Posted in Bitterness at its best

Makikita Mo

Sa darating na sandali, dapat mong asahan

Ang mga luhang sa’king mata’y bumuhos, iyo ring mararamdaman

Ang pait ng aking kapalaran

At ang sakit na ikaw ang may kagagawan

Ay ipaparanas ko rin sa’yo, iyo itong asahan.

Makikita mo, oo, makikita mo

Ang mga sandaling dapat ay ikinasasaya ko ay kinuha mo

Ang mga oras na sinayang ko para sa’yo ay babawiin ko

Matitikman mo ang tamis ng paghihiganti ng isang tao

Na niloko, sinaktan at iniwan mo para sa iba

Makikita mo, mapagtatanto mo

Na hindi ba’t nakakatakot isipin na ako ang wawakas sa buhay mo?

Ako na pinagkaitan mo ng mga pangakong pinako mo

Ako na pinaasa mo sa kaligayahang hanggang salita lamang

Minahal kita, alam mo yun?

Pero yan ang pilit kong ibinabaon

Para sa darating na sandali’y makaya ko

Na ipaghiganti ang pusong patuloy mong dinudurog.

Advertisements

Author:

A Christian. A Filipino. Cupcake mania. A simple person. Writer. Blogger. K-fangirl. "Psalm 63:3"

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s