommy. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko noon na si mommy ang dahilan kung bakit iniwan ako ng taong kasa-kasama ko sa paglaki. Sa kanya ako nagalit nung una, imbes na kay daddy. Hindi ako aware na hanggang ngayon pala, dala-dala ko yung grudge nay un. Nasasaktan ko nap ala yung taong hindi ako binitawan. Gaya na rin ngayon. Sinaktan ko nanaman yung taong bumalik para sa’kin.  Ang sama ko. Ang sama-sama ko.

Nagsusulat ako habang umiiyak nang pumasok si Gail. Napalingon ako sa kanya. “Ate.” Niyakap nya ako. Mas lalo akong napa-iyak. “Tahan na ate.” Nakiki-iyak na rin si Gail. “Tama ka nga. Sana sinabi ko na lang sa kanya nun. Ang selfish ko kasi. Ang tanga ko Gail!” Hindi siya nagsasalita, pero alam kong nakikinig siya.

“Iniwan nya na ako. Ang tanga ko. Wala na, Gail.” Ganito pala yung feeling na ayawan ka. Sa mga Anime series na pinapanood ko, parang madali lang. Knowing that they’ll find someone, sasaya rin sila sa huli. In my part, di ko alam. Will I find someone, too? Parang ang labo na. Mamamatay na ako eh.

Naka-upo ako sa isang bench malapit sa isang pond. Maraming puno at mga bulaklak. Hapon na. Bakit nga ba ako nandito?… May naririnig akong nags-strum ng gitara. Familiar yung kantang tinutugtog nya. Intro pa lang Maalaala Mo Sana ng Silent Sanctuary-acoustic version. Sino ba yun?


Maalaala mo sana ako kahit noon pa man

Sa’yo lang nakalaan ang pag-ibig ko

Bawat sandal na ikaw ay kasama

Para bang di na tayo muli magkikita

Kaya ngayon aaminin na sa’yo na mahal na mahal kita.

Takte! Umiiyak nap ala ako. Hinanap ko yung kumakanta. Asan ba siya?

May nakita akong tao, nakatalikod at may hawak na gitara. Sya yung kumakanta. “Pangs!” Hinawakan ko yung kanang balikat nya. Bigla na lang syang naglaho. Hindi ko manlang nakita yung mukha niya. Napaupo ako sa damuhan. “Kyle! Nasan ka na? Pangs?”

Bigla akong nagising. Basa nap ala yung mukha ko ng luha. Nananaginip lang pala ako. Pero, bakit parang may nags-strum pa rin? Kadugtong ba ‘to ng panaginip ko? Pinapamukha ba sa’kin na iniwan ako?

Minulat ko yung mga mata ko. Wala ng tumutugtog. Napalingon ako sa kaliwa. “Hi.” Nakangiti sya sa’kin at may hawak syang gitara. “P-panong?” I said stammering. “Antagal mo na mang magising.” Napahawak sya sa batok nya. “Bakit ka nandito?” Tanong ko. “Bakit? Masama ba?… umuwi lang ako para kumuha ng gamit. I’ll accompany you here. Bukas darating ang mommy at lola mo. Umuwi nap ala si Gail.” Pwede bang umiyak ulit? Panaginip ‘to, right?

Sinundot ko sya sa pisngi. “What are you doing?” Saka ko sinapok. “Shit! Para san naman yun? Ang sakit!” He whined. Niyakap ko sya. “Totoo ka nga. Tama.” Umiiyak na naman ako. “Totoo ka nga talaga.” I repeated. “Takte Pangs! Anong akala mo sa’kin? Fiction?” Umiling ako. hinarap ko sya sa’kin. “Akala ko panaginip lang ‘to. Akala ko iniwan mo na ako. Sorry. I’m really sorry.” I hugged him again. “I love you, too.” Ano daw? I broke the hug. “Ano?” tanong ko. “Sabi ko, I love you, too.” Ulit nya. Hindi naman ako nag I love you ah.” I gave him a confused look. “Oo kaya. Dalawang beses pa.” Binatukan ko siya. “Anong tinira mo?” Napatawa siya. “Katol… haha! Pero seryoso, para sa’kin I love you ang sorry mo. Minsan mo lang kasi sabihin, kaya kinikilig ako.” Nag-act pa syang kinikilig talaga. “You said that there are 3 types of SORRY. Well, mind you, may pang-apat ako. I love you.”

I stared right into his eyes. Masaya ba sya? “Hoy! Tigilan mo yang pag–.” Before he could even finish his sentence, I kissed him on the lips. He was obviously shocked. Para syang na-rape sa reaction nya. “B-ba’t mo naman ginawa yun?” He asked while stammering. I gave him a slight smile. Natatawa rin ako. “Break na tayo?… Eeh! Pangs naman!” He protested. I took  deep breath. Okay!

“Hindi ko sinasabing break na tayo. Nasa sa’yo na ngayon yan. I did that because I want to give you the freedom to choose Pangs. Gusto kong mag-decide ka if you’re willing to stay than stay away. Di naman kita pinipilit. Just choose.” Umiling sya. “Ba—“ I cut him off. “Let me finish first, Kyle. Don’t disregard yourself or your feelings. Kung kakayanin mo ba? Kasi kung ako?… Okay lang naman eh. Pero… ikaw? Masyado na kitang sinasaktan. So, please choose. I don’t want to share with you this mortal hell that I’m currently suffering from. I am not forcing you Pangs. Whatever decision that you’ll make, I’ll whole-heartedly accept it- no hard feelings. Anyways, I was the one who dragged you into this, and I’m sorry for the pain. So have you decided?” Tinitigan nya lang ako. Wari’y nagtatanong kung anong pinagsasabi ko. Sinapok nya ako, pero mahina lang.

“Stupid! Why would you even ask me to choose if I’ve already chosen?” he caressed me by combing my hair with his hand. “If you don’t want me to feel this mortal hell with you, stop it. Because I want to share it with you. Kasi nga, if loving you is really deadly, then hell must be an effin’ part of it. Yeah, you dragged me into this situation-pain and all- pero ano namang magagawa ko? Mahal kita eh. Stop being such a drama queen. Eto na nga ako oh. Kita mo, napapa-english na ako, Para na akong emo.” I chuckled.

“So does that mean that you are staying…?” I asked. “Hindi ko alam na nagiging slow ka kapag nagda-drama Pangs.” Binatukan ko nga. “Kita mo ‘to, pasyenteng agresibo! Tss.” I hugged him. “Thank you.”  I am so happy Kyle. Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinapasaya.

“Don’t be thankful, kasi yun yung role ko.” He assured me that. “No… I still thank you Pangs for staying, for loving me, for everything.” I cried. “Huwag ka ng umiyak Pangs. Pumapangit ka eh.” He brushed his hands on my hair. “Bully.” Hinampas ko sya ng mahina. “But I’ll still love you, even if you’re ugly.”

“Hoo! Ang keso mo Pangs.” Pang-aasar ko. “Ganun ako eh. I love you.” He uttered. “I’m sorry, too.” I chuckled. Ang korny kasi eh. He smiled. Man! That smile made my day.

“Okay ka na ba Ellina? Oh gosh! Bakit kasi di mo sinabi sa’min before? You’re mean!” Nakatayo ngayon si Aye sa side ko, nasa tabi lang nya si GD. “Ano ka ba Nuna. Ini-stress mo si Ellina eh.” Pang-aawat ni GD sa kanya.  I chuckled. “Okay naman na ako. Lalabas na ako ng ospital bukas. No worries.” I assured her. “Salamat nga pala sa pag-visit.” Saad ko. “Ano ka ba naman. We are friends, kaya dapat lang noh. Asan nap ala si Kyle?” She asked. “Umuwi muna sya. Pero babalik rin sya mamaya.” Napatango na lang sya. “I met your mom outside. She’s really pretty. Parang ikaw.” She teased. “Naku Aye! Tibo ka na ba? Parang type mo ko ah.” Pang-aasar ko. “Eew! Kadiri ka Ellina.” Natawa ako. “To naman din a mabiro. Tingnan mo si GD, natatawa sa reaksyon mo.” Nilingon nya si GD. Nagpipigil ng tawa. “Oppa!” Saway nya. “Sorry. Ang cute mo lang kasi.” Naku! Keso rin pala ‘to! “Aye! Blush pa.” Pang-aasar ko ulit sa kanya. “Ellina naman.” Pinagkaka-isahan na naming sya. “Shut it! Nakakahiya.” Reklamo nya sabay hawak sa magkabilang pisngi nya. “Okay, okay. Awat na.”

Lumabas ng kwarto si GD nung biglang tumawag yung dad nya. Naiwan kami dun ni Aye at nagkwentuhan. Same topics. Girl stuffs. Pero biglang napunta yung usapan naming sa mas personal na bagay. Family. Nabanggit ko kasi sa kanya yung about kay daddy.

“I guess pareho tayo. Iniwanan na tayo ng mga tatay natin. The only difference is, patay na yung akin.” Napahawak ako sa kamay ni Aye and squeezed it. “It’s okay. Matagal na rin eh. It’s good nga na may stepfather na ako. My mother was really lonely before eh. If only I was able to help them that day. Hindi sana nawala si Papa. Bata pa kasi ako nung time na masaksak siya. I wish I could turn back time.” She wiped her tears. Napabuntong-hininga sya. “Eh, ikaw Ellina? Anong gusto mong baguhin sa past?” Tanong nya. Napa-isip ako sa tanong nya. Change the past?

“Sabi nila imposible daw yun. Hindi mo raw mababago ang nangyari na. Pero kung may babalikan? Meron. Meron akong gustong ulitin. Gusto kong bumalik sa time na kumpleto kaming apat at masayang kumakain. Gusto kong ma-feel ulit yung pakiramdam na magkaroon ng ganung family. Gusto kong balikan at makita kung gaano ako kasaya nun. Yun na lang.” After all these years, affected pa rin ako sa naging fate ng family ko.

“Alam kong hindi ko magagawan ng way yang wish mo, but I do hope na sana maniwala ka parin that in the near future, mae-expereince mo ulit yun with your own family. Kaya you need to fight, Ellina.” She told me sincerely. I just smiled. Biglang bumukas yung pinto at pumasok si GD. “Sorry to interrupt you girls, pero kelangan na ata naming umuwi, Ellina. May emergency lang sa bahay.” I nodded. Kinuha na ni Aye yung bag nya. Tumayo na sya. “Sige Ellina. Kita tayo sa school. Pagaling ka.” She squeezed my hand. Ngumiti na lang ako. Lumabas na sika ng kwarto. Napatitig ako sa kisame. Nilingon ko yung notebook at ballpen sa side table. Kinuha ko iyon.

Friends are family.




Hapon na nung makabalik si Kyle. Nagdala nga sya ng food eh. Spaghetti! My favorite. Sinabi ko sa kanya yung situation naming about kay daddy. Unfaor naman kung sinabi k okay Aye tapos hindi sa kanya. Okay. Now, I know. I am taking the risks.Oh! Hindi pala. I took the risks long time ago… simula nung hinayaan ko ang sarili kong mahalin ni Kyle. I’ll stop getting scared of losing them.

Ki-nomfort nya ako. “Alam mo ba? Galit nag alit ako sa tatay ko. He chose a mistress over us- his real family. Ni hindi nya kami pinigilan that time na umalis kami sa bahay nya. I hope he’s happy. Kasi kung hindi, masasapak ko sya.” Nang-gagalaiti kong sabi. “Mananakit ka pa ng tao? Magpagaling ka na lang, Pangs. Okay, eat this.” Sinubuan nya ako. “Walang kwenta ang pag-alis naming kung di rin naman sya masaya sa kabit nya. Ang unfair nya. Sya lang yung nakaramdam ng totoong saya. Hindi nya manlang inalam kung okay pa kami. Well, hindi nya rin alam ‘tong sakit ko. He’s rich yet he can’t afford to heal my sickness. Oo nga pala. Hindi nya kami mahal. He doesn’t give a damn to make me free from this mortal hell! I hate him!” Sabi ko habang ngumunguya. “Hey! Baka mabilaukan ka. Oh, tubig.” He offered a bottled water. I took it, saka uminom. “Unfair sya. Ang unfair-unfair nya Pangs.” I cried. He hugged me. “Shh. Tama na. Calm down Pangs.” He caressed me by crushing his hands on my hair. “After all this years, name-miss ko parin sya. Nami-miss ko pa rin ang magkaroon ng daddy. Sino nga ba naman ang hindi, dib a?” He nodded. “Oo, tama ka. Tama ka Pangs.”

Dahil sa kakaiyak ko, nakatulog ako. When I woke up hating gabi na. Nakatulog sa sofa si Kyle. Tumayo ako at kinumutan sya. Kayak o namang mag-lakad eh. May dextrose nga lang. After that, bumalik na ako sa bed

Di ko na maalala yung last time na naglabas ako ng sama ng loob sa tatay ko. Matagal na masyado kaya nakalimutan ko na rin kung kelan yun. Pero yung sakit at galit na dinulot nya? Meron pa rin. Parang bago lang.

Andami kong gustong sabihin sa kanya. Andama kong gustong isumbat, pero… makikinig kaya sya? Kung oo man, may pake pa rin ba sya sa sasabihin ko?

Yes. I know. Anlaki ng atraso nya sa’min. Pinabayaan nya kami ng ganun-ganun na lang. For almost 8 years, wala sya. Oo, galit ako. May hinanakit ako sa kanya. Pero ba’t mahal ko pa rin sya? Kahit ang sakit, bakit may pagmamahal pa rin ako sa taong yun? Ganito pala yun. Kung sino ang mas nakakasakit sa’yo ng sobra, sya yung mahal mo rin ng labis. Kaya ganun na lang kasakit kapag niloko ka nya at sinaktan. Stupid, eh? Yae! Ano ‘to? Parang joke ba? Half meant ang lahat? Pwedeng tama, pwedeng hindi. Inis! Ano ba ang tama? Naiinis ako! Naiinis ako sa daddy ko. My father is a full-dimwitted jerk! But I love him. Maybe, I’ll die na hindi nya manlang nalalaman.

Teka. Mamamatay ba ako kahit wala manlang akong nagagawang meaningful sa mundo? Di ba ang sama ‘pag ganun? Ang labas ng buhay ko, isang malaking JOKE. Matatawa ka na lang sa thought na… Wow! Tragic pala? Akala ko happy ending eh. Ano bay an? Mapapailing ka na lang sa nangyayari. Tss! Happy ending? Joke ka ba?… Ah, mali. Joke ba yan? Grabe! Naiiyak nanaman ako. Naiinis ako sa thought na yun eh.

Yung tipong halos lahat ng babae gusto ng katagang… AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER.Woosh! Kaso sa’kin walang “they lived”, walang “happily”, at walang “ever after”. AND lang. END.

Kainis diba? Naaasar ako sa pinagsasabi ko. May side effects talaga mga taong may cancer, nuh? Nagiging weirdo mag-isip at madaling maasar eh. Psh!

CHAPPIE 2: Ako? Makikipag-date sa Isang Manok?



Ako pa rin ‘to. Isang linggo na ang nakalipas since makalabas ako sa ospital. And guess what? Katatapos lang ng exams namin. Grabe! Muntik na akong mag-nosebleed! Literally. Panirang sakit! Minadali ko na nga lang ang pag-sagot eh. Hopefully makapasa pa rin.

Maayos na ako. Nakakatawa. Inaaway ko pa rin si Kyle at syempre nilalambing. Ang keso, noh? At nagsisinungaling ako kapag sinabi kong maayos na ako, kasi hindi naman talaga. I’m still a cancer patient. Sabi nung doctor I have a strong body, pero kelangan ko pa rin daw magpa-chemo para maagapan ang paglala nito. Dito kami nag-away ni Pangs.

“Pangs, magpagamot ka na. Magpa-chemo ka na please. Medecines aren’t enough! Lumaban ka na!” He pleaded. “ Pangs sinabi ko na sa’yo, right? Ayoko. Ayoko talaga.” Nasa hallway kami ng ospital at malapit ng magsigawa. “Bakit ba? Please. Tutulungan kitang lumaban. Pangs, please fight.” H eheld my hand. Binawi ko iyon. “No. Ayoko. Natatakot ako. I don’t want to dissappoint you- all of you.” I said nearly crying. Naglakad ako ng mabilis, habang naiwan sya roon.

Hindi ko ma-explain kung bakit eh. Even though people I love tell to fight, I can’t still pull that courage and start fighting.

Tama. Hindi kami ayos. Isang araw nya na akong di kinakausap. Tagal noh? OA ba ako? Miss ko na kasi yun eh. Mag-isa ako ngayon dito sa lagoon, nagi-strum ng gitara. Ka-jamming ko lang ang sarili ko. Ang saklap, di ba? Nagso-solo. May klase pa kasi yung nursing at HRM na mag-jowa eh. Tss. Wrong timing.

Tutal, emo ako ngayon, ito ang napili kong song. Maganda sya, actually. Narinig ko lang sa radio.

Ang simoy ng hangin, yan lamang ang tanging

Kayakap sa piling ng napiling iwanan ka

At waring ang buhay may taning di kayang sabihin madali ring bitawan ka

At ngayon, masaya ka na sa kanya

At sakin hindi ka na muling babalik, babalik, babalik pa

(Babalik- James Reid)


Muntik ko ng mabitawan yung gitara ko sa gulat. “Ano ba Kyle? Papatayin mo’ko eh!” Naiinis na sabi ko habang nakahawak sa dibdib. Paano ba naman, bigla syang susulpot at hahalik sa pisngi. Mukha tuloy syang manyak.

“Manyak?” Medyo naiinis na tanong nya. He heard me? Sa isip lang dapat yun eh. “Sige. Oh, heto pala, binilhan ka ng manyak na ‘to ng meryenda. Bye.” Huh? Tampo? “Hoy San ka naman pupunta?” Tanong ko. “Aalis. Kasi minamanyak ko ang sarili kong GIRLFRIEND!” He stressed. Akmang maglalakd na sya pero naabot ko yung tenga nya. “Aray! Pangs naman. Masakit!” Piningot ko eh. “Ikaw eh. Babaw.” Bwisit talaga ‘to minsan. “Bitaw na please. Aray.” Binitawan ko na sya. “Huwag ka ng mag-tampo. Ide-date ko ibang lalaki dyan. Sige ka.” Pananakot ko. “Anong pinagsasabi mo dyan? Wala naman silang mamamanyak sa’yo eh.” Laitin ba ako? Binatukan ko nga. “Ang sama mo! Lalaki. Yung matino-tino. Hindi Manyak! Tanga ‘to!” Insulto ko sa kanya. “Sige. Ikaw na magaling.” Nag-crossed arms sya. Parang bata. Nag-pout pa. “Sorry na. Oo na. Di ka na manyak…” Napa-smile sya. “I love you, too.” Saad nya. “…di nga lang pogi.” Pang-aasar ko. Binatukan nya ako. “Maghahanap ako ng chicks. Kala mo ah.” Napatawa ako. “Oh. Tumatawa ka? di ka man lang magseselos?” Tanong nya. “Sisiw lang yan. Maghahanap ka na nga lang ng malalandi mo, yung manok pa. Hayop ka talaga.” Pang-aasar ko. “Abah! Ellina, san mo yan nakukuha?” He asked. Behlat! Talo ka. “May utak kasi ako Kyle.” Sagot ko. “Utak-utak. Utak ipis ka mo.” Psh! Sarap batukan ‘to! “Anong utak ipis ka dyan? Ikaw nga ‘tong balak pumatol sa manok eh.” Ano ka ngayon? Bleh. Well, this is life. “Anong manok? Sisiw!” Depensa nya. “Inamin mo rin. Pumapatol ka sa sisiw! Geez Kyle!” I rolled my eyes. “Eh tama na nga! Talon a ako, okay? Kaya parusa ko ang maka-date ang isan katulad mo!” Turo nya sa’kin. “Hoy loko! Anong date ka dyan? At excuse me ho ano? ‘Tong sinasabi mong isang tulad mo eh girlfriend mo, aning! JOWA! PANGGA! Pumaparaan ka lang eh.” Asar kong sabi. “Bistado na?” Maloko nyang tanong. “Eh kaya nga. So I have the right to date you. So bukas will be D-day! Te-text ko nag instructions.” Dagdag nya na parang planado nya na ‘to. Alam ko yung parang simula sa halik sa pisngi eh scripted na? Ganun yung feeling ko. “Anong instructions? Pinagsasabi mo?” Tanong ko. Scripted pero hindi ko alam yung plano nya. Teka, meron nga ba talaga? “Basta. Mamaya na lang. Basta may date tayo. Tara na.” Alok nya. “Sige. Uwi na tayo.” Binitbit ko yung gitara ko pero kinuha nya. I smiled. He smiled, too. “Sa bahay mo o sa bahay ko?” Tanong ko. “Sa bahay natin.” Alam kong acting ko lang( na sinabayan nya) ang part na yan. Frantically speaking we don’t have our house. Hindi nga kami kasal eh. But it felt awesome to know that he understands what I was meant. I held his hand. Naglalakad na kami. Nakaka-five steps na kami (at siguro iniisip na ng mga tao sa paligid na PDA much kami kasi naka-HHWW kaming dalawa) nang tumigil sya. “Wait!” Sabi nya. “Bakit?” Nagtataka kong tanong. “Yung binili kong food.” Naglakad sya pabalik dun sa inupuan naming kanina at kinuha yung pagkain. Lumapit na sya sa;kin at hinawakan ang kamay ko.

Ito dapat yung isa sa mga pagkakataon na nagpapasalamat ka sa Kanya kasi nakakilala ka ng isang taong minamahal ka talaga. And I am eternally grateful to God.

“Tara?” I nodded. “Ang lamig ng kamay mo!” Reklamo ko. “Eh sa malamig ‘tong slurpee eh. Kunin mo na kasi. Natutunaw na oh.” Inabot nya sa’kin yung inumin. “Thanks, Pangs.” I uttered. Uminom ako. “May lason yan.” Muntik na akong mabilaukan. Makapag-joke eh. “Loko!” Saad ko. “Totoo naman eh. No joke.” Seryoso nyang sabi. “So, balak mo kong patayin? Ganun?” Tanong ko. “Lason yan… para maging maging patay… na patay ka sa’kin.” Sabi nya sabay pinag-dikit yung mga noon naming. Okay! Ako na talaga ang kinikilig.  I held his heand again. Kasi binitawa ko kanina. “Tama na nga!” Saway ko. “Kinikilig ka lang eh. Yeei!” Pang-aasar nya. Masaya ako, dahil alam kong sa’kin lang nagagawa ni Kyle yang mga ganyang bagay.

Tama nga si Kirito (Sword Art Online) dun sa sinabi nya. Ma-swerte tayo kapag nakita o natuklasan natin yung isang ugali ng mahal natin(mabuti man o masama), kasi hinayaan nya tayong kilalanin sya. Out of all the people na nabubuhay sa mundo, pinili nila tayo. Pinili nya ako. Right. I am a one damn lucky girl!

“Kirito and Asuna. Like how they’ve created a new life inside a virtual world where escaping has a 0.1% possibility, I was also able to create mine with someone I’ve met on this cage-like fallen world, while having that 60% of joy and 40% of sadness. I got a 100% true and life. With that, I’ve experienced freedom.”


“I want you to wear a dress tomorrow.” Seryoso sya? “What?” Tanong ko. “Basta dress. I want it to be sky blue, pero hindi maiksi. Pangit legs mo eh.” Pang-aasar nya. “Ganun ah! Loko ka ah!” Saad ko. “Joke. Ayoko lang na bastusin ka ng mga ibang lalake.” Aww! Sya na sweet. S-W-E-E-T. “Hello? Pangs, andyan ka pa?” Tanong ni Kyle. “H-ha? Oo. A-andito pa ako.” Panira namang sakit ‘to! Kinikilig na ako eh. Sinisira pa yung moment-um ko. Yae! “Okay ka lang? Sumasakit na naman ba? Tell me. Please.” Nag-aalala nyang tanong. “Naku! Hindi noh. Natatae kasi ako. Eh, ayun. Nautot na ako.” Natawa sya. “Seryoso ka? Baka niloloko mo lag ako.” Paniniguro nya “Oo nga. Dress? Sige ba. Uy! Sibat na ako. Lalabas na ata eh.” Natataranta kong sabi. “Oo. Sige. Dalian mo na. Hinihintay ka na ng CR.” Natatawang sabi nya. “Oo. Haha. Okay. Bye Pangs.” I ended the call. Napaupo ako sa sahig. Ang sakit! Nakahawak ako ngayon sa tiyan ko. Sobrang sakit! Ayoko na. Please! Tama na please. Ang sakit. Ayoko na. Please! Tama na please. Stop. Stop. Stop.

Gusto ko sanang sumigaw, pero paano? Baka magising sila Mommy. Ayokong pinag-aalala sila. I don’t want to become a burden. Or Am I making it worse?

I just cried silently. God, why do I have to suffer this pain? Lord, help me. Please. Sabi nila, You always listen. You do, right? God, help me. It hurts a lot. You will, right? Please. Please.

            Tumulo lang ang luha ako. This is life… laughing and crying.

CHAPPIE 3: Minsan Ako Si Ina Api Dimakalaban


Malamig na pakiramdam. Nasan na ba ako? Nasa loob ba ako ng ref? Pero ang sarap sa pakiramdam. Ang lamig!

“Ellina! Oh my!” May narinig akong sumigaw. “Anak, are you okay? Please, gumising ka. Anong nangyari?” Si Mommy, tarantang-taranta sya. I slowy opened my eyes. “Mom.” Saad ko habang binabawi yung boses ko. “Ba’t ka naman dyan natulog. Ellina? Did you passed out?” Tanong nya. “Ah! Hindi po. Ang init po kasi kagabi. I found my floor cool enough for me… kaya ditto ako nahiga. Nakatulog nap ala ako habang kausap si Kyle.” I reasoned. What a liar Ellina! “Kaya nasa sahig din yang mga libro at cellphone mo?” I nodded. They fell Mom, when I was nearly dying because of pain. “You sure you’re okay, huh?” Tanong nya ulit. “Yes, mommy. Definitely okay.” I answered.

“Anong nangyari? Ate okay ka lang?” Natatarantang bungad sa’min ni Gail. “Yes. Nakatulog kasi ako sa sahig.” She sighed. Nagpaalam na rin si Mommy dahil magluluto pa raw sya. “What a relief! Eottukhe Ate Ellina?” Saad nya. “Ano yun?” Tanong ko. Iniintsik nanaman ata ako, ay este, Korean pala. “Hah? Wala. Wala. Nga pala, may lakad ka? Di ba wala kang pasok sa umaga?” Pagtatanong nya habang may tinuturo sa likuran ko. Nilingon ko yun. Aah! Yung dress na nakasabit sa harap ng closet ko. “Ah! Oo. May lakad daw kami ni Kyle eh.” Saad ko. “Huwat? Ommo! Date na ito! Kelangan mo ang super-powers ko sistah! Jjang~” Ginawa nanaman nya yung ‘happy virus’ dance daw nya.

So dahil nga sadyang makulit pero matulungin yung bunso ko kapatid, pumayag na akong maging Barbie doll nya. Honestly, maganda naman yung kinalabasan. Simple lang naman yung ayos ko. Hindi naman mukhang clown. Mukha ng tao.

Kinulot nya yung buhok ko. Medyo nag-away kami sa parte nay an kase napaso nya ako sa may batok ko. Mahapdi pa ng konti eh. Light lang yung make-up. Konting eye shadow, at konting eye liner. Inayos nya rin yung un-even kong kilay. Binunot nya yung mga nakakalat lang. Maganda nga yung kinalabasan eh. Magaling kasi sya sa ganyan. Ardyud eh. Hindi na ako nagpalagay ng blush on kasi, ayoko. Light pink lang yung lipstick tapos nilagyan nya ng lip gloss.

Sinuot ko yung dress na sinabi ni Pangs. Alam nyang may ganito ako. Eto kasi suot ko nung Acquiantance Party namin eh. Buti kasya pa. Nagsuot ako ng necklace na black yung beads. Nagsuot ako ng white sneakers na may design na skull sa gilid… at ayos na! Nagdala nga lang ako pamalit dahil baka Indianin ako ni Alvaro.

So, ngayon, mag-isa kong tinatahak ang pathwalk papunta sa lagoon. Marami akong nakakasalubong na estudyante. I continued walking, when I heard someone shouted.

“Hoy babae! Malandi ka talaga!” Yun ang dinig ko. Hindi ko na pinansin kasi ayokong pinakikialaman ang buhay ng ibang tao na di ko naman kilala. Naglakad pa rin ako. “Tumugil ka nga! Ikaw na pokpok ka!” Kung sa’kin yun sasabihin, syempre masakit. Aakusahan ka ng isang bagay na hindi mo naman ginagawa. Napatigil na lang ako sa paglalakad ng biglang may humila sa buhok ko. “Hindi mo ba ako narinig ah? Tumingin ka sa’kin!” Ako ba yun? Or am I just imagining things? Pero yung paghawak nya sa buhok ko, damang-dama ko. Totoo ‘to. Gosh! Ano ba ginawa ko sa kanya?  I don’t even know him. Yes. Him. He’s a gay.

“Sino ka ba? What did I do to you?” Tanong ko. Ngumisi sya. “Sa’kin wala. Sa kaibigan ko meron. You slut! You whore! Mang-aagaw! How dare you hurt my friend like that? Huh? Puta ka! Itsura mo palang! Bitch! Flirt!” He slapped me. Hindi yun ang mas masakit kundi yung mga sinasabi nya. Do I deserve this? No. I don’t. Wala akong ginagawang masama sa kanya. “Ano bang pinagsasabi mo?” Hawak-hawak nya pa rin yung buhok ko. Ramdam ko pa rin yung sakit kaninang sinampal nya ako. “Wag kang magmaang-maangan bitch! Gasgas nayan!” Hinawakan ko yung kamay nya na nakahawak sa buhok ko. He’s grabbing my hair really tight. I won’t fight back. Kahit anong mangyari, hindi ko yun gagawin. Hindi ako bababa sa level nya.

“Wala akong ginawang masama sa kaibigan mo o sa’yo. I don’t even know you!” Saad ko sa kanya. Pinapalibutan na kami ng mga tao. Nanonood lang sila. No one dared to stop him from hurting me. Kyle! Asan ka na? “Meron! You stole her guy! Whore! Sulutera ka!” He slapped me again. Kitang-kita ko yung isang babae. Ngumisi sya. Is she happy? Damn! Alam nya ba kung ano ang nangyayari?  Alam ba nya ang totoo?

Naglabas sya ng gunting? Is he mad? Well, he’s obviously mad! Papatayin nya ba ako? ang brutal naman ng buhay na ‘to! Ganito ba matatapos ang buhay ko? I’d rather die of cancer than this! This is torture. Napaiyak na ako. “Die bitch! Die!” Dun na tumulo yung luha ko. Hindi ko ‘to tanggap. Gusto kong magkaroon ng ability na mag-teleport gaya sa SAO para makawala sa bangungot na ‘to. Yet, it’s not a dream after all! This is surreal!

He started cutting my hair randomly. Dang! Anong problema nya sa’kin? Kakalbuhin nya ba ako? “You ugly bitch!” He insulted. Iyak lang ako ng iyak. Blurry na yung nakikita ko dahil sa luha ko. Ngayon ko lang na-realize na naka-luhod na pala ako sa semento. “Stop. Please. Stop!” He slapped me again. “Stop please. Masakit. It hurts a lot. Stop please.” I said as if I was uttering some sort of mantra. Ginunting din nya yung laylayan ng damit ko at hinila yung sleeve nun hanggang sa mapunit- revealing the strap of my bra. Umiiyak pa rin ako. Nagmamakaawa pa rin ako na tumigil na sya. Hindi pa ba sya masaya?

“Oh gosh! Ellina!” I heard a familiar voice. Lalo akong naiyak. “What did you do to her? How dare you?” Hinawakan ni Aye yung kamay nung gay at tinulak sya palayo sa’kin. “She deserves it!” He said menacingly. “Wala syang ginagawa sa’yo!” Aye fought back. “Ellina! Tahan na. Shh.” Mas lalo akong naiyak. Niyakap nya ako. Mas lalo kong naramdam yung sakit. “Stop please. Ayoko na.” I continued to mumble that. “Oo Ellina. Tahan na.” Pinunasan ni Aye yung luha ko.

“Shit! Sino ka para saktan sya ha? Anong karapatan mo? Inaano ka ba nya ha?” Before I knew it, nakatayo na sa harapan ko si Kyle na galit nag alit at nasa semento na yung gay na nanakit sakin. He punched him. “She deserves it!” Tumayo yung gay habang nakahawak sa parte ng mukha nyang sinuntok ni Kyle. “Gago ka ba?” Tinulak nya ulit sya. “Wala kang karapatang manakit ng ibang tao at sabihing dapat lang yan sa kanya! Tarantado!” Susuntukin nya sana ulit pero pinigilan sya ni GD. “Pre, awat na.” Meron na ring guards na dumating at kinuha nila yung nanakit sa’kin.

Kung isa-sum up ko, dalawang beses ko palang nakita si Kyle na magalit ng ganoon. The first time was when my sickness was revealed. Pangalawa na ngayon. Kitang-kita ko yung galit sa mata nya.

Nilapitan ako ni Kyle at niyakap. “Sorry. Late akong dumating.” Hinayaan ko lang syang magsalita. Humihikbi pa rin ako. “Takot na takot ako Pangs. Akala ko papatayin nya na ako. Sino ba kasi yun? Ni hindi ko sya kilala.” Saad ko. “Shh. Tahan na Pangs. Paparusahan sya Pangs. Wag ka ng mag-alala.” Sinuot nya sa ulo ko yung beanie nya na black. Ngayon ko lang napansin na long-sleeve sya na light blue at white shirt na may print. Naka-suot sya ng black jeans at converse na dark blue. May hikaw syang black sa kaliwang tenga. May date nga pala sana kami. Lalo akong naiyak sa sinapit ng D-day na’min.

“Kyle, di mo ba sya dadalhin sa clinic?” Natinag si Kyle sa tanong ni Aye. “Oo tama. Salamat nga pala Aye.” Napangiti na lang si Aye. Sinuot sa’kin ni Kyle yung long-sleeve nya. Sira nga pala ‘tong damit ko. “Sorry, Pangs. Pangit na yung itsura ko.” Pinunasan nya yung luha ko gamit yung thumb nya. “Maganda ka pa rin para sa’kin kahit magsuot ka ng basahan. Pero wag ka ng umiyak, papangit ka eh.” Napangiti ako sa sinabi nya. Binuhat nya ako-yung parang pang-kasal. I leaned my hand on his shoulder. I feel safe. I feel secured. Ang sarap isipin na may taong handing hawakan ang kamay mo at walang syang balak na bitawan.

Dinala nila ako sa clinic. After akong gamutin ng nurse, nagpaalam na kami kila Aye.

“Iuuwi mo na sya Kyle?” Tanong ni Aye. Tumango si Pangs. “That’s good. Kelangan ni Ellina ng pahinga. About dun sa gay kanina, kami na ang bahala. I’ll inform you kung sino sya.” Tumango na lang si Kyle. “Sige, alis na kami.” Inalalayan ako ni Pangs. “Bye, Ellina.” She squeezed my hand. Nginitian ko na lang sya.

Sumakay kami sa motorbike ni Kyle. “Okay ka na?” Tanong nya sa’kin. “Hindi ko alam.” Tapat kong sagot. “Masakit pa ba?” He started the engine. “Oo. Yung mga sinabi nya, masakit din. Sino ba sya Kyle?” Tanong ko. Hindi sya sumagot. Umandar na yung motor nya. “Pwede bang wag mo muna akong ihatid sa’min? Ayokong makita ako ni mommy na ganito. I look like a mess.” He nodded. “Alam kong sasabihin mo yan. Magpalit ka muna. May dala ka atang damit, diba?” Tumango ako. Dumeretso kami sa Public Comfort room para makapag-palit ako ng damit. Isang white na panda shirt at three-fourths ang pamalit ko.

“San tayo?” Tanong ko. “Aayusin natin yang ‘mess’ na sinasabi mo.”

“Ano? Ayos ba?” He offered his hand habang nakatingin sya sa parlor na nasa harapan namin. I gave him my first smile after that tragic scene. “Ayos.” I took his hand. Naglakad kami papasok sa loob.

“Welcome sir and ma’am. What can I do for you?” Tanong nung babaeng maputi na brunet ang buhok. “Magpapagupit sana ako, miss.” Sagot ko. Naupo na si Kyle sa isang sofa at prenteng-prente sa pagbuklat sa mga magazines doon. “Ah. Sige po. Have a seat.” Naupo ako sa de-gulong na upuan. At hinarap ang salamin. I saw my face. Ugh! I really look like a mess. No doubt!

“Anong gupit ang gusto mo, ma’am?” Tanong nya. “Short hair. Parang ganito…” Pinakita ko sa kanya yung pic ni Hazel Grace sa TFIOS. “…Paki kulayan na rin ang buhok ko brownish black.” I gave her the details. “Got it, ma’am.” Tinanggal nya yung beanie na suot ko. “Ow! Anyare sa hair nyo ma’am?” Saad nya, pero hindi naman nakakaasar yung pagtatanong nya. “May nan-trip lang na kumalbo sa’kin. Good thing hindi natuloy.” Sagot ko. “Ah! I see. Sige ma’am. I’ll fix your hair.” Nilabas nya na yung mga gagamitin nya.


“Pangs! Gising na! Uy!” May yumuyugyog sa’kin. Ano bay an? Sarap ng tulog ko eh. Tss. “Hmm…mmmp.” Pag-iinarte ko. “Hindi mo ‘to bahay! Ano ka ba? Alis na tayo!” Bakas ang pagka-asar sa boses nya. I slowly opened my eyes. Nawala yung pagka-antok ko sa bungad nya sa’kin.

Mas lalo syang gumanda! Hindi ko alam na bagay sa kanya yung maiksi at brown na buhok. Laglag panga ata ako. “Oh! yung laway mo, tumutulo!” Nagising ako sa riyalidad. Pinunasan ko yung laway ko buhat kaninang natutulog ako. “Ano? Ayos ba?” Tanong nya sa bago nyang hairstyle. Tumango ako. “Sobra.” Saad ko. “Hoy Kyle! Gising na! Nasa Neverland ka pa rin?” Yugyog nya ulit sa’kin. Tiningnan ko sya na parang sinisugarado na sya talaga yung Pangs ko.

Nasa labas na kami ngayon ng Parlor. Sinuot ko sa kanya yung helmet. “Oh! Ba’t mo yan sinusuot sa’kin ngayon? Kanina nga di mo pinagamit eh.” Reklamo nya. “Magugulo yung buhok ko Pangs.” Dagdag nya. Eh baka maraming ma’inlove dyan eh! Lalong gumanda eh. Kainis! Inalis ko na lang yung helmet. Baka mag-away pa kami nito eh. “San tayo?” Tanong ko. “Malay ko sa’yo. Ikaw nag aya-aya mag-date eh. Wala ka bang plano?” Pagtataray nya sa’kin. Parang hindi sya binully ng isang kung sino kanina ah. She’s really tough. Walang duda yan. “Hindi kasi masaya kapag may plano eh. Pero may naisip na ako Pangs. Tara na.” Pinaandar ko na yung motor ko.

“Sementeryo? Ba’t naman dito?” Gulat na tanong nya sa’kin. Nasa tapat kami ng isang sementeryo. Malawak dito at maraming damo kasi sa ilalim ng lupa nakabaon yung mga patay. Makikita mo talaga yung langit. “It brings back memories.” I shrugged.  “Masarap tambayan ang tahimik na lugar Pangs. Sa ganito kami tumatambay nung mga high school friends ko na classmates mo noon. Kaya lang di ko na-try na gawing dating spot ‘to.” Nakapamulsa ako. “Well, may magagawa pa ba ako? Sabagay, gusto ko ng katahimikan at sariwang hangin. Basta di tayo magpapagabi dito ah?” I nodded. Takot rin pala sa multo ‘to eh. Umupo kami dun sa parte na damo lang at walang nakabaong patay. Hapon na rin kaya hindi na ganun kahapdi sa balat yung init ng araw. Mahangin din kasi.

“Okay ka na ba?” Tanong ko sa kanya patungkol sa nangyari kanina. “Oo. Pero inaalala ko lang kung anong tumakbo sa isip nung taong yun para manakit ng iba.” Sagot nya. “Sorry talaga Pangs. Wala ako dun para ipangtanggol ka.” I looked down. “Nandun ka. Kahit wala ka pa nung sinasaktan nya ako, nandun ka para ipamukha sa kanya na hindi tama yung ginawa nya. Nandun ka at sinuntok mo sya. Kaya wag ka ng maging ganyan.” She held my hand. Napatingin ako sa kanya. “Hindi naman sa lahat ng oras eh darating si Superman bago mahulog yung leady lady nya diba? Minsan nandun na sya sa baba at handang sumalo sa kanya.” Dagdag nya. “Mahal kita Kyle. What you did a while ago was more than what amazing things Superman can do.” She hugged me. Hindi ko alam pero bigla akong naiyak. Then suddenly, it hit me. Ngayon ko lang na-realize yung overwhelming na pagmamahal nya. Hindi lang sya sapat kundi sobra-sobra. Ayoko syang mawala. Ayoko.

CHAPPIE 4: Dying Like Her


Kahit hindi halata, nagbabasa din naman ako ng mga novel books. Nabasa ko na yung TFIOS ni John Green, For One More Day ni Mitch Albom at iba pa. Hindi ko naman yun main hobby pero nagbabasa ako kapag trip ko. Kung favorite book ang pag-uusapan, yung diary ng lola ko sa tuhod ang sa’kin. Libro pa rin yun diba? High school sya nung sinimulan nya yun. It amazed me a lot when I found it. Yung kwento ng isang tao na makatotohanan. May simula at may wakas. Umabot lang si Lola sa parte na may malalang sakit sya. After that kasi, di na sya maka-galaw ng maayos. Pero gustong-gusto ko yung last na entry nya sa diary nya which I considered as the end of her own book.

Sabi nya, “…bakit mo nga ba tatapusin ang isang buhay? …dahil sinimulan mo ito? Pero paano ba matatapos ang sa akin? Nakikita kong pinag-aalala kong ang pamilya ko. Ramdam kong malapit ko ng malasap ang kamatayan at isang malalang sakit ang sanhi nito. Bakit sila nalulungkot? Hindi ba sila naliligayahan para sa’kin? Bukas, makalawa o sa susunod na buwan, makikita ko na sa wakas ang tunay kong tahanan. Makakasama ko na ang asawa kong nauna sa byahe at makikita ko na rin sa wakas ang Diyos na lumikha sa akin. Hindi ba’t kaaya-ayang isipin iyon? Muli akong magsisimula pagkatapos kong tapusin ang kwento ko dito. Isang simula na wala ng katapusan. Marami akong pinagsisihang bagay, pero hindi ko pinagsisisihang umabot ako sa ganitong lagay, kasi nabigyan ako ng pagkakataong masaksihan ang paglaki ng mga anak ko maski na rin mga apo ko.

Matanda na ako at mahina, pero kaya ko pa ring magsulat ngayon para sabihing dito na magtatapos ang libro ko. Pero hindi titigil sa isang maliit na tuldok ang kwento ng buhay ko. Nandyan pa ang pamilya ko na magtutuloy nun. Hindi. Alam kong hindi ako mababaon sa limot. Alam ko na kapag may nagmamahal sa’yo ng tapat, hindi ka makakalimutan.

Sa pamilya kong hindi ako sinawaang alagaan, salamat. Hindi lang sapat yung sukli na inasahan ko mula sa inyo pero sobra-sobra pa. Sa batang nagbabasa nito, sana malaman mo ang buhay ng isang tao ang pinaka-magandang libro sa lahat.” Tama. Tinapos ko ang libro ni Lola at paulit-ulit na binasa. Tama sya. Pinaka magandang kwento ang libro na sinulat ng isang tao tungkol sa kanya. She inspired me a lot. Namatay si Lola na may ngiti sa labi. I gues she had a happy ending kasi masaya sya nung namatay sya. I wish I could die like her.

While I am sharing my life story to you, I am writing it at the same time in a thick notebook that I’ve considered as my self-proclaimed novel. I wrote this diary since I begun telling you this story.


“Pangs! Ano gusto mo? Libre ko.” Tanong nya. “Dapat lang noh!” Saad ko. “Ang sungit mo naman Pangs.”Nginitian ko sya. “Parang di ka pa sanay eh… Club house at shake sa’kin, mango flavor.” Sagot ko sa tanong nya kanina. “Okay. Hintayin mo na lang ako dito.” Pumunta na sya sa counter.

Nasa isang snack house kami na air-conditioned. Pinaka-malapit kasi ‘to sa sementeryo kaya dito na kami kumain. Hindi kami nag-lunch eh. Alas-singko na kaya medyo dumidilim na. Maganda naman dito. Pang teens talaga. Pwede kasing sulatan yung pader na tinakpan ng cartolina. Marami na ring nakasulat at naka-dikit na sticky notes. No wonder maraming nakatambay na teenagers dito ngayon.

Nilabas ko yung marker ko at nakiuso rin. Pangs, aishiteru yo.-E Pabalik na ngayon si Kyle sa inuupuan ko at dala-dala nya yung pagkain namin.

“Di ka umiimik diyan? Na-miss mo ko?” Panimula niya sa usapan. “Hindi ah. Feeling ka.” Sagot ko. Hindi pa nya nakikita yung sinulat ko. “Sabagay. Pano mo naman ako mami-miss eh nandyan naman na ako.” Turo nya sa bandang puso ko. Feeling ko namula ako sa sinabi nya. Kinikilig din kasi ako. Seryoso yung pagkakasabi nya pero nakakadala eh. Wala! Talo ako. “Oy! Ngumiti ka!” Pang-aasar nya. “Kumain ka na nga.” Saad ko sabay kagat sa pagkain ko. Bigla akong naiihi.

“Pangs, C.R. lang ako ah.” Tumayo na ako. Tumango naman siya. “Sige. Bilisan mo ah. Ayokong nag-iisa. Mamaya ma-abduct ako.” Panloloko nya. “Loko!” Umalis na ako sa table namin. Dumeretso ako sa isang cubicle. Pagkatapos nun hinarap ko yung malaking salamin at naghugas ng kamay. Takte! Sumasakit nanaman. Nilabas ko yung pain reliever na dala ko at ininom yun ng mabilisan. Haist! Sana maging effective. Lumabas na ako ng C.R. Nakaupo pa rin sya run at masayang nilalantakan yung pagkain nya.

“Busog ka na?” Tanong ko. “Hindi pa nga eh. Nakakawala ng gana na wala ka.” Saad nya. Namula nanaman ata ako. “San mo naman kinukuha yang mga banat mo? Parami na ng parami ah.” Tanong ko. “Hindi mo nababalitaan?” Tanong nya rin. “Ang alin?” Nalilitong tanong ko. “…Na epekto yan ng pagmamahal ko sa’yo.” Yae Kyle! Tumigil ka na! Sasabog ako sa kilig dito eh. Umupo na ulit ako sa upuan ako. Napalingon ako sa may pader at binasa yung sinulat ko kanina nang may mapansin ako. Red yung tinta ng marker na ginamit kaya napansin ko agad yung nakasulat sa ibaba.

“Hindi ko alam ibig sabihin nyan, pero alam kong ikaw nag sumulat. Sorry.” Saad ni Kyle na nakangiti sa harapan ko. “I love you, too Pangs.” Sabi ko. Napangiti sya. Binasa ko ulit yung sinulat nya. I don’t get it. I’m sorry.-K Nilabas ko yung marker ko at isinulat yung kasasabi ko lang sa kanya. “Salamat ah.” Sabi nya. Malapit sa mukha ko yung mukha nya. Tapos bigla nya akong pinahiran ng icing sa pisngi. Cake kasi yung kinakain namin. “Argh! Pangs!!!” I whined. Pinahiran ko rin sya.

Hanggang sa makauwi kami, nag-aasaran kami tungkol sa sinulat namin sa pader na yun.


“Ano? Handa ka na ba?” Tanong sa’kin ni Kyle. “Yup!” Excited na sagot ko. “Eh, naipasa mo na ba yung mga requirements natin?” Tanong nya ulit. “Yes, sir! Inasikaso ko muna lahat bago ako mapunta sa lagay na ‘to.” I saluted. “Good. Then, tara na! Naghihintay sa’tin ang Ilocos.” Masayang sabi nya. “Yeah!” Pumasok na kami sa loob ng bus.

Oo. Tama. After almost 4 years, babalik kami dun. Sembreak kasi namin, kaya naisipan naming bumisita dun. 3 nights and 4 days lang kami dun pero alam kong magiging sulit yung mga araw na yun.

Almost 8 hours yung byahe papuntang Ilocos. Gabi kami bumyahe para iwas traffic. Hindi ko alam kung ano dapat kong i-expect dun, pero alam kong marami ng nagbago.

“Pangs, hindi ka ba gagamit ng washroom?” Gising sa’kin ni Kyle. “Hmm?” Sagot ko na nakapikit pa rin. “Bakit? Okay ka lang ba? May masakit ba sa’yo? Pangs?” Nagpapanic na sya. Pinag-aalala ko sya. I tried to speak up. “Okay lang ako. Kagigising ko lang kasi. Don’t worry. Sasabihin ko naman kapag nasasaktan ako eh.” Liar! “Sigurado ka ha? Madaling araw na, di ka ba nagugutom?” Tanong nya. “Eh? Stop over ba?” Tumango sya. “Tara mag-cup noodles!” Aya ko sa kanya. “Sige.”

“Ang ganda ng view noh?” Tanong ni Kyle. “Oo.” Matipid na sagot ko. Nasa part na kami ng La Union. Malapit sa dagat dito tsaka paangat na yung araw kaya medyo maliwanag na rin. “Anong pinakagusto mong oras sa isang araw?” Out of the blue na tanong ni Pangs. “Huh? Di ko gets.” Saad ko. “Hmm, saan sa umaga, tanghali o gabi?” Pag-iiba nya. “Uhm… ikaw muna.” Saad ko. “Andaya. Sige na nga. Gabi sa’kin syempre. Rest time.” He giggled. “Oh.” I exclaimed. “Ikaw?” Balik nya ng tanong sa’kin. “Umaga. Kasi ramdam ko na buhay pa ako tuwing gumugising ako.” Tumingin ako sa dagat. Biglang humangin. “Haist! Sarap ng hangin.” Saad ko. “Tinikman mo?” Tanong ni Pangs. “Loko! Common sense naman Pangs!” Asar na sabi ko. “Joke. Binibiro ka lang. Tara na.” Tumayo na kami at bumalik sa bus.” Sa loob ng 4 oras bago kami makarating dun, matutulog ulit ako.


“Welcome to our humble home!” Masayang sabi ko. Nasa Paoay na kami- hometown ko. “Saya mo!” Basag ni Pangs sa saya ko. “Ganun talaga.” Sagot ko naman. “Mas lalong gumanda dito.” Komento nya. “Oo. Tourist spot na eh.” Nasa harap kami ng Paoay church. Dinadayo ‘to ng mga turista. Nilagyan nila ng mga lamp posts sa paligid para mas lalong maganda kapag gabi. May mga nakatayong shops na rin.

“Pahinga muna tayo sa bahay. Mamaya na tayo mamasyal.” Saad ko. “Oo. Gutom na rin ako. San ba ang bahay niyo?” Tanong nya. “Dyan oh.” Turo ko sa isang sky blue na bahay na nakatayo sa harap lang ng simbahan. “Seryoso?” Tanong nya. Tumango ako. “Anong nakakamangha dun?” Tanong ko. “Wala lang. Pasuo lang. Tara na.” Aya nya sa’kin. May pagka-weird talaga yang babaeng yan. Pumasok na kami sa bahay.

Hindi ganon kalaki ‘tong bahay. Sakto lang. Name-maintain pa rin yung dating itsura nya kasi nandito naman yung lolo’t lola ko. May katulong din kasi sila.

“Ikaw pala ang girlfriend ng apo ko, hija.” Saad ni Lola. “Opo. Hello po.” Nagmano sya. “Napintas sika.”  Komento nya. Medyo natawa ako kay Lola. “Salamat po.” Ngiting-ngiting sabi ni Pangs. “Ay! Ilokana ka ba? Makaawat ka ti Iloco, hija?” Medyo gulat na tanong ni Lola. “Opo. Dito po kasi akong nag-aral ng high school.” Sagot ni Pangs. “Ah. Kaya pala. O sya, alam kong pagod kayo. Pinalagay ko na kay Inday yung mga gamit nyo sa kwarto. Kaya kumain na kayo.” Utos nya sa’min. Para sa’kin pautos yun eh. “Opo.” Lumabas na ng bahay si Lola, para magliwaliw siguro.

“Uhm Pangs, san yung bag ko? Tatawagan ko pa pala si Mommy eh.” Tanong ni Pangs. “Ah oo.” Naglakad ako palapit sa isang pinto. “Dito kwarto mo. Sa kabila yung akin. Pumasok ka na lang. Hihintayin kita sa kusina.” Tumango sya.

Hindi ako makapaniwala na uuwi ako dito pagkatapos ng halos apat na taon. Hindi na ako apektado sa nangyari. Pero hindi ako nakalipot. Makikita ko pa kaya sila?


“Pangs, ngiti ka naman.” Sabi sakin ni Kyle. “Eh…” Gusto nya kasing mag-selfie kami eh. Ngumiti ako. “Eyy! Pilit naman eh.” Ginandahan ko yung ngiti ko. “Yan. Smile. Say kimchi!!!” Napatingin ako sa kanya. “Ba’t kimchi?” Tanong ko. ‘Nakuha ko kay Lian. Yun sinasabi nya imbes na cheese eh.” Napatawa sya. May na alala siguro syang scene. Nag-selfie ulit kami. “Kimchi!” Tiningnan nya yung outcome, habang nilibot ko naman yung mata ko sa paligid. Maganda talaga dito. Maraming halaman at puno. Madamo pa sa paligid.

“Kyle?” May narinig akong tumawag sa pangalan ni Pangs. Hinanap ko yung boses, pati na rin si Kyle. “Ikaw nga! Musta na.” Napangiti si Pangs. Old friend nya siguro. Selos naman ako. (Meleng: Insecure tawag dyan beh.) Ganda eh. Maputi, medyo matangkad, at maganda manamit. Casual lang yung suot nya pero dalang-dala nya. “Sulli! (Sali) Ikaw pala yan.” Nag-high five silang dalawa. “Oo. Buti na mukhaan pa kita. At mabuti na naisipan mo ng magpakita dito noh.” Natawa na lang si Pangs. Okay na akong bumalik eh. Buo na ako. Girlfriend ko pala, Ellina Jane Tuazon.” Inakbayan ako ng loko. “Hi! Sensya na, buo lang talaga kung ipakilala nya ako. Haha.” Bati ko sa kanya. “Hello! Nice meeting you, Ellina. Ako nga pala si Sulli. Old friend ni Kyle.” Inabot nya yung kamay nya. Nag-shake hands kami. “Kelan pa kayo dito?” Tanong ni Sulli. Ngayon ko lang napansin yung DSLR nya. Nagsimula syang kumuha ng litrato sa paligid. “Kanina lang kami dumating. Kaya eto, sinusulit ang bakasyon. Ilang araw lang kami dito eh.” Sagot ni Kyle. “Upo tayo dun.” Turo ni Sulli sa lilim. Sinundan na lang namin sya. “Hmm. Tamang-tama. May plano ang barkada na mag-Hannah’s. Sama kayo. Over-night tayo dun.” Yaya ni Sulli. “Ano Pangs? Punta tayo?” Tanong sa’kin ni Kyle. Hindi ko ma-explain pero may naramdaman akong saya dahil sa’kin nya binabase yung lakad namin. “Punta tayo. Sulitin natin ang bakasyon.” Ngiting-ngiti kong sagot. “Sige. Game kami Sulli.” Baling ni Kyle kay Sulli. “Okay! I-inform ko na lang sila Gian. Bukas ng before lunch yung punta natin.” Saad ni Sulli habang kinakalikot yung cam nya. “Sino pala kasama natin?” Tanong naman ni Kyle. Parang uneasy na sya sa tanong nyang yun. Alam kong kung ano man ang bagay nayun, wala akong alam. “Si Gian, Johan, Vic, Luna, at… Krystal. Kasama rin pala yung kapatid ni Johan, si Zeph. Naalala mo pa sya?” Tanong ni Sulli. “Oo. One-year old sya nung grumaduate tayo eh.” Sagot ni Kyle. “Yeah. 4 na sya ngayon. Kakulit na nga eh.” Tumawa si Sulli.

“So, paano ka ginayuma ng kaibigan ko Ellina? Pinakain sa’yo?” Bukas ni Sulli ng ibang topic. Natawa naman ako. “Neh? Gayuma agad Sulli? Grabe ka naman!” Depensa ni Kyle. “Joke lang. Maganda ba dito?” Direktang tanong ni Sulli. Tumango naman ako. “Oo. Mas maganda dito kumpara noon.” Sagot ko naman. “Oh! Second visit mo ba dito?” Gulat na tanong nya. “Dito sya nag-high school pardz.” Sabat ni Kyle. “Oh! I see. So nagsasalita ka ng Iloco??” Curious na tanong nya. “Syempre naman.” Sagot ni Kyle. “Hoy ikaw! Tumahimik ka dyan ah. Hindi ikaw ang kausap ko, okay? Si Ellina. Sabatero ka talaga kahit kalian Kyle. Tara na nga Ellina.” Hila sa’kin ni Sulli. For a moment, I learned to like her personality. Kalog kasi sya eh. Nakisakay naman ako sa pantri-trip nya kay Pangs. “Uy! Wag mo ngang kidnapin yang Pangga ko!” Sigaw ni Kyle mula sa likuran namin. “Salamat ng marami Ellina.” Bulong sa’kin ni Sulli. Tiningnan ko sya. “Salamat sa pagmamahal kay Kyle. Ngayon lang nanaman sya naging ganyan kasaya.” She hugged me. “Sulli…?” Nalilito ako sa sinasabi nya. “I’ll see you tomorrow. Bye.” Iniwan nya na ako sa kinatatayuan ko. Kinalabit ako ni Kyle. “San na yun?” Tanong nya. “Ewan.” Pasensya na. Ma-drama na ako. “Uy! Pangs! Pinaiyak ka ba nun? Ano ba sinasabi nya?” Tanong ni kyle. “Wala.” Sagot ko habang nagpupunas ng luha.

All of a sudden, naiiyak ako. Sobrang swerte ko… kasi nagmamahal ako. At pagmamahal na binibigay ko, sinusuklian din ng minamahal ko. It felt like I was able to mend his broken heart. Was I? Now I wonder kung okay na talaga sya. Kung nasasaktan pa rin sya sa nangyari sa first girlfriend nya. Sana, naghilom na yung sugat. Sana nakaya ko yung i-heal.

CHAPPIE 5: FATE be told



“Sure ka bang okay lang na nandito tayo? Ba’t ka ba nag-aya dito?” Tanong ni Kyle. “Oo. Okay lang. Tsaka gusto ko syang makilala.” Tama. Alam kong tama lang ‘to. Gusto kong malaman kung okay na sya at kung sino ba talaga si FATE. “Sige. Ikaw ang bahala Pangs. Basta okay ka lang ah?” Paniniguro nya. I nodded.

Binasa ko yung pangalang nakasulat sa lapida. Frances Amber Torre Espanto. Kaya pala FATE. Sya ang unang babaeng minahal ni Kyle. Hindi ako galit o naiinggit sa kanya. Alam kong ang stupid isipin na makipag-kompitensya sa isang taong matagal ng wala. Instead, masaya ako dahil katulad ko sya na ma-swerte dahil pareho naming alam ang pakiramdam na mahalin ni Kyle. Salamat Amber.

Binasag ni Kyle ang katahimikan. “Long time no talk Ambs. Kilala mo pa ako, di ba?… Si Kyle ‘to. I never imagined myself coming here. Wala akong plano Ambs. Pero eto ako, hinila ng mahal ko papunta sa puntod mo. Ellina nga pala, girlfriend ko.” Nakapamulsa sya pero inalis nya isang kamay nya. He held my hand and squeezed it. Alam ko na ang sagot. Alam ko na.

“Just talk Pangs. Nandito lang ako.” I told him. Umupo kami sa damuhan facing her tomb. “Ang sabi sa’kin ni mama, makakalimutan kita. Mawawala rin ang sakit. Pero ang sabi ko nun sa sarili ko, hindi na. Masyadong masakit yung nangyari to the point na hindi na yun maglalaho. Bigla ka kasing umalis eh. Bigla mo kaming iniwan Ambs. Kaya umalis din ako. Lumayo ako dito. Iniwan ko ang barkada. Gaya ng pagsira mo sa pangako mo sa’kin, sinira ko rin yung mga plano ng barkada. Sorry Ambs, kung naduwag ako nung araw na yun. Hindi ko kasi kayang hayaan kang umalis ng tuluyan. Pero…” He wiped his tears. “Pero isang bagay ang di ko inasahan. Akala ko… Akala ko mag-isa na lang ako. Pero Ambs… dumating si Ellina eh. Dumating sya at nalaman kong may chances pa sa pagmamahal… na may infinite chances hanggang matagpuan mo yung para talaga sa’yo. Unti-unti kong nahanap yung dating ako Ambs. Bit by bit, nawala rin yung sakit.” Tumingin sakin si Kyle. Hawak-hawak nya pa rin yung kamay ko. Hindi nya yun binibitawan. I gave him an encouraging smile. “At nandun si Ellina Ambs para tulungan ako. Nandun sya at nakita kong hindi talaga akong nag-iisa o nag-isa. Na-realize kong meron pa sila Mama at Papa… pati si Lian. Ambs, totoong andaming unexpected na bagay na pwedeng mangyari sa buhay ng tao, ang sa’yo ang isa sa pinakamasaya at pinakamasakit. Ganun din ang kay Ellina. Pero sa kanya ang pinaka-worthy. Alam ko yun… Mahal pa rin kita Ambs. Yun ang hindi mawawala.” Medyo may kumirot sa puso ko sa sinabi nyang yun. “Oo. Sobrang sakit kapag nawalan ka na ng girlfriend, tapos nawalan ka pa ng kaibigan. I loved you as a friend first before I loved you romantically. Remember?… Hindi ko pa alam kung ano talaga ang rason ni Pangs para dalhin nya pa ako dito. Pero alam ko na ang rason ko. Gusto kong ilabas yung nakabaon pa ring salita na hindi ko nasabi sa’yo. Salamat Ambs na nakilala kita. Hindi man naging infinite yung chance natin, naging infinite naman yung friendship natin. Tama naman ako, diba?… and thanked God dahil nakilala ko si Ellina. I really really thanked Him a lot. Ibang-iba kayo Ambs. Marami kayong pagkakaiba. Pero minahal ko sya at yung imperfections nya, at ganun din sya sa’kin Ambs. As time goes by, we grow up as our relationship grows. Mahal na mahal ko sya Amber. Sobra. I guess alam mo ang pinagdadaanan nya, pero kakayanin nya diba? Kakayanin nya. At hindi sya mawawala sa’kin. Ambs, I badly wish na sya na yun. I can’t afford to lose the girl I love for the second time around.” He kissed my forehead. Tumayo na sya. “Tara na?” Tanong nya. I nodded. He offered his hand. I took it. Tumayo na rin ako. “Bye Amber. Nice meeting you.” Saad ko. Naglakad na kami pauwi.



“So ano? Ready na kayo?” Bungad sa’min ni Sulli sa may pintuan. “Oo. Wait kunin ko lang yung bag ko.”  Sagot ni Ellina sabay pasok sa kwarto nya. “Oh, natahimik ka dyan pardz?” Tanong ni Sulli sa’kin. “Wala. Wala lang.” Sagot ko. “Nasa labas sila. Alam nilang sasama ka, kaya wag ka dyang kabahan.” She assured. “Galit sila?” Tanong ko. “Hmm. Nung una. Hindi kasi namin tanggap na umalis ka na lang ng walang paalam eh. Lalo na kay Johan noh. Bestfriend mo kasi yun tapos wala syang alam sa pag-alis mo. Pero, okay ka na ba talaga?” ang daldal talaga. Bilis magsalita eh. “Oo. Okay na ako. Pumunta nga kami sa puntod ni Ambs kahapon eh.” Sagot ko sa tanong nya. “Really? That’s good. That’s good. Buti naman at dinalaw mo na sya noh.” Saad ni Sulli. “Si Ellina nga ang nag-insist eh.” Dagdag ko. “Yeah. I understand her. Alam mo Kyle, you’re lucky. Nakikita ko kasing mabait si Ellina eh. You’re damn lucky pardz.” Sabi nya sa’kin ng nakangiti. “Alam ko. Alam na alam.” Ngumiti rin ako. “Tara na!” Eksena ni Pangs sa likuran ko. “Okay!” masayang sabi ni Sulli. Lumabas na kami ng bahay at hinarap ang barkada ko.


(Meleng’s note: So, Iloco talaga yung dialect na ginamit nila but trinanslate ko na lang sa tagalog para maintindihan nyo guys. Ciao~)

Medyo awkward yung atmosphere sa van na sinakyan namin kanina. Nasa Hannah’s Beack resort na kami at eto pagod sa byahe. Mababait naman yung mga kaibigan ni Pangs. Friendly sila lalo na kay Vic. Boyish sya pero cute. Na-purga na nga ako sa kasasabi nya sa’kin na “maganda”. Makulit naman si Zeph. Palangiti si Gian. Ang hindi ko pa gaanong nakikilala eh si Johan. Sabi ni Sulli, bestfriend sya ni Kyle.

“Okay guys, ganito ang set up, sa iisang room ang boys at another room naman ang girls. Got it?” Maarteng saad ni Sulli. Sya yung pinaka-kikay sa kanila. Si Vic ang boyish type habang si Krystal naman ang normal lang manamit at magsalita. Naalala ko tuloy si Aye kay Sulli. Haist! May inaasikaso kasi eh kaya di nakasama sa’min.

“Ahoi!” Masayang sabi ni Gian. “Ahoi!” Ulit ni Zeph. “Ang kyot-kyot mo talaga!” Pisil ni Krystal sa pisngi ni Zeph. “Aray ate! Ma-sha-kit!” Zeph whined. “Mag-unpack na tayo at umandar nanaman yung ka-childishan ni Krystal.” Nag-pout naman si Krystal sa komento ni Vic. Tumawa na lang yung mga lalaki. Si Kyle, kanina pa kasama si Johan pero mukhang hindi naman sila nag-iinteract.

“Ellina, welcome to the group. Feel free to joke. You know, kalog naman kami so okay lang. At babaw naman ‘tong si Krystal so…” Masayang sabi ni Sulli. “Sulli naman! Binubully mo nanaman ako.” Nag-pout nanaman si Krystal. “Joke lang Krys. Haha.” Nag-peace sign si Sulli. “So, anong course mo Ellina?” Tanong ni Vic habang inaayos yung gamit nya. “Architecture.” Tipid kong sagot. “Wait!” Awat ni Sulli. “Tutal QnA portion na ang nangyari, magsimul na rin lang tayo sa Pangalan. Full name. Tapos tell something about yourself.” Dagdag nya. “Huh? Ano yan slambook?” Kontra ni Vic. “Parang ganun na nga.” Tumango si Krystal. “Yosh! Gusto ko yan.” Sang-ayon nya. “Ako rin. Okay lang.” sang-ayon ko.

“Okay…so, magsisimula tayo kay Ellina.” Saad ni Sulli. “H-huh? Ba’t ako mauuna?” Nauutal kong tanong. Inay ko po! Nahihiya pala ako. Hindi na. Hindi na pala ako sang-ayon. “Kasi ikaw ang new found friend ng barkada, so… ikaw mauuna.” Sagot nya. “Hindi ko makita ang koneksyon, Sulli.” Komento ko. “I like you.” Ngiting-ngiti nyang sabi. Asan ulit yung koneksyon dun? “Go na. don’t be shy.” Pange-encourage ni Vic. “Okay. Ellina Jane Tuazon. Graduating student. Course: Architecture.  Introvert ako nung highschool at elem, pero natuto akong makipag-interact sa ibang tao nung nag-college na ako. Nakakilala ako ng unang tatlong kaibigan na puro mabubuti. Si Kyle, Aye at GD. At mahal na mahal ko yung isa sa kanila.” I paused and smiled. “Kilala namin kung sino yun.” Saad ni Krystal. “Aww! Inlababo si Ellina.” Dagdag ni Sulli. Ngumiti na lang ako. “Hmm… dream ko ang makapagpatayo ng sarili kong bahay. May talent ako sa pagdo-drawing, aside from that tumutugtog din ako ng gitara at medyo kumakanta. Fan ako ng Anime at favorite food ko ang spag. At masaya ako dahil nakakilala ako ng new “found” friends.” I quoted. “Awww.” Saad nilang tatlo. Niyakap nila ako. “Salamat Ellina.” Masayang sabi ni Sulli.

“Okay my turn.” Panimula ni Vic. “I’m Victoria Jamee Tamayo. 4th year Civil Engineering student. Only child ako pero hindi spoiled brat. Gustong-gusto ko ng mga aso. Bale may tatlo akong aso. Si Chuchu, Cheche, at Chacha. Mahal na mahal ko ang Sarili ko.” Napanganga kami sa sinabi nya. “Hehe, joke. Mahal na mahal ko ang bf ko pati na rin ang mga kaibigan ko. I am an avid fan of Paramore at gusto ko rin ang Maroon 5. Black ang favorite color ko. Pizza naman ang sa food. Takot ako sa gagamba. Yun lang. Thank you.” Pumalakpak kami.

“Ako na.” Singit ni Sulli. “Ako muna ah.” Saad ni Krystal. “Eeh…” Kontra ni Sulli. “Jak en poy na lang oh!” Hamon ni Krystal na nakahanda na yung fist nya. “Ay! Krystal talaga… isip-bata nanaman. Sige na nga…” Nagsimula na sila. Hanggang lima kasi eh.

“So, where was I?…ah! Ako nga pala si Suzaene Llilia Gamet. So you see? Sa Monster Inc. nila kinuha yung nickname ko na Sulli. Highschool ako nung sinimulan akong tawagin nyan. Well, college na ako at graduating. DEVCOM ang course ko, so obviously gustong-gusto kong manguha ng litrato gaya nito…” Biglang nag-flash yung camera nya. Kanina nya pa pala hawak-hawak. Tiningnan nya yung outcome. “Woah! Look Krys, cute ka pa rin kahit wacky.” Natatawang saad ni Sulli. “Sulli! Burahin mo yan!” Protesta ni Krystal. “Oo na. Haha.” Kinalikot nya yung DSLR nya. “So, royal blue ang fav color ko. Barbecue ang fav food ko. Fan ako ng Kpop boy group na SHINee. Pero aside from Kpop, nanonood din ako ng ilang Anime series. Kalog ako gaya ng dalawang ‘to. Madaldal din. Bunso ako sa tatlong magkakapatid. May dalawang kuya ako. At mahal ko kayo at ang family ko. Wala akong lovelife. So that sums up my profile.” Nag-peace sign sya.

“Ako na! Wahahaha!” Saad ni Krystal. “Okay. Ako si Krystal Shane Torre Espanto. Culinary student ako and I love cooking… lalo na ang cakes, cookies, cupcakes…etc…” Natigilan ako sa sinabi ni Krystal. “E-espanto? Kapatid mo si Amber?” Tanong ko. Tumango sya. “Actually kakambal ko si Amber.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Krystal. So that means, parang kaharap ko ngayon si Amber. Unless lang kung identical twins sila. “Why do you know her?” seryoso na ngayon si Krystal. “Sya kasi yung dating GF ni Kyle. Kinwento nya sa’kin nun.” Sagot ko. “Ma-magkamukha ba kayo?” Tanong ko. Medyo natawa naman si Sulli. “Ellina, kambal nya noh. So magkamukha.” Saad nya. “Eh, Sulli, may twins kasi na hindi eh.” Depensa ni Vic. “Ahh, Oo nga. Hehe.” Tiningnan ako ni Krystal. “Tell me Ellina, may gusto ka bang malaman? I think may bumabagabag sa’yo.” Tanong ni Krystal. “We’ll let you know basta alam namin ang sagot. It’s okay.” Saad nya.

“Hindi ko alam kung dapat ko bang ungkatin ‘to at alamin. Pero gusto kong malaman kung ano bang nangyari kila Amber at Kyle.” I said with honesty. “Sige.” Sang-ayon ni Krystal.

“Nabuo ang barkada namin dahil sa dalawang yun. First year Highschool kami nun. Representative silang pareho ng schools namin kaya magkalaban sila. Before that, sasabihin ko muna kung anong klaseng tao si Amber. Mas  matanda ako ng 15 minutes pero mas isip-bata ako kesa sa kanya. Mabait si Amber, matigas nga lang ang ulo kapag tinopak. Magaling sya sa maraming bagay at siya yung babaeng ayaw maging ordinary. Bata pa lang kami kaibigan na namin si Sulli. Sya ang bestfriend ni Amber.” Tumango si Sulli. “Magaling si Amber. Tumutugtog sya ng gitara at piano. Sumasayaw din sya at quizzer din. That fateful day, nagtagpo sila. Natalo si Amber kay Kyle ng isang puntos at dinibdib nya yun. Nagalit sya kay Kyle. Nilapitan nya ito at sinabi ang hinanakit. Straighforward kasing tao si Amber. Hindi nya tinatago yung gusto nyang sabihin. Si Kyle naman hindi alam kung ano ang i-rereact. Astig para sa kanya yun. May pagka-loko loko kasi si Kyle eh. Kaya yun inasar nya pa lalo. Nung araw na yun inis na inis  si Ambs kay Kyle.”

“Kung ganun na lang ang inis nya, paano naging sila? Tsaka paano nangyari na naging barkada kayo?” Tanong ko. Pabitin eh. “Dun ko nakilala sila Vic. May pinabibigay kasing peace offering si Kyle kay Amber tapos inakala nilang ako sya kasi magkamukha kami. Then yun. Gumawa kami ng plano. Si Gian, Johan, at Vic ang barkada talaga ni Kyle. Naidagdag lang kaming tatlo. Nung gagawin na namin yung plano para magbati sila… okay na pala sila. Close na rin sila nun. Aside kasi sa magaling si Amber academically: inggit ako actually. Haha… Magaling din si Amber maglaro ng DOTA…”

“For real?” Tanong ko. Tumango naman si Krystal. “Oo. Dayo nun si Kyle tapos kinalaban nila yung grupo nila Amber. So yun, nanalo yung grupo nila Amber kaya nakaganti sya. Ayaw nya yung feeling na natatalo eh. Imbes na mabwisit si Kyle. Na-amaze sya. Ang unang komento nya daw nun eh. COOL FATE!” Saad nya. “Bakit Cool FATE?” Tanong ko. “Astig daw si Amber. Ah! FATE kasi yung username ni Amber dun sa DOTA. Acronym ng pangalan nya. Since then, naging okay na silang dalawa. City Meet nun nung unang magkakasama ang barkada. Player si Amber sa volleyball. Si Gian at Johan naman eh sa basketball. Badminton kay Kyle eh.” Natawa ako.

“Totoo?” Tanong ko. “Oo. Nakakatawa mang isipin pero hindi sya magaling magbasketball. Inaasar nga namin nun eh. Pero sabi nya marami na raw ang lalaking naglalaro nun kaya badminton na lang para maiba. Kung sana nasaksihan mo lang kung gaano nya ipagmalaki na may muscles daw sya.” Tumawa si Krystal. Ang sarap sa pakiramdam kapag nadagdagan yung mga bagay na alam mo tungkol sa kanya. “So ako manonood lang talaga habang si Sulli naman eh sa lawn tennis. Basketball din pala kay Vic. To sum it all, ako lang ang audience.” Krystal chuckled. “Sama-sama kaming nag-lunch. At dun nabuo ang barkada.” Krystal took a deep breath. Napagod siguro sa kakadada.

“Ugh, Krystal, may continuation yun diba? Yung part na magiging sila Kyle at Amber?” Saad ni Sulli. “Ah! Oo nga pala. Hehe.” Saad ni Krystal. “Naging madalas yung pagsasama-sama naming pito. Most of the time sa hapon pagkatapos ng klase kakain kami sa isang snack house o coffee shop. Minsanan lang pagweekends. Pero ang tinatambayan talaga namin eh sa sementeryo.” So, totoo nga yung kwento ni Kyle. “Habang tumitibay yung friendship namin… iba naman ang nangyayari kila Kyle. Lagi silang sabay mag-laro sa comp shop kaya naging mas close sila. Nagselos nga si Sulli one time eh. Nalaman na lang namin na nililigawan na ni Kyle si Amber nun. Nag-pustahan daw kasi silang dalawa sa DOTA. Ayun, ginalingan ni Kyle. First time nyang matalo si Amber sa larong yun. Gaya din ng ibang babae… gusto din ni Amber ng mala-fairytale na istorya. Kaya pinahirapan nya si Kyle. Strikto ang daddy namin, pero ewan ko ba kung anong ginawa ni Kyle at mas nauna pa syang nagustuhan ng tatay namin kesa kay Amber. Swear! Kapag nagkekwento si Ambs kasi samin nun eh sinasabi nyang parang kapatid yung turing nya kay Kyle. In-denial kasi ang loka. Saka lang sya napaamin nung inis na inis na sya kay Kyle kasi buntot ng buntot. Inilabas nya yung frustrations nya sa paglalaro ng DOTA. Habang dada sya ng dada tungkol kay Kyle nakikinig pala si Kyle kasi nasa kabila syang Computer.”

“Eh, ano nga pala yung sinabi ni Amber na napaamin sya?” tanong ko. “Sabi nya, nakakainis ka talaga Kyle kahit kelan! Ang hirap mo ng pahirapan! Gusto na kita eh! Ay mali! Mahal na kita tapos lapit ka ng lapit. Sasabog ata ako eh! Ayan bagay sa’yo! Die die die! Pero mahal kita eh. AAH!” Mimic ni Krystal sa sinabi ni Amber. “Aba! Gayang-gaya ah!” Komento ni Vic. “Syempre. Kakambal ko eh.” Saad ni Krystal. “Nung naging sila Ellina, mas dumalas yung bangayan nila. Pero si Ambs ang unang sumusuko. Hindi nya daw matiis si Kyle eh. Pero alam namin na ganun din si Kyle. Ispiya kasi namin sila Gian at Johan eh. Normal lang naman talaga yung LQ sa mga mag-jowa eh. Pinag-awayan na nila yung selos ni Kyle dahil sa kasama ni Amber sa DOTA. Lalo na rin yung time na date nila tapos hindi nakapunta si Amber kaya ako naging-proxy. Ginaya ko yung ayos at pananalita ni Amber para lang dun, pero wala eh. Unang kita pa pang sa’kin nun ni Kyle, hinahanap nya na si Amber.

Tagos kung magmahal yung dalawa. Minsan nga nilalanggam na kami sa ka-cheesyhan nila eh. May araw pa iba yung inaasta ni Amber. Gusto nyang kantahan sya ni Kyle habang tumutugtog ng gitara. Kaso hindi alam ni Kyle tumugtog nun. Nainis si Amber tapos nag-walk out. Saksi kaming lahat sa nangyaring yun. That time wala kaming clue. Nung graduation namin, um-attend sila. Ganun kami. Nanood din kami nung Graduation ceremony nila. Nandun kami para i-celebrate yung pagtatapos namin. Naging okay na din noon yung dalawa. Pero hindi pa rin binitawan ni Amber yung hiling nya na gawin ni Kyle. Sya rin kasi yung tipo ng tao na ipipilit yung gusto hanggang sa umoo yung tao.”


“Kakanta ka ha? Para sa’kin? Tapos tutugtog ka ng gitara habang kumakanta. Diba Kyle? Diba?” Yan yung hiling nya nun sa’kin. Sinabi nya yan nung araw ng graduation nila. At iyan na pala ang last time na makakausap ko sya ng ganun kasaya.

“Ambs, bumalik ako. Nagpaalam naman ako kay Ellina eh. Alam nya rin kasi yung ipinangako ko sa’yo. Kelangan ko yung tuparin. Pero sandali lang ako ah? Kelangan ko kasi syang balikan eh. Alam mo namang kelangan nya ako diba?… Sana nakikinig ka pa rin.” I begun to strum the guitar strings. Nag-hum ako. “Alam kong huli na para iparinig ko pa sa’yo, pero ginawa ko ‘to nung araw na nangako ako sa’yo. Medyo matagal pa bago ko nalagyan ng tono. Si Ellie din ang nagturo sa’kin tumugtog nito.” Kausap ko sa puntod nya.

Tadhana(FATE)-K. Alvaro

Umaga nanaman at hindi mapakali

Nananabik kasi na ikaw ay mahagkan

Hindi makapag-intay na magsimula ang aking klase

Dahil pagkatapos nun ay makikita ka na



Hindi ako makokontento sa text lang o tawag mo

Ang nais ko ay ang makita ka at makausap ko

Ito na ba? Ako na ba’y baliw sa’yo?

Oo ata… ewan… basta masaya ako


Ayokong balikan ang dati

Dahil ang dati ay ako na lang parati

Ang gusto ko ay ngayon na kung saan ay

Nandun ka at hindi mawawala

Pangako mo yun, tama?



Hindi ako makokontento sa text lang o tawag mo

Ang nais ko ay ang makita ka at makausap ko

Ito na ba? Ako na ba’y baliw sa’yo?

Oo ata… ewan… basta masaya ako


At sana’y, masaya ka rin

Dahil ako’y naniniwala

Tayo’y itinadhana… itinadhana…

Nakaukit na sa pangalan mo… ang ating tadhana.

Hmm. Hmmmmm. Uh oh uh oooh…

“Pardz! Musta naman ang Manila?” Tanong ni Gian. “Ayos naman. Polluted pa rin.” Saad ko. “Loko ka talaga Kyle! Ayos tapos polluted pala?” Komento ni Johan. “Ganun yun tol eh.” Saad ko. “Share mo na yun?” Basag ni Johan sa’kin. “Oo, share ko lang. Like mo na ah.” Bawi ko.  “Ganun? May tama ka talaga.” Saad ni Johan. “May tama kay Ellina.” Ngiting-ngiti kong sabi. “Alluh! Inlababo oh. Inlab pardz. Inlove.” Saad ni Gian. “Walang forever mga Kuya.” Singit ni Zeph na may nakalagay nang salbabida sa bewang at with matching sunglasses na spongebob pa. “Tabachoy Zeph! Lika dito!” Binuhat namin sya. Wala eh di yan kaya ng isang tao lang. “Ibaba nyo ako!” Protesta nya.

“Pardz! Intayin nyo kami.” Rinig kong sigaw ni Vic. Nilingon namin sila. Nakasuot na sila ng swimsuit. Err. Hindi naman two-piece pero swimsuit na rin. Shorts at fitted na blouse kay pangs. Hindi ko kasi alam yung terminologies ng mga damit ng mga babae eh. Pero masasabi kong pandagat na rin yung suot nya. Ayokong nagsusuot sya ng revealing masyado eh. Baka agawan pa ako. Hehehe.

“Hey! Ibaba nyo na si Baby Zeph!” Awat ni Sulli na habang patakbong papunta samin at hawak-hawak yung sombrero nyang nililipad ng hangin. Nakasuot sya ng shorts at maiksing fitted na black sleeveless na damit sa panloob habang white naman yung manipis na panlabas na suot nya rin. Hindi ko alam ang tawag pero malilit yung butas. Puti rin yung sombrero nya.  “Baby pa ba yan? Baka baby damulag?” Saad ni Gian. “Sama nito! Parang di mo kapatid eh.” Saad ni Krystal. Tumakbo naman si Zeph papunta kay Krystal nung binaba namin sya. “Binubully nila ako Ate Ganda.” Sumbong ni Zeph. “Don’t worry Baby. Cute ka kasi.” Sabay pisil sa pisngi ni Zeph. “Ang mga cute laging binubully.” Baling ni Krystal ng tingin kay Sulli. “Oh… ba’t ako tinitingnan mo?” Natatawang tanong ni Sulli. “Wala. Wala lang. Tara na Zeph! Swim na tayo!” Tumango naman yung bata. Magkahawak kamay silang naglakad palapit sa tubig.

“Hoy! Vic! Kuha ka ng kuha ng litrato dyan! Ligo ka na rin kaya? Naaamoy na kita eh.” Lait ni Johan. “Ang sama mo naman! Mas mabaho ka kaya! Hmp!” Asar na sabi ni Vic. Naglakad na sya papunta kila Krystal. “Joke lang yun! Wag pikon!” Pasigaw na sabi ni Johan. T-shirt na red at shorts ang suot ni Vic. Kaming mga lalaki eh summer shorts. Alam nyo na kung ano itsura nun. Topless ang boys, maliban sa’kin. Nakasuot kasi ako ng white na sando.

“Tara na rin kaya. Nandito na tayo eh.” Aya ni Johan. “Game!” Nauna na yung dalawa. “Masaya ka ba?” tanong ko kay Pangs. “Oo. Lalo akong naging kampante at masaya Pangs. Salamat.” Umiling ako. “Hindi Pangs. Salamat… kasi nandito tayo ngayon. Tara na?” Tumango ako. I took his hand without any plan of letting it go until we reach the water.

This is the second part. Yey! 🙂 Hope you read it. 🙂